Third Person's POV:
Sa mansyon ng mga Aragon maagang nakauwi galing ibang bansa ang mama ni Hell at diredirecho itong pumasok sa sarili nitong opisina saka nya pinatawag si chief Torres, kaya naman agad na pumunta doon si Chief Torres. "Maligayang pagbabalik po, Madam." Bati ng ginoo sa ginang. Napatayo ito at tila ba tumingin sa malaking bintana nito.
"Nasaan si Hellium Shin? Tulog pa ba sya? Gusto ko syang makita." Sabi naman nito. Tila kinabahan naman ang ginoo at tila ba nang hindi makasagot ang ginoo sa ginang ay agad na tumingin ito nang matalim sakanya, at tila ba naglakad ito papunta sa may bag nya at kinuha doon ang mga litrato. "Alam kong busy ka sa ibang trabaho na binigay ko sayo, chief Torres pero ang hindi ko maintindihan ay bakit na pabayaan mo ang pangyayari na ito? Sabihin mo saakin kailan pa tumira si Hellium sa bahay na yan kasama ang babaeng hampas lupa na yan?" Tanong nito sa ginoo.
"Pasensya na kayo, Madam hindi po ako naging maingat sa pagbabantay, wag po kayong magalala madam, hindi na po mauulit ang pangyayari na ito." Sabi nang ginoo dito. Napabuntong hininga ang ginang saka ito umupo sa swivel chair nito.
"Kung ganon, mamaya kailangan nandito na si Hellium at ayoko nang makikita pa sya na lumalabas ng mansyon na ito na walang pahintulot ko nagkakaintindihan ba tayo, Chief Torres?" Tanong nito, tumango naman agad ang ginoo. "Kung ganon pwede ka nang umalis." Sabi pa ng ginang at pagtapos non ay umalis na ang ginoo, habang ang ginang naman ay pinagpupunit ang mga litrato nina Hell at Yuri na magkasama sa iisang bahay.
Samantala sa lugar na tinitirhan ni Yuri ay tila ba tahimik syang nagwawalis ng labasan nya nang bigla na lamang sumulpot sa harapan nya si Hell kaya naman agad syang nagulat at tila ba hindi makapaniwala. Tinigil nya muna ang pagwawalis saka nya tinignan ang binata. "Ano na naman ba ang kailangan mo ha, Hellium Shin?" Sabi nito sa binata, nagulat naman sya nang agad syang hilahin nito sa bahay nito at agad na pinasok sya nito sa loob. Tila ba napayakap sya sa katawan nya. Nang mapatingin sakanya si Hell ay tila ba nagtataka sya kung bakit ganon na lang ang itsura ng dalaga.
"Ano yang itsura mo dyan? Para kang sasamantalahin sa itsura mo ha, wag kang magalala hindi kita pagsasamantalahan nakakabored kasing kumain magisa e, kaya gusto kong saluhan mo ko. Kung baga bayad ko na to sayo kasi nakikain din ako nung isang gabi. Halika na wag ka na maarte dyan kumain na tayo." Sabi naman ni Hell sakanya. Kaya naman lumapit sya doon at tinignan ang nakahandang pagkain, at tila ba gusto nyang maiyak nang makita nya ang mga pagkain na nandoon tumingin sya sa binata at tila ba napatingin din sakanya ito. "Oh bakit?" Tanong nito. Nagulat naman sya dahil bigla syang niyakap nang dalaga.
"Kahit kailan talaga nakakainis ka, kahit kailan talaga siraulo ka. Kailan ka pa natutong magbake? Kailan ka pa natutong magluto ng kwek kwek at nang mga ito? Pinabibilib mo talaga ako, Hellium Shin." Sabi ng dalaga sakanya. Napayakap naman din ang binata sakanya at tila ba napangiti ito.
"Bumabawi lang ako sayo, Yuri. Tara na wag ka na magdrama dyan pumapangit ka e, halika na kumain na tayo." Sabi nya sa dalaga kaya naman hinampas sya nito tapos natawa na din ang dalaga saka nila pinagsaluhan ang nasa lamesa, tila ba masaya sila non at tila ba nung mga oras na yun kinalimutan muna nila ang lahat, kinalimutan nila ang mga problema at tila mas inisip muna nila sila, silang dalawa, kung anong meron sakanila noon at kailanman hindi magbabago hanggang ngayon.
BINABASA MO ANG
WSMTBB Book 2: When Mr. Bad Boy Still Into Her (KN) √
FanfictionSa paglipas ng taon, marami na ang nagbago simula ng umalis si Hell para magpunta sa ibang bansa. Habang si Yuri naman ay tila ba nangungulila parin sakanya. Pero sa paglipas ng panahon, sa halos isang taon na nawalay si Yuri kay Hell ni hindi man l...