Yuri's POV:
Naglalakad na ako pauwi sa bagong bahay ko nang maalala ko ang nangyari kaninang umaga, tila ba nagulo ko ang buhok ko baliw na kung baliw kasi naman e bat ba inangat angat ko pa yung ulo ko e, napabuntong hininga na lang ako. Maya maya pa ay narinig ko nang kumulo ang tyan ko kaya naman naisipan ko na bumili na muna ng kakainin ko, bumili ako sa isang stall ng mga street foods hinintay ko hanggang sa maluto na pagtapos dumirecho na ako uwi, pagpasok ko sa loob ay tila ba nagulat ako na may nakaupo sa may sofa ko na isang lalaki, kaya naman binatukan ko sya saka nya ako tinignan. "Hoy, anong oras na bakit ngayon ka lang? Uwi ba nang matinong babae yan? Ni wala ka man lang iniwan na pagkain dito? Gutom na gutom na ako." Sabi saakin ni Hell. Sinapok ko naman ulit sya saka ko sya iniwan don at nagpunta sa may table at nilagay ang pagkain ko sa table.
"Hindi ko alam kung bakit nandito ka, hindi ko alam bakit saakin mo inaasa ang pagkain mo kung tutuusin may sarili ka namang bahay, hay nawalan ka na ba ng yaman at dito ka na makikikain." Sabi ko naman. Pero imbis na sagutin nya pa ako ay bigla na lang nya ako tinabi sa may table at umupo sya sa upuan. Nakangiti sya habang binubuksan nya ang plastic bag na pinaglalagyan ng street foods na binili ko. Kinain nya ang isa at tila ba masayang masaya sya habang tinitikman nya ang mga yun.
"Umupo ka na kumain ka na din." Sabi nya saakin, saka nya ako hinila paupo sa isa pang upuan binigyan nya ako ng isang isaw at nagpatuloy na sya sa pagkain nya. Napangiti naman ako habang nakatingin ako sakanya na masayang masaya kumakain. Napatingin naman sya saakin at tila ba nagtaka pa. "Oh bat ganyan ka makatingin saakin siguro gwapong gwapo ka na naman sakin no?" Sabi nya. Hinampas ko naman yung kanang braso nya dahil nagpifeeling na naman sya.
"Kumain ka na nga lang dyan at umuwi ka na pagtapos, hiyang hiya naman ako sayo." Sabi ko tapos tumawa tawa naman sya. Tapos ko kumain ay nagayos na ako ng mga pinagkainan namin habang si Hell ay tuluyan na ngang umuwi sa bahay nya sa kabila. Pagkatapos ko na magligpit ay tila ba naisipan ko na maglinis ng katawan at dumirecho na sa tulugan ko pero bago ako matulog ay tila ba nagbasa muna ako ng mga lecture ko para bukas. Nang biglang may narinig akong ingay at tila ba napasigaw si Hell sa kabilang bahay, parang paiyak na parang patakot na ang naririnig ko na tono sa bawat salita nya kaya naman nagalala ako kaya pinuntahan ko sya doon at tinignan ko kung anong nangyayari. "Huy ano ba nakakabulahaw ka nang kapitbahay ha, akala mo ba wala kang naiistorbo hindi ako makapagaral dahil sa ingay mo. Ano bang problema mo?" Sabi ko, hindi naman sya nagsalita pero bigla na naman syang sumigaw at tumakbo sa may likod saka nya tinuro ang ipis na lumilipad. Napabuntong hininga naman ako. Tinanggal ko yung tsinelas ko at hinabol ko ang ipis na lumilipad hanggang sa lumabas yun sa bahay nya, at nang lumabas na sinara ko na ang mga bintana nya at pinto nya saka ko sya tinignan. "Okay ka na? Kalaki laki mong tao takot ka sa ipis, Hellium Shin binabalaan kita isa pang ingay mo irereport na kita sa baranggay." Sabi ko naman sakanya. Tapos non aalis na sana ako ng bigla nya akong hawakan sa kamay ko.
"Dito ka muna, Yuri. Wag mo muna akong iwan, samahan mo muna ako." Sabi nya saakin. Kaya naman napatingin ako sakanya at nang makita ko ang titig nya sakin ay tila ba gusto kong matunaw nang mga oras na yun kaya naman tumango na lang ako bilang pagpayag ko. Pinahiga ko na sya sa kama nya at ako naman umupo sa may silya sa tabi non, hindi nya parin binibitawan ang kamay ko kaya naman medyo nangangalay na ako, sinulyapan ko naman sya at nang makita ko na tulog na sya napangiti naman ako non.
![](https://img.wattpad.com/cover/59565538-288-k654799.jpg)
BINABASA MO ANG
WSMTBB Book 2: When Mr. Bad Boy Still Into Her (KN) √
FanfictionSa paglipas ng taon, marami na ang nagbago simula ng umalis si Hell para magpunta sa ibang bansa. Habang si Yuri naman ay tila ba nangungulila parin sakanya. Pero sa paglipas ng panahon, sa halos isang taon na nawalay si Yuri kay Hell ni hindi man l...