Hell's POV:
Kinabukasan.
Tahimik lang kaming nagaalmusal at tila ba nagkakatinginan lang kaming lahat dahil sa awkwardness na nararamdaman naming lahat, napasulyap ako kay Yuri at napansin ko na hanggang ngayon namumutla pa rin sya at tila ba nagkaron sya nang pasa sa kabilang gilid ng pisngi, naisip ko na baka dahil yun sakin, na baka dahil hindi ko na napigilan ang sarili ko kagabi dahil sa galit ko kaya naman nasaktan ko sya. "All set na, guys. Mga anong oras nyo ba balak magpunta nang tagaytay?" Biglang sabi ni Jeremy. Hindi pa din kami nagsasalita at tila ba tahimik lang kami nang pumasok si Isiah kasama ang isang babae na ngayon ko lang din nakita. At tila ba nilapitan nito agad si Yuri, at doon ko lang sya namukaan sya yung babae kasama nya sa stall.
"Yuri anong nangyari dyan? Bakit may pasa ka?" Hindi naman nagsalita si Yuri at tila ba ngumiti lang ito ng tipid kaya naman tinignan ako nang masama nung babae. "Ikaw ba? Ikaw ba ang may kagagawan nito?!" Sigaw nya sakin. Napatigil naman sya at napatingin kay Yuri dahil sa paghawak nito sa kanyang kamay.
"Okay lang, wag ka nang magalala ayos lang ako. Malayo sa bituka ito, may amnesia sya hindi nya lang sinasadya yun. Ah Dylan, ayusin na natin yung gamit ko." Sabi nya saka sya tumayo at tila ba sinamahan pa sya ni Dylan sa kwarto nya at hindi ko alam pero bigla na lang ako nakaramdam ng galit at naibato ko ang kutsara, nagulat naman sila at napatingin saakin.
"Wala na akong gana kumain." Sabi ko saka ako tumayo at dumirecho na ako sa kwarto ko at tila ba inayos ko na ang gamit ko pero tila ba hanggang ngayon sa pagaayos ko naalala ko kung paano alagaan ni Dylan si Yuri, ugh naiinis ako nagagalit ako, nagseselos ako at hindi ko alam kung bakit. Bigla kong napansin ang kwintas sa side table ko, ito yung kwintas na naiwan ni Yuri sa may pool area. Tinitigan ko yun at tila ba parang may isang senaryo na pumasok sa isip ko at tila ba pati mga boses naririnig ko na. Ako ang lalaki sigurado ako at may kausap akong babae, ang hindi ko lang alam kung sino ang babae.
"Hell, aalis na tayo." Biglang sulpot ni Jeremy. Napatango na lang ako saka ko dinala ang bag ko at sumunod na ako sakanya, tapos non lumabas na kami nang bahay, pagkalabas namin ay tila ba sumakay na kami sa malaking van, naupo ako sa may harap at katabi ko ang driver na hindi ko alam ang pangalan pero nginingitian nya ako. At tuluyan na nga kami nakaalis sa bahay, bigla ko naman naisip si Yumi. Kamusta na kaya sya? Dadalawin ko sya, sa oras na magbalik kami sa syudad.
Makalipas ang ilang oras ay nakarating na kami nang tagaytay tila ba masaya silang nakapunta dito habang ako, pinagmamasdan ko ang buong lugar. Ang alam ko nakapunta na ako dito maraming beses na pero hindi ko maalala kung sino ang kasama ko at bakit ako pumunta dito. Napansin ko na naman na dinala ni Dylan ang bag ni Yuri at tila ba inakbayan nya pa ang babae at sabay silang pumasok sa hotel habang ako naman nakatingin lang ng masama. "Kung balak mo patayin si Dylan, sa isip mo. Sa totoong buhay mo na lang gawin, lalo na kapag nagseselos ka na talaga." Biglang sabi ni Isiah at tila ba natatawa pa sya saka sya umalis at nilampasan na ako, at nang mapansin ko na ako na lang ang tao ay tila ba napagpasyahan ko na pumasok na din. Pagpasok ko binigay na sakin ni Ate ang susi nang magiging kwarto ko at pumasok na ako doon, pagpasok ko agad na akong humiga dahil gusto kong magpahinga.
![](https://img.wattpad.com/cover/59565538-288-k654799.jpg)
BINABASA MO ANG
WSMTBB Book 2: When Mr. Bad Boy Still Into Her (KN) √
FanfictionSa paglipas ng taon, marami na ang nagbago simula ng umalis si Hell para magpunta sa ibang bansa. Habang si Yuri naman ay tila ba nangungulila parin sakanya. Pero sa paglipas ng panahon, sa halos isang taon na nawalay si Yuri kay Hell ni hindi man l...