Sinagot ko si Sage 'noong araw na din 'yon. Nasa isip ko kasi na bakit pa kailangan patagalin ang isang bagay? He started courting me since I was grade 11. College na ako ngayon. Besides, kahit na hindi ako ganoon kasigurado kung love na nga itong nararamdaman ko para kay Sage ay sigurado naman akong gusto ko siya at gusto kong pangalanan siya bilang akin.
Delikado, madaming maganda, sexy, mayaman at matalinong babae sa Maynila. Oo nga't kung ako ang mahal ni Sage ay dapat wala akong pangamba doon. May tiwala ako sa kanya pero sa naka paligid sa kanya ay wala. Sabi nga ni Patty, iba ang karisma ng taong malandi sa taong maganda. Ako maganda lang.
"Tinatapos ko lang 'tong assignment ko. Ikaw?" Tanong ko kay Sage.
Naka dapa ako sa kama habang nagsusulat at siya naman ay kausap ko sa skype.
"Assignment? Araw araw assignment?" Tanong niya
Tumango ako ng hindi siya tinitignan, "Ewan ko ba. Hindi ata mabubuhay yung prof ko ng walang assignment."
Tumawa siya, "May laro ako bukas. First game namin."
Umangat ang tingin ko sa kanya, "Galingan mo. Hindi ka ba uuwi dito sa weekend?" Tanong ko
Three to four hours lang naman ang byahe mula sa Maynila hanggang dito sa Regalla. Pero dahil sa traffic na dadaanan ay lumalagpas hanggang limang oras.
"Hindi siguro. May practice ako sa Sabado tapos sa linggo naman ay may group study kami." Sagot niya
Tumango ako at nagpatuloy ng pagsusulat. Last week ay umuwi siya. Napag usapan na namin 'yon pero minsan ay hindi siya nakakauwi dahil nga sa mga extra curricular activities niya.
"Sa susunod na lang ako uuwi dyan ha, Yummy?"
Umangat ang tingin ko sa kanya. Hindi ko alam kung tinatawag niya ba ang pangalan ko o tinatawag niya ako sa endearment niya sa akin. Ayaw niya kasing may ibang tumatawag sa akin ng Yummy bukod sa kanya. My parents don't usually call me Yummy, palaging Yuri or Yuri Myenne. Even my friends.
Umangat ang gilid ng labi niya. "Yummy," aniya
Umirap ako, "Bahala ka dyan." Uminit ang pisngi ko kaya nagpatuloy na lang ulit ako sa pagsusulat.
He chuckled, "You're blushing."
"Am not." Pag deny ko
"Yeah right." He unconvincingly said
Tumawa ako, "Shut up, Sage Calyx."
His laughter went down kaya umangat ulit ang tingin ko sa kanya. He's staring intently at me na para bang nasa harap ko talaga siya at walang screen na namamagitan sa aming dalawa. Medyo madilim sa kanya pero kitang kita pa rin ang perpekto niyang nukha. Ang kanyang kilay, mata, matangos na ilong at labing manipis at pula. Si Sage yung tipo ng lalaki na pinag kakaguluhan ng mga babae sa school. Hearthob.
"Again, Yummy?" Aniya
"Ha?"
"Call me again." Aniya
Kumunot ang noo ko, "Ayoko nga."
"Sige na. Call me again."
"Bakit?" Isinara ko yung notebook ko at itinuon na sa kanya ang buong atensyon ko.
"Just call me again. Please?"
Huminga ako ng malalim, "Sage Calyx."
Pumikit siya at sumilay ang ngiti sa kanyang labi, "Again."
Pinipigilan kong ngumiti, "Sage Calyx." Ulit ko
Lumaki ang ngisi niya, "Damn. I love you." Aniya at naka pikit pa rin
BINABASA MO ANG
The Bachelor Series 1: Forgotten Promise (Self-Published)
General FictionALSO AVAILABLE IN DREAME Yuri Myenne Elizondo or Yummy has everything she wants. She's beautiful, smart and talented and a good daughter and a sister that every parent's and siblings wish to have. But she's also a girl with suppressed dreams. Taliwa...