Naka nguso ako habang tinititigan si Sage na nagaayos nang kanyang buhok sa salamin. Hindi ko maintindihan kung bakit abalang aba siya sa pagaayos nang kanyang sarili, kung kakain lang naman kami ng hapunan. The Torres brothers invited us and I don't find any special on that.
Tumaas ang kilay ko, "You've been fixing your hair for almost 15 minutes already, Sage."
Napa tigil siya at nilingon ako, "Really?" Takang tanong niya
Napa iling ako saka tumayo pagkatapos ay walang pasabing pumasok sa banyo para makaligo na din.
Nang makalabas ako ng banyo ay wala na si Sage. Hindi man lang nagpaalam sa akin na aalis na siya o mauuna na. Naiinis akong naupo sa harap ng salamin para mag blow dry nang buhok pagkatapos ay concealer lang ang inilagay ko sa mukha ko at konting powder saka nag bihis.
I wore a simple white v-neck loose shirt and denim shorts and slippers. I was about to go when Sage suddenly entered our room.
"You're done?" Tanong niya
Tumango ako. Kinuha niya ang wallet niya bago ako muling binalingan.
Tumaas ang kilay niya, "Don't you have any jacket? Malamig sa labas."
Umiling ako. "Nasa beach tayo. I didn't plan on bringing a jacket with me."
Tumango siya bago may kinuha sa cabinet at iniabot sa akin. It's a gray hoodie na may bulsa sa unahan.
"Wear that if you're cold." Aniya at isinuot ang relo saka ako inayang lumabas.
Sa sea side kami nagtungo kung saan andoon na ang Torres Brothers at mukhang kami na lang ang inaantay. Nauunang maglakad si Sage habang ako naman ay nasa likod niya lang. Nang mamataan kami ng magkapatid na Torres ay malugod naman nila kaming tinanggap sa table nila. Sage pulled a chair for me bago siya naupo sa tabi ko. Sa aking harap ay si Jacob at sa kanyang tabi naman ay si Jackson.
"We already ordered food for you. If you want something else, you can order." Ani Jackson bago sumimsim nang kanyang wine.
"Do you need anything?" Bulong ni Sage sa akin
Inilingan ko siya at napa sulyap sa lalaking kaharap ko. Jacob is looking at us intently. His eyebrows are pulled together and his eyes are questioning. Umiwas ako nang tingin sa kanya nang maramdaman ang kamay ni Sage sa likod ko. Nilingon ko siya para nginitian sana pero ang kanyang titig ay nakay Jacob. His jaw flexed. Irritations are obvious in his eyes.
"Sage," Pukaw ko sa atensyon niya.
Bumaba ang tingin niya sa akin, "Yes? You need anything?"
"Can I have water?"
Tumango siya bago tumawag nang waiter. After a few minutes ay dumating na din ang pagkain namin. Sage and Jackson are talking about the project at paminsan minsan naman ay sumasali si Jacob sa kanila at nagtatanong din.
"Kailan ba ang kasal? Are we invited?" Tanong ni Jackson habang tumatawa
Sage shrugged, "Wala pang date."
Lalong tumawa si Jackson na para bang may nakakatawa sa sinabi ni Sage.
"Wala pang date? Or she didn't say yes?" Tanong nito
Umangat ang tingin ko kay Jacob na nakatingin din sa akin at pinagmamasdan ang galaw ko. Iniwas ko na lang muli ang titig sa kanya. For sure, he still got no idea about what happened. Wala siyang alam na fake engagement lang ang kumalat na pagpapakasal ni Sage. Wala siyang alam kaya ang tingin niya sa akin ay talagang may panghuhusga.
"She still doesn't remember everything. I'm giving her time." Ani Sage
"Even it takes time?" Biglang tanong ni Jacob. Umangat muli ang tingin ko sa kanya
BINABASA MO ANG
The Bachelor Series 1: Forgotten Promise (Self-Published)
General FictionALSO AVAILABLE IN DREAME Yuri Myenne Elizondo or Yummy has everything she wants. She's beautiful, smart and talented and a good daughter and a sister that every parent's and siblings wish to have. But she's also a girl with suppressed dreams. Taliwa...