WMBBSIH: Prologue

702 4 0
                                    

After One Year.....


Nakatingin lang ako sa tv non at pinakikinggan ko ang balita tungkol sa papa ni Hell halos hindi ako makapaniwala na namatay ang papa nya dahil sa stroke dahilan na rin yun para mas lalong mas maging busy si Hell. Halos isang taon na din akong di nakakatanggap ng balita sakanya, tila ba parang nawala na lang sya na parang bula kaya naman pinatay ko na ang tv. Nilapitan ako ni Aishelle, saka nya ako binigyan ng frappe. "Isang taon na ang nakakalipas, Yuri. Hindi pa rin ba natawag sayo si Hell kahit nung bago sya nakarating doon? Kahit sa TUX4 hindi rin? Aba naman grabe naman pala sya, akala nya ba madali na maghintay? Siguro nagpapakasasa ang mokong na yun sa mga magagandang babae na nandoon sa Japan." Sabi ni Aishelle. Humigop lang ako ng frappe at hindi ko sya pinakinggan. Naniniwala ako kay Hell, at hanggang ngayon pinanghahawakan ko pa ang mga salita na binitawan nya, at maya maya pa may alaala na nagbalik saaking isipan.



Flashback: One Year Ago.

Matapos akong ihatid ni Dylan sa bahay namin nung makaalis na sya hindi pa ako pumasok sa bahay namin, tila naglakad lakad muna ako para kahit papaano e sumaya saya naman ako aba kanina pa ako umiiyak. Naisipan ko na magpahangin sa paboritong place ni Hell kaya naman doon ako pumunta, malayo palang ako sa dagat non at pilit kong tinatanaw ang batuhan nang biglang magawi ang tingin ko sa may kanan, may isang lalaking nakaupo doon na para bang may hinihintay, naglakad ako papalapit sakanya at nang makilala ko sya, agad akong napatakbo at napayakap sa may likuran nya. Halata namang nagulat sya kasi pilit nyang tinitignan kung sino ang nakayakap sa likuran nya. "Akala ko tuluyan ka ng umalis, akala ko wala ka na." Sabi ko tapos nagbadya na naman ang mga luha ko at bigla na naman lumabas yun sa mga mata ko. Inalis naman nya ang pagkakayakap ko sakanya, saka nya ako hinarap. Ngumiti sya saakin saka nya pinunasan ang mga luha ko.



"Naisip ko na boba ka nga pala, at iyakin ka kaya hindi na dapat ako magpapaalam sayo pero ako pala ang hindi makatiis sayo. Hindi ko pala kaya na hindi ka makita bago ako umalis. Yuri, minsan ko lang sasabihin sayo to kaya makinig ka okay?" Sabi ni Hell saakin. Oo si Hell tama kayo nang pagkakabasa hindi kayo naduduling o nanlalabo ang mata nyo si Hell talaga ang nasa harapan ko. Tumango naman ako sakanya habang nakatingin pa rin ako sakanya. "Una, gusto ko alagaan mo ang sarili mo. Pangalawa, bawasan mo ang pagiging boba mo. Pangatlo, pwede bang wag ka nang magpakabayani at umiwas ka na sa gulo baka mapauwi ako ng di oras e. Pang huli, mawawala ako sa tabi mo ng matagal na panahon kaya gusto ko tatagan mo ang loob mo habang wala ako. Naiintindihan mo?" Sabi nya. Tumango ako sakanya uli. Biglang ngumiti sya pero tila malungkot ang mga ngiti na yun saka nya ako niyakap ng napakahigpit.



"Yuri, tandaan mong mahal na mahal kita. At kung sakali man na makalimutan ko na mahal kita, pwede bang ipaalala mo saakin ng paulit ulit? Ipaalala mo saakin kung gaano kita kamahal ng sa ganon hindi na kita makalimutan pa, at maalala na kita habang buhay." Sabi nya pa. Tumango na naman ako. Saka ko naramdaman na umiiyak na pala ako. Bumitaw na sya sa pagkakayakap at nagpunas din sya ng mata nya saka nya ako hinawakan sa kamay at naglakad na kami paalis doon sa lugar na yun. "Yuri, ihahatid na kita ha. Masyado nang gabi delikado na, boba ka pa naman." Sabi nya pa, di ko alam kung kikiligin ako o maiinsulto ako sa sinabi nya e. Pero napangiti ako kasi alam ko na si Hell talaga sya at hindi ako nananginip. Maya maya pa nakarating na kami sa harapan ng bahay namin, binitawan na nya ang kamay ko saka sya humarap saakin.



"So paano, hanggang sa muli, Yuri. Kailangan ko nang umalis konting oras lang ang binigay saakin na palugid ni witch e." Sabi nya saakin.



"Sige, goodnight. Hell, magiingat ka ha salamat pala salahat." Sabi ko, tapos ngumiti sya saakin. Saka sya tumalikod at naglakad na palayo pero hindi pa man din sya nawawala sa paningin ko ng tawagin ko sya uli. "Hell!!" Sigaw ko sakanya. Kaya naman humarap sya uli. Ako naman tumakbo papunta sakanya at nang makarating ako sa harapan nya pinulupot ko ang braso ko leeg nya saka ko hinalikan ang labi nya. Nagulat naman sya pero maya maya lang naramdaman ko na ang kamay nya sa bewang ko at tila ba napapikit na kami ng sabay. Matapos ang ilang segundo bumitaw na ako sa kiss.




"Magiingat ka, wag kang mangbabae don kundi susugurin kita at ipapalamon sa malaking dinasaur. Mamimiss kita, Hell. M-mahal na mahal kita." Nasabi ko din. Ngumiti naman sya saakin saka nya ako nilapitan at hinalikan uli, na para bang kami lang ang tao sa mundo na para bang wala na akong ibang naririnig kundi tibok lang ng puso namin.



At doon natapos ang gabi ko na may ngiti sa labi ko, doon natapos ang gabi na may matamis akong alalaala ng dahil kay Hell.












End Of Flashback.










"Huy, para kang baliw na nakatulala dyan ang dami na nating customer halika na't magtrabaho." Sabi ni Aishelle saakin. Kaya naman tumayo na ako at pagtayo ko tila napahawak na naman ako sa braso ko dahil nakaramdam na naman ako ng sakit. Ininda ko na lang yun uli saka ako nagtrabaho siguro kulang lang to sa banat ng buto kaya naman nagtrabaho na ako.


--

Eto na ang prologue! Sabi sa inyo ipopost ko sya e, pero prologue muna sa ngayon. Soon pa po ang story ko binigyan ko lang kayo ng excitement at konting idea about sa book 2. And mamaya ipopost ko ang link ng trailer nitong book 2 kaya sana abangan nyo.





Abangan nyo din ang susunod na kabanata nito.... SOON. Waiting waiting lang tayo mga kaibigan.











Vote. Comment. And Follow Me.












- JEYSI.

WSMTBB Book 2: When Mr. Bad Boy Still Into Her (KN) √Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon