WMBBSIH:TWELVE

145 3 0
                                    

Third Person's POV:









After one week...





Makalipas ang isang linggo, matapos maganap ang pag amin ni Archery kay Yuri na sila ni Hell ay halos hindi na ito isipin ng dalaga, kung baga naisip nya tama na kalimutan na nya ang lahat, kakalimutan nya na ang lahat ng namagitan sakanila ni Hell, at tatanggapin na nya nang maluwag sa loob nya na si Hell at Archery ay ikakasal na ngayong taon. Kaya naman, ngayong araw magisa lang syang nasa greenhouse habang nirereview ang mga exams nya para sa pagkuha nya ng education. Naisip nya na bakit hindi nya subukan na magteacher na lang at magturo ng academics sa mga bata ng sa ganon ay hindi na rin nya maisip na may nawala sa pagkatao nya at yun ay ang volleyball. "Mukang pursigido tayo ha." Sabi ni Dylan na kakaupo lang sa tabi nya. Napangiti naman sya at napatingin na pang kay Dylan, ngumiti din naman si Dylan pabalik. "Yuri, okay ka na ba?" Tanong pa ni Dylan. Tumango naman ng mabilis si Yuri.



"Oo naman no, okay na ako tanggap ko na na hindi na ako pupwedeng magvolleyball kaya eto nagaaral na ako para sa college mageeducation ako. Alam kong mahirap dahil sempre patience ang kailangan mo para sa mga bata e, pero gagawin ko ang best ko para naman hindi ako pumalpak." Sabi ng dalaga, at tumawa ito. Pero tila hindi naman natawa ang binata, kung baga ay tumingin lamang ito sa dalaga para tignan kung totoo ba ang tawa nito. Natigilan naman ang dalaga. "Oh bakit ganyan ang muka mo?" Tanong nya sa binata.




"Yuri, hindi pagkuha mo ng education ang inaalala ko. Hindi rin pagkawala ng volleyball sa buhay mo ang tinatanong ko kung tanggap mo na. Ang gusto kong iparating ay, kung okay ka na ba talaga? Tanggap mo na ba na hindi na kayo ni Hell, at sila na ngayon ni Archery?" Sabi ng binata. Napaiwas naman ang dalaga at tila ba pinapahalata nya na ayaw nyang pagusapan ang bagay na yun. Pero nagmatapng din sya at imbis na umiyak ay ngumiti sya saka taas noo na tumingin sa binata.





"Oo naman no, okay na ako. Tanggap ko na, tanggap ko na na hindi naman talaga kami ang nararapat ni Hell sa isa't isa. At isa pa wala din naman akong kayang patunayan sa magulang nya especially sa mama nya, sino lang naman ba ako diba? Wag ka na magalala, Dylan kaya ko na, okay na okay ako, tanggap na tanggap ko na din." Sabi naman ng dalaga. Kaya naman hindi na umimik ang binata pero maya maya pa ay napalingon sya sa may entrance ng green house, napansin naman ni Yuri yun kaya naman napatingin na din sya doon at nakita nila na si Hell at Archery ang papasok sa loob non.



"Ewan ko ba sayo, Shin. Bakit ba ako na lang lagi ang nagyayaya sayo na makipagdate? Kung tutuusin ikaw dapat ang nagyayaya, sabi mo mamahalin mo na ako, sabi mo pakakasalan mo ako? Paano ko malalaman na totoo yun kung ni hindi mo ko mayaya makipagdate, ni hindi mo ako matignan ng derecho, ni hindi mo ako mahawakan, mayakap, at mahalikan. Nawawalan na ako ng tiwala sa sinabi mo, natatakot na ako, Shin. Kaya ngayon gusto kong makasigurado ako." Sabi ni Archery kay Hell. Napatingin si Hell kay Archery, at tila ba naguguluhan ang binata sa sinasabi nito. Habang si Dylan at Yuri ay tahimik pa nadin na nakikinig lang doon sa loob.



"Ano bang gusto mong gawin ko?" Tanong ng binata kay Archery. Napaisip naman sya, saka sya humarap sa binata at pinulupot ang braso nito sa batok nito.




"I want you to kiss me, at kapag nagawa mo yun, Shin. Pangako ko hindi na ako matatakot." Sabi ni Archery. Napaisip naman si Hell at tila hindi nya alam ang gagawin nya. Naalala nya bigla ang muka ni Yuri, naalala nya kung paano nya hinalikan ang dalaga, naalala nya kung gaano nya kamahal ang dalaga pero tila ba agad din napawi yun nang makita nya na hinalikan din ni Dylan si Yuri. Kaya naman walang sabi sabi hinawakan nya ang bewang ng dalaga at saka sya pumikit at dahan dahan na nilapat nya ang labi nya sa labi nang dalaga.

WSMTBB Book 2: When Mr. Bad Boy Still Into Her (KN) √Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon