WMBBSIH:SIX

183 2 1
                                    

Yuri's POV:



Makalipas ang isang linggo.




Matapos kong maihanda ang order ng customer ay agad ko naman yun ibinigay sakanila, nilapag ko ang pagkain nila at tila ba aalis na ako ng tawagin ako uli nung customer. "Miss, strawberry shortcake ang binigay mo saakin. Blueberry cheesecake ang inorder ko." Sabi nung babae.





"Ako caramel frappe ang inorder ko, pero mocha frappe ang binigay mo saakin. Ano ba naman yan, ganito ba ang coffee shop nyo." Sabi nang isa pang customer na kasama ng babaeng unang nagreklamo. Agad naman to the rescue si Aishelle.



"Pasensya na po kayo mam, sir papalitan ko nalang po. Sandali lang po." Sabi ni Aishelle, matapos nyang makuha ang mga maling order ay agad nya din akong hinila saka nya ako sinabihan na doon na lang muna ako sa counter dahil parang wala daw ako sa sarili kaya naman umupo ako sa may upuan sa may counter, hindi ko alam kung bakit ba ako nagkakaganito, halos hindi ko na malaman sa sarili ko kung bakit ba kailangan kong maapektuhan ng ganito. Matapos nya akong madala doon ay agad nyang dinala ang mga orders saka nya ako binalikan doon. Umupo sya sa tabi ko at hinawakan ang kamay ko. "Ano bang nangyayari sayo, Yuri? Tungkol pa rin ba ito kay Hell, o dahil sa kung ano pang dahilan? Umamin ka, Yuri." Sabi nya saakin.


"Sa totoo lang hindi naman agad matatanggal sa isipan ko si Hell, at oo inaamin ko hindi ko talaga alam kung papaano ba ako makakatrabaho kung sya ang nasa isip ko, hindi ko na din alam kung ano bang gagawin ko pagtapos kong grumaduate sa high school, hindi na naman ako pwede mag-volleyball, kaya ano naman ang nababagay sa tulad ko na hindi naman matalino." Sabi ko naman sakanya. Kasabay nang pagbuntong hininga ko ay ang pagtayo nya kaya naman napatingin ako sakanya, tapos napatingin ako sa may harapan namin si boss Mike may dalang supot na hindi ko malaman kung anong laman non.



"Yuri, dalhin mo to sa girlfriend ko, eto ang address pag tinanong kung kanino galing sabihin mo sa pinakagwapo nya kamong boyfriend, sige na lumakad ka na." Sabi saakin ni boss, pero agad naman kinuha ni Aishelle ang binibigay saakin ni boss.



"Ako na lang ang magdadala, boss tutal mukang hindi maganda ang pakiramdam ni Yuri ako na lang papauwiin ko na sya." Sabi ni Aishelle, pero tila pinilit pa rin saakin ni boss ang mga supot na yun kaya naman ngumiti ako kay Aishelle at para bang pinaparating ko sa ngiti kong yun na okay lang na ako na ang magdadala, kaya naman pagkakuha ko ng supot at agad kong tinanggal ang apron ko at nagpunta na sa sinabing address, sa unang tingin ay tila ba napakalaki nito.



Pumasok ako agad sa may gate at nagulat ako nang may gwardiya na humarang saakin, at tinignan ako saka nya ako pinapasok matapos nyang tignan ang bitbit ko. Lumakad na ako papunta doon sa sinasabi ni boss, pero laking gulat ko nang mapagtanto ko na isa pala itong pre-school kaya naman tila napangiti ako, ibig sabihin ba nito isa sa mga guro ang girlfrend ni Boss. Kaya naman naglakad na ako at hinanap na ang girlfriend ni boss pero tila napatigil ako nang biglang maalala ko nang hindi ko nga pala naitanong kung anong itsura nung girlfriend nya, ano ba yan. Kaya naman kukunin ko na sana ang cellphone ko at tatawagan na sana si Boss ng biglang may magandang babae ang humarang saakin. "Hi, ikaw ba si Yuri?" Sabi nya saakin. Tumango naman ako sakanya, saka ko tinago ang cellphone ko. Agad naman nyang kinuha ang dala ko at hinila nya ako papasok sa isang room at nakita ko doon ang iba't ibang estudyante.

WSMTBB Book 2: When Mr. Bad Boy Still Into Her (KN) √Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon