Third Person POV:
Kinabukasan.
Tahimik lang na nagmamasid si Yuri ng mapansin nya na may tumigil na itim na sasakyan sa may tabi ng kalsada kung nasaan sya at nagtatago. Tumingin sya sa sasakyan at maya maya pa bumaba na si Hell sa sasakyan nya, hinila naman sya patago ni Yuri. "Ano ka ba mahuhuli ka nila dyan e, kahit kailan talaga. Atsaka late ka na kaya ang tagal mo dumating." Sabi ni Yuri sakanya pero tila ba hindi sya pinansin ni Hell at nakitingin nalang si Hell sa tinitignan ng dalaga. Maya maya pa ay lumabas na nang bahay si Aishelle at tila ba sinalubong ito ni Isiah saka nya inabot ang kamay sa dalaga, tila hinalikan nya yun at ngumiti pa, nahiya naman si Aishelle kaya tila napatango sya at medyo nablush. Halos mainis naman si Yuri dahil sa nakita na reaksyon ni Aishelle.
"Pursigido ka e no? Muka naman silang masaya sa gagawin nila, pati nga kaibigan mo e, wag mo na silang sundan hayaan mo na sila magdate." Sabi ni Hell kay Yuri.
"Hindi, hindi ako papayag. Minsan nang umiyak ang kaibigan ko dahil sa mga katulad ni Isiah kaya hindi ako makakapayag na mapaiyak syang muli hindi pwede." Pagkasabi nya non ay hinila sya ni Hell papayakap dito. Tila nagulat naman ang dalaga pati na din ang binata at napabitaw naman sila nang marealize nila na awkward na ang posisyon nila. Agad naman na silang sumakay nang sasakyan at sinundan na ang sasakyan nina Isiah at Aishelle.
Tumigil naman ang mga ito sa isang restaurant kung saan tila ba mamahalin kaya naman ay pagkababa nina Aishelle at Isiah ay sumunod na din sila, pagpasok nila sa resto ay agad silang umupo sa malapit na upuan sa dalawa kaya naman kitang kita nila ang ginagawa nang dalawa. Umorder na ang mga ito at nang dumating na ang order ay tila ba kumain na sila, si Isiah ay tila sinusubuan pa si Aishelle kung baga kung ibang tao ang makakakita sa ginagawa nila pagkakamalan talaga silang magkasintahan dahil sa sweetness nila. Tawa din sila ng tawa na para bang may nakakatawa sa pinaguusapan nila hanggang sa magkaroon ng dumi sa gilid ng labi ni Aishelle. Agad naman na napansin yun ni Isiah, nginitian nya ang dalaga at tila ba pinunasan nya ang gilid ng labi ng dalaga. Halos mainis na naman si Yuri sa nakikita nya at yun naman ang napansin ni Hell.
"Ikaw ba concern ka lang ba talaga sa kaibigan mo o may gusto ka na kay Isiah? Sa inaakto mo ngayon para kang asawa na niloloko." Sabi ni Hell kay Yuri. Napairap naman sya at hindi na lang pinansin ang sinabi ni Hell, nasabi nya na lang sa sarili nya na palibhasa kasi hindi ikaw ang nasa lugar ko. Maya maya pa bigla namang may dumating na waiter uli at sinerve na ang dessert, tila naexcite naman si Aishelle nang makita nya ang paborito nyang ice cream saka nya to kinain, pero maya maya pa napansin ni Hell at Yuri na nahirapan na itong ngumuya maya maya pa may kinuha ang dalaga sa bibig nya at laking gulat nya ng may makita syang silver ring doon. Napatingin sya kay Isiah.
Lumuhod naman sa harapan nya si Isiah. Kinuha nya ang singsing at dahan dahan na sinuot sa daliri ni Aishelle ang magandang singsing. "Aishelle, hindi ito proposal o kung ano pa man pero isa itong tanda na may gusto ako sayo, oo sa ilang buwan kitang nakilala at nakasama nahulog na ako sayo hindi ko lang maamin sa sarili ko noon, pero ngayon, ngayon handa na ako. Aishelle gusto kita, gusto mo rin ba ako?" Sabi ni Isiah kay Aishelle. Napatayo naman si Yuri pero agad syang hinila papaupo ni Hell at nagtago sila muli sa may menu. At sinilip kung napansin ba sila pero mukang hindi kaya naman sinubaybayan pa nila ang dalawa at tila hinintay pa ang sagot ni Aishelle. Tumango naman si Aishelle at tumayo ito saka sila nagyakap, inis na inis naman si Yuri dahil sa nakita nya at narinig nya.
![](https://img.wattpad.com/cover/59565538-288-k654799.jpg)
BINABASA MO ANG
WSMTBB Book 2: When Mr. Bad Boy Still Into Her (KN) √
FanfictionSa paglipas ng taon, marami na ang nagbago simula ng umalis si Hell para magpunta sa ibang bansa. Habang si Yuri naman ay tila ba nangungulila parin sakanya. Pero sa paglipas ng panahon, sa halos isang taon na nawalay si Yuri kay Hell ni hindi man l...