Yuri's POV:
Hanggang ngayon iyak pa din ako nang iyak at tila ba hindi ko na alam ang gagawin ko, dahil hanggang ngayon hindi nya ako kilala. Ilang araw na din ang nakakalipas simula nang makabalik si Hell dito sa bahay nila pero tila hanggang ngayon ganon pa rin sya makitungo saakin, ni hindi nya ako matignan, ni ayaw nya akong kausapin at para bang si Yumi na lang ang tanging nakikita nang mga mata nya. Oo araw araw ding nandito si Yumi, dahil sabi sakin nila Ate Hei gusto daw ni Hell na nandito ang babaeng mahal na mahal nya, nung marinig ko yun para na akong mamatay sa sakit, hindi ko alam kung hanggang kailan ko matitiis ang lahat nang ito, hindi ko alam kung hanggang saan ko kakayanin ang lahat nang nangyayaring ito.
Napatayo naman ako nang biglang may pumasok sa kwarto na tinutuluyan ko. Hanggang ngayon nandito pa din ako sa bahay nila Ate Heiven, dito nya muna ako pinagstay nagtataka nga din ako bat hindi ako pinapalayas ng mama nya, yun pala nalaman ko na sinabi pala ni Mr. Torres na inalagaan ko ang papa nila, nung una nagulat din ako kaya naman ang pagtira ko dito ay tila ba pasasalamat na din ng pamilya nila saakin. Nang makita ko kung sino ang pumasok tila ba ngumiti lang ako nang tipid sakanya. "Hanggang ngayon pala, nandito ka pa rin sa bahay namin. Wala ka bang balak umuwi sainyo? O baka naman wala kang uuwian? Well, don't get me wrong obvious naman kasi sa itsura mo na mahirap ka, ah hindi baka nga pulubi ka--" nagulat sya at napahawak sya sa pisngi nya nang sampalin ko sya, at unti unting may tumulong luha sa mga mata ko.
"Okay lang na hindi mo ako maalala, okay lang na hindi mo ako mahalin uli, pero ang husgahan mo ang pagkatao ko base lang sa nakikita mo yun ang hindi ko mapapayagan. Hinahayaan ko na saktan mo ako, hinahayaan lang kita Hellium Shin, pero hindi ko na kayang humarap sayo kasi napapagod na ako. Sa bawat araw na pinipilit ko ang sarili ko sayo, yun din ang mga panahon na iniiwasan mo ako. Kaya suko na ako sayo, bahala ka na kung anong gusto mong gawin sa buhay mo. Maalala mo man ako o hindi wala na akong pakialam." Sabi ko saka ako lumabas ng kwarto na yun at didirecho na sana papalabas ng mansyon nila nang bigla akong hilahin nila Jeremy.
"Kakain na daw sabi ni Heiven." Sabi nya saakin. Kaya naman nagpunta na ako sa hapag kainan. At tila ba wala na akong nagawa at kumain na ako. Nakita ko naman na umupo na rin si Hell at yung Yumi sa kabilang side at nagsimula na ding kumain. "Sya nga pala, napagpasyahan namin na magcelebrate. Dahil nakabalik ka na si Hell, pupunta tayo sa tagaytay para magcelebrate sa pagbabalik mo. What do you think guys?" Sabi ni Jeremy uli. Napatingin naman ako at napaiwas na lang uli.
"I'm going, para saakin naman pala e. Edi sasama ako, pati si Yumi right babe?" Sabi nya saka nya hinawakan ang kamay ni Yumi at nginitian tumango naman ito, at ngumiti din.
"Ikaw Yuri? Sasama ka ba?" Tanong saakin ni Isiah. Napatingin naman ako sakanila. Ngumiti ako pero hindi ako sumagot. "Hell, is it okay?" Biglang tanong ni Isiah kay Hell.
"Sure, kung gusto nya sumama edi sumama sya, walang kaso sakin yun." Sabi nya, kaya naman wala na din akong nagawa at sasama na ako. Matapos ang napakaawkward na kainan na yun ay dumirecho na lang ako sa may pool area non at tila ba tinitignan ko ang napakagandang buwan doon. Saka ko naisipan kunin ang kwintas ko at tignan yun.
BINABASA MO ANG
WSMTBB Book 2: When Mr. Bad Boy Still Into Her (KN) √
FanfictionSa paglipas ng taon, marami na ang nagbago simula ng umalis si Hell para magpunta sa ibang bansa. Habang si Yuri naman ay tila ba nangungulila parin sakanya. Pero sa paglipas ng panahon, sa halos isang taon na nawalay si Yuri kay Hell ni hindi man l...