Yuri's POV:
Matapos kong malaman na nawawala si Hell ay agad akong nagayos ng gamit ko para bumalik na sa syudad, kailangan kong makibalita kailangan kong malaman if ever kung ayos lang ba ang kalagayan ni Hell dahil kung hindi habang buhay kong sisisihin ang sarili ko. Matapos kong maayos ang gamit ko ay agad na akong nagpaalam kay mama at papa saka ako naghintay sa may sakayan ng bus, biglang may tumulong luha sa mata ko, hindi ko alam kung para saan yun pero alam ko na ang puso ko ay nangungulila na ka kay Hell. Dahan dahan kong hinawakan ang kwintas ko na binigay saakin ni Hell saka ko nasabi sa sarili ko na.. "Bumalik ka na, dahil handa na akong ipaglaban ka. Pangako ko sayo, hindi na kita iiwan basta bumalik ka lang samin, Hell." Saka ako napapikit at tila ba iniimagine ko ang magaganda nyang ngiti ang mga tawa nya, ang mga titig nya na nakakatunaw at ang mga efforts nya na kailanman hindi matutumbasan nang kahit na sinoman. Hanggang sa dumating na ang bus at nagmulat na ako nang mata saka ako sumakay doon. Nang makaupo ako ay tila ba may alaalang nagbalik sa isipan ko, ang araw na pagalis ko, ang araw na iniwan ko si Hell. Hindi ko akalain na sa mga ginagawa ko ay dito pala ako mas magsisisi bakit hindi ko muna pinagisipan ang lahat? Bakit nagpadalos dalos ako? Sana hindi nangyayari ito, sana hindi nawawala si Hell, at sana masaya pa rin siguro kami.
Hindi ko na alam kung ilang oras ang tinagal ng byahe dahil namalayan ko na lang na nasa syudad na ako, bumaba ako nang bus st sumakay nang taxi para makapunta na agad sa bahay nina Ate Heiven, nang makarating ako doon ay nagbayad na ako at tila ba pagbaba ko ay dumire derechong pasok ako at tila ba nang buksan ko ang pinto ay sumalubong saakin ang mga namumugto at nalulungkot nilang mga mata. Tinignan ako ni Ate Heiven at tila nilapitan niya ako, napayuko at tila napapikit at para bang hinihintay ko na sigawan nya ako at sampalin nya ako pero tila narinig ko lang ang hagulgol nya at maya maya pa ay naramdaman ko na lang ang yakap nya. Napayakap naman ako sakanya pabalik, alam kong patulo na din ang luha ko pero tila ba ay pinipigilan ko yun dahil alam kong pag tumulo na yun hinding hindi na ako titigil sa pagiyak. Nang bitawan ako ni Ate Heiven ay niyakag nya ako sa sala at tila ba pinaupo nya ako sa sofa, tila tahimik sila at walang magawa, naghihintay lang sila nang balita. Maya maya pa ay bumukas na naman ang pinto at iniluwa non si Jeremy, agad syang tumakbo at lumapit kay Ate Heiven umupo sya sa tabi nito at tila ba niyakap nya yun ng mahigpit. Tila nagtaka ako pero naisip ko siguro hindi ito ang panahon para magisip ako nang kung ano ano tungkol sakanila kaya naman nanahimik na lang ako. Tinabihan naman ako bigla ni Dylan at ni Isiah na napansin ko na nandito nung dumating ako. Hinawakan ni Isiah ang kamay ko at tila ba nginitian ako ng tipid habang si Dylan ay nilagay ang ulo ko sa balikat nya.
Maya maya pa ay bigla na namang bumukas ang pintuan at tila ba niluwa na non ang tao na tila ba hindi ko kayang makita ngayon dahil sa pagkamuhi ko sa puso ko, dahil sakanya ay nagkakagulo gulo ang mga buhay naming lahat. Tila napatalim ang tingin nya nang makita nya ako kaya naman agad syang lumapit sa direksyon namin. Napatayo si Ate Heiven at tila hinarangan ang mama nya na papunta saamin. Lumapit naman agad si Jeremy sa tabi nito at hinawakan si Ate Heiven sa dalawang braso nito. "Mabuti naman at naisipan nyo pang umuwi. At mabuti naman naisipan nyong may bahay kayo at may pamilya kayo na nakatira dito." Matapang na sabi ni Ate Heiven.
"Ano na naman ba ang kaguluhan na ito, Angelica Heiven! At talagang nandito ang lahat ng taong salot sa buhay mo at sa buhay ni Hellium, at ikaw babae akala ko ba magpapakalayo ka na eh anong ginagawa mo dito sa pamamahay ko?!" Sigaw ng mama ni Hell.
![](https://img.wattpad.com/cover/59565538-288-k654799.jpg)
BINABASA MO ANG
WSMTBB Book 2: When Mr. Bad Boy Still Into Her (KN) √
FanfictionSa paglipas ng taon, marami na ang nagbago simula ng umalis si Hell para magpunta sa ibang bansa. Habang si Yuri naman ay tila ba nangungulila parin sakanya. Pero sa paglipas ng panahon, sa halos isang taon na nawalay si Yuri kay Hell ni hindi man l...