Yuri's POV:
Matapos akong ihatid ni Dylan ay agad akong pumasok sa bahay namin, at nang makapasok ako ay tila ba napawi ang ngiti ko, napawi ang kasiyahan na naramdaman ko kanina habang kasama ko si dylan at tila ba napalitan yun nang lungkot ng makita ko na nakatayo si mama sa harapan ko at tila ba dala dala ang mga bag nya saka ko nakita si Papa na dala din ang gamit nya, at tila ba aalis na sila. "Ma, Pa, ano ibig sabihin nito? Iiwan nyo po ako? Bakit po? Bakit nyo ako iiwan?" Tanong ko sakanila. Hindi naman nakasagot si Mama at napaupo na lang sya sa isang silya.
"Anak hindi na namin kaya ng mama mo ang buhay dito sa syudad,uuwi na kami sa probinsya ng lolo mo doon na kami maninirahan, doon na kami maghahanap buhay, doon na muna kami pansamantala at ikaw tapusin mo muna ang pagaaral mo saka ka sumunod saamin doon." Sabi ni Papa saakin, tila napalapit naman ako kay mama at niyakap ko sya.
"Ang daya daya nyo naman e, bat hindi nyo sinasabi saakin agad? Maiintindihan ko naman po kung ano ang magiging desisyon nyo, pero binigla nyo ako ma e." Sabi ko at tila ba napaluha ako kaya naman niyakap na din ako ni papa, at nagyakapan kaming tatlo at para kaming mga sira na umiiyak din.
"O sya paano anak, kailangan na namin umalis baka mahuli kami sa oras nang pagalis ng bus, aalis na kami ng papa mo. Magiingat ka dito, pansamantala ka munang lumipat sa maliit na apartment para hindi ka mahirapan sa pagbabayad ng bahay nating malaki? O sya aalis na kami, pagbutihan mo pagaaral mo, Yuri. Wag mo kaming bibiguin." Sabi ni Mama, saka sila umalis ng bahay habang ako naiwan don na nakanganga habang nakatingin sa nilabasan nilang pinto, nakatungo akong pumunta sa kwarto ko at inimpake na lahat ng damit at gamit ko, saka ako lumabas ng bahay, napatingin ako sa kabuuan ng bahay namin hanggang sa mapagtanto ko na kulang na kulang talaga kapag wala si mama at papa dito. Kaya naman matapos kong tignan yun ay umalis na ako at nagpunta ako sa coffee shop, nang makita ako ni Aishelle at boss Mike tila ba nagulat sila.
"Yuri, anong nangyari?" Tanong ni Aishelle nang makalapit sya saakin sunod naman na lumapit saakin si Boss Mike.
"Umalis sina mama at papa nagpunta sila ng probinsya, biglaan nga e kaya kailangan ko din nang matitirhan, hindi ko alam kung saan ako makakita ng apartment na maliit lang tapos mura, tapos yung safe tirhan." Sabi ko, napahawak naman si boss Mike sa balikat ko kaya naman tinignan ko sya. Nagulat naman ako ng makita ko ang mga ngiti nya saakin. "Oh bat ganyan ka makangiti, Boss?" Tanong ko.
"Hindi mo na kailangan magalala pa, si Sam may tinitirhan noon alam ko na mura lang yun at maliit lang pero safe, pwede ka doon. Ano okay ba sayo?" Sabi nya saakin, may sumilay naman na ngiti saakin saka ako napatango kay Boss Mike. Kaya naman nagulat ako ng hinila nya ako at pinagbantay nya muna si aishelle nang coffee shop habang ako ay dinala nya sa isang kotse at pinasakay nya ako. Pagsakay ko pinaharurot nya naman yun hanggang sa makarating kami sa isang maliit na apartment. Napatingin naman ako sa kabuuan non, at medyo napangiti dahil sa unang tingin makikita mo na tahimik lang at safe ang lugar kaya lang may kapit bahay na nasa harapan, pero muka namang walang nakatira, kaya naman okay lang. Bumaba na ako at bumaba na din si Boss Mike. "Ang totoo nyan, dahil sa pagtira ni Sam dyan sa bahay na yan nakilala ko sya, hindi mo kasi naitatanong na akin ang apartment na yan kaya naman free ang stay mo dyan, Yuri. Pero dahil si Yuri ka at mapilit ka at talagang magbabayad ka, 2,500 na lang a Month ang ibayad mo saakin." Sabi ni Boss mike. Napayakap naman ako sakanya, at tila ba masayang masaya ako.
BINABASA MO ANG
WSMTBB Book 2: When Mr. Bad Boy Still Into Her (KN) √
FanfictionSa paglipas ng taon, marami na ang nagbago simula ng umalis si Hell para magpunta sa ibang bansa. Habang si Yuri naman ay tila ba nangungulila parin sakanya. Pero sa paglipas ng panahon, sa halos isang taon na nawalay si Yuri kay Hell ni hindi man l...