Kinagabihan.
Dylan's POV:
Nandito na kami ni Isiah at Jeremy sa venue ng party ni Hell at tila ba hinihintay namin ang pagdating ni Yuri at Aishelle, nabalitaan ko kasi na niyaya daw ni Isiah si Aishelle na kumbinsihin si Yuri na pumunta dito at mukha namang nagtagumpay si Aishelle sa pangungumbinsi dahil natanaw na namin maya maya pa si Yuri at Aishelle na papalapit dito. Pero maya maya pa bigla na lang kami hinarangan ng mga kababaihan na nasa venue, halos isigaw nila ang mga pangalan namin hindi naman namin inintindi ang mga iyon dahil mas mahalaga sa ngayon si Yuri at Aishelle, kaya naman lumakad na kami papunta doon sa kinatatayuan nila. Ngumiti ako kay Yuri kaya naman gumanti din sya nang ngiti saakin. "Are you okay?" Unang mga salita na lumabas sa bibig ko. Mas lalo naman syang ngumiti saakin at tumango kaya naman nilapitan ko na sya at inalok ko ang braso ko sakanya. Tinignan naman nya sandali yun, pero tila ayaw nya pang hawakan yun dahil napansin ko na nakakakapit sakanya si Aishelle at tila kinakabahan na. Tinignan ko naman si Isiah kaya naman nakuha nya na ang ibig kong sabihin, agad nyang hinawakan ang kamay ni Aishelle at saka nya dinala ito sa loob mismo, kaya naman wala ng nagawa si Yuri at pumayag na syang alalayan ko sya papasok sa loob.
Nang makapasok na kami sa loob ay tila ba nalula si Yuri dahil sa laki nito at lalo na dahil sa sobrang ganda ng pagkakaayos sa venue, napansin ko din naman ang hawak nyang pulang paper bag at napangiti na lang ako sa isip ko. Maya maya pa nakarating na kami sa may mesa kung saan naroon sina Isiah, Aishelle at Jeremy kaya naman umupo na kami doon ni Yuri, at maya maya nagsimula na ang mama ni Hell na magspeech nang kung ano ano sa mga nandito na bisita, maya maya pa ay tinawag na nya si Hell kaya naman lumapit na si Hell sa tabi nito saka lumapit ang mga chef at tila nilagay sa may harapan ni Hell ang malaking cake na kung titignan mo ay may touch na kulay black na design. Sinulyapan ko naman si Yuri at nakita kong nakikikanta naman sya pero hindi ko inaasahan ang nakikita ko ang mga titig nya sa isang direksyon kaya naman agad kong sinundan ang titig na yun at nakita ko kung saan napupunta ang mga titig na yun at nakita ko si Hell, at tila ba mapagbiro ang tadhana dahil tila ba nakatitig din si Hell kay Yuri. Napabuntong hininga na lang ako at uminom ng juice, nang matapos na ang pagkanta ay agad namang bumalik si Hell sa kinauupuan nya at napansin namin na nawala ang mama nya. "Sa tingin ko hindi ako nararapat sa party na to. Sana pala talaga hindi na ako nagpunta dito, Dylan ayoko na dito gusto ko na umalis." Sabi nya saakin. Kaya naman tumayo na ako at aalis na kami ng bigla dumating ang mama ni Hell sa mismong harap namin.
"Oh uuwi ka na? Did I invite you here? Dapat nagsasaya ka dahil birthday ng anak ko, sya nga pala nabati mo na ba ang anak ko ng Happy Birthday? Sa tingin ko hindi pa kaya sige pagbibigyan kita, pero sa isang kondisyon. Bakit hindi mo kantahan ang anak ko at bakit hindi ka tumugtog ng piano sa harap ng maraming tao, sisiguraduhin ko sayo na hindi ka mapapahiya." Sabi nya kay Yuri. Nakangisi naman ang mama ni Hell, gusto kong magaalala kay Yuri pero tila ba napangiti ako at tinignan ko si Yuri nginitian ko sya kaya naman nginitian nya din ako.
"Sige tutugtog ako, para kay Hell." Sabi ni Yuri. At tila nagulat sina Isiah alam kasi nila na hindi marunong magpiano si Yuri, si Aishelle din halos hindi makapaniwala. Ang mama naman ni Hell ay naupo na sa isang upuan habang si Yuri naman ay umakyat na sa stage. "Magandang gabi sainyo, gusto kong tutugtugin ang isang awitin na ito para sa isang taong minahal ko pero sinaktan ako, alam ko nakikinig ka at para sayo ito. Happy Birthday, Hell." Sabi ni Yuri, tila nabigla naman si Hell kaya naman agad na napalingon ito kung nasaan ang piano.
BINABASA MO ANG
WSMTBB Book 2: When Mr. Bad Boy Still Into Her (KN) √
FanfictionSa paglipas ng taon, marami na ang nagbago simula ng umalis si Hell para magpunta sa ibang bansa. Habang si Yuri naman ay tila ba nangungulila parin sakanya. Pero sa paglipas ng panahon, sa halos isang taon na nawalay si Yuri kay Hell ni hindi man l...