Nagising ako dahil sa ingay ng dalawang pamilyar na mga boses na mukhang nagtatalo sa isang bagay.
"You shouldn't have said that!" Galit na saad ni Jonas
"I just can't let her suffer like that! She has to know!" Giit naman ni Kier
"At ano? Kuya Yance warned us about her situation. Pag may masamang nangyari sa kanya, anong gagawin mo?"
"I will help her. She has the right to know. Hindi ko lang maatim na habang nagpapakasaya ang dalawa sa kasalanan nila, naghihirap si Yuri."
Naka rinig ako ng malakas na pagbagsak at ang tili ni Alanis.
"Stop it you two!" Suway ni Alanis
Kahit mabigat pa ang talukap ng aking mata ay pinilit kong buksan iyon para makita si Kier na naka sandal sa pader habang kinukwelyuhan naman siya ni Jonas. Si Alanis naman ay nasa gilid at pilit na pinapakalma ang dalawa.
"You are just so bitter about what happened!" Singhal ni Jonas
Kier smirked but never said any words.
"Kung hindi naman dahil sayo na gago ka, hindi naman mangyayari 'to. Walang gaguhang ganito!" Patuloy ni Jonas
"Stop it! Jonas!" Tinutulak ni Alanis si Jonas palayo dahilan para umatras siya kay Kier.
"Gago ka ba? Dahil sa akin? Anong alam mo? Yung sinabi ni Patty sayo? Sainyo? Yung side ko alam niyo? Wala kayong alam! Wala kang alam!" Gigil na sagot ni Kier
Isang suntok ang pinakawalan ni Jonas na tumama sa panga ni Kier. Natumba ito sa sahig. Napa singhat si Alanis at yinakap ang beywang ni Jonas at hilahin muli ito palayo kay Kier.
Kier, on the other hand, was still dizzy sitting on the floor while massaging his swollen jaw. Kitang kita ang pamumula noon.
"Kilala kita higit sa lahat! Alam ko ang kagaguhan mo!" Sagot ni Jonas
Napahawak ako sa ulo ko habang tinititigan silang nagaaway.
"Kaya mas kinakampihan mo si Calyx? Just because I was on drugs that time that I had sex with someone else habang kami ni Patty, gago na ako? Okay! Gago na kung gago." Tumayo si Kier at inayos ang suot na kulay abo na v-neck t-shirt.
"Kung gago ako dahil sa isang pagkakamali ko na 'yon, ano pa si Calyx? Nasa huwisyo siya pero nagtaksil pa rin siya. And this, without them knowing na may isang taong nag sasuffer sa ginawa nila, masaya pa rin sila? Like, what the fuck?" His voice broke
Napa pikit ako. And there I saw a man smiling at me. Blurred ang mukha niya but I can see his smile. His lips stretch. I can even smell his scent.
Narinig ko ang pag singhot ni Alanis.
"Bitter na kung bitter kung bakit ko sinabi kay Yuri 'yon. Masama na kung masama. Selfish na kung selfish. Pero naniniwala ako na si Yuri ay para lang kay Calyx dahil magkamatayan man. Mamatay man ako, sa akin... At sa akin lang si Patricia. Handa akong mamatay para sa taong mahal ko."
Umangat ang tingin ko at naabutan ko si Kier na binuksan ang pintuan saka lumabas. Tahimik na naka tayo ang dalawa habang naka tingin sa pintuan. Napa tingala si Jonas at frustrated na napa buntong hininga habang si Alanis naman ay nag punas ng pisngi bago bumaling sa akin.
Nanlaki ang mata niya nang makita akong naka titig sa kanila habang naka upo. Agad niya akong dinaluhan.
"Did we wake you up? Kanina ka pa ba gising? May masakit ba sayo? Gutom ka ba? How was your head?" Sunud sunod na tanong niya
Si Jonas na nakatayo lang sa paanan ng higaan at naka pamulsang naka tingin din sa amin. Hinaplod ko ang braso ni Alanis at tipid na ngumiti sa kanya.
BINABASA MO ANG
The Bachelor Series 1: Forgotten Promise (Self-Published)
Fiction généraleALSO AVAILABLE IN DREAME Yuri Myenne Elizondo or Yummy has everything she wants. She's beautiful, smart and talented and a good daughter and a sister that every parent's and siblings wish to have. But she's also a girl with suppressed dreams. Taliwa...