Yuri's POV:
Kinagabihan.
Matapos ang shift ko sa coffee shop naisipan ko na umuwi dahil sumasakit na naman ang braso ko, sa tingin ko kailangan ko ng ipacheck up to pero bigla naman akong napailing, alam ko sa sarili ko na hindi malala to baka kasi kulang lang ako sa exercise baka naman ngalay lang, kaya naman itutulog ko na lang ito tama ang naisip mo Yuri, itulog mo na lang. Nang makarating na ako sa bahay naabutan ko na naghahanda na si papa at mama para sa dinner, kaya naman nagbihis na ako at pumunta na din sa hapag kainan, habang tumitingin tingin ako sa mga nilalagay nila sa ulam napansin ko ang kalungkutan nila. Umupo na rin sila pagtapos nilang maghanda nagdasal muna kami bago kami tuluyang kumain. "Ma, Pa, bat parang lungkot lungkot nyo naman ata? Ano bang ganap?" Tanong ko sakanila. Nagkatinginan naman sila at napabalik na ang tingin nila saakin.
"Kasi anak, ang tagal tagal mo nang nagtitiis na magtrabaho para saamin, eh dapat kami ang gumagawa nyan para sayo. Kung humanap na kaya kami ng trabaho kasi naman anak e, feeling namin nagiging pabigat na kami sayo." Sabi ni mama.
"Ma, hindi kayo pabigat okay, saka ayos lang saakin ang magtrabaho basta natutulungan ko kayo. Wag na kayong magalala pa, ma alam ko naman na darating ang panahon na magkakaroon din kayo ng trabaho, pero sa ngayon hayaan nyo na muna ako." Sabi ko naman tapos tumahimik na sila at nagpatuloy na kami sa pagkain namin. Maya maya pa naramdaman ko na naman ang sakit ng balikat ko. Napatingin saakin si mama.
"Oh anak, sumasakit na naman ang braso mo? Ipatingin mo na kaya yang braso mo ilang araw nang nasakit yan baka hindi lang basta ngalay yan." Sabi ni mama saakin. Ngumiti lang ako saka ko pinakita sakanila na okay lang ako, matapos namin na kumain hindi na nila ako pinagtrabaho pa sa bahay, magpahinga na daw ako tutal ako naman daw ang nagtatrabaho para sa pamilya kaya deserve ko daw ang magpahinga. Kaya naman pumasok na ako sa kwarto ko tapos non kinuha ko ang cellphone ko nakita ko doon ang picture ni Hell.
"Siraulo ka talaga, diba sabi ko sayo wag kang mambabae dyan? Bat di mo na ako tinatawagan ha? Nakakainis to. Pag ako nagkaroon ng lalaki dito walang sisihan ha." Sabi ko sakanya saka ko sinuntok suntok yung screen na kunwari si Hell ang sinusuntok ko. Maya maya napatingin ako sa kwintas ko, kinuha ko yun at hinawakan ang pinaka puso non. "Pero, masyado kitang mahal kaya hindi ako manlalaki. Pangako ko sayo, iingatan ko lagi ang puso mo." Nasambit ko saka ako napangiti. Maya maya pa bigla naman nagring ang cellphone ko.
Sinagot ko naman yun at tila halos mapasigaw ako ng marinig ko ang sinasabi nya, halos mabitawan ko na ang cellphone ko at napatakbo ako sa kwarto nina mama at papa. "Ma! Pa! May trabaho na kayo, tinanggap kayo ng isa sa mga music theatre dito sa atin bilang mga janitor at janitress, mama, papa makakapagumpisa na kayo bukas!" Sabi ko sakanila. Tila napasigaw na din sila sa tuwa at agad kaming nagyakapan naisip ko nang mga sandali na yun, napakabait talaga ng maykapal saamin kasi binigyan na naman kami ng panibagong pagkakataon. Kaya naman maraming salamat, po!
Third Person's POV:
BINABASA MO ANG
WSMTBB Book 2: When Mr. Bad Boy Still Into Her (KN) √
FanfictionSa paglipas ng taon, marami na ang nagbago simula ng umalis si Hell para magpunta sa ibang bansa. Habang si Yuri naman ay tila ba nangungulila parin sakanya. Pero sa paglipas ng panahon, sa halos isang taon na nawalay si Yuri kay Hell ni hindi man l...