Hellium's POV:
Tila ba ilang araw din ako nagkulong sa kwarto ko at ngayon naisipan ko na lumabas at pumunta sa tambayan para makalimutan ang lahat ng pinagdadaanan ko. Nagbihis na ako nun at maya maya pa ay nasalubong ko si Ate na tila ba aalis sya at may pupuntahan, hinawakan nya ko sa kamay. Kaya naman napatingin ako sakanya. "Bakit?" Malamig kong tanong sakanya. Tinignan naman nya ako nang mata sa mata.
"Are you okay, Hell?" Tanong nya, napangisi naman ako saka ko sya binitawan.
"Ayon sa nakikita mo ngayon, okay lang ako. Kaya aalis na ako." Sabi ko saka ko sya nilampasan pero hinabol nya pa ako ulit at tila ba pinaharap nya pa ako sakanya.
"Hell, alam kong may problema ka pero hindi mo kailangan na idamay ako. Pati si papa, Hell wala ka na bang pakialam samin ni Papa? Hindi mo man lang ba sya dadalawin?" Tanong nya. Tinignan ko sya ng seryoso at tila ba napalayo sya ng konti.
"Kahit minsan hindi ko din naramdaman na may pakialam ang isa sainyo sakin, oo may pakialam ka sakin Ate pero hanggang kailan nga lang ba yun? Tapos iniwan mo ako sa wala nating kwentang ina, at sa pagkakaalam ko isa't kalahating taon na akong walang tatay kaya kung sino man ang sinasabi mong papa, papa mo lang yun." Sabi ko saka ako umalis ng tuluyan hanggang sa sumakay ako sa kotse ko at nagpunta sa tambayan.
Nang makarating ako sa tambayan tila ba napatingin sakin sina Isiah at di makapaniwala na nandito ako sa harapan nila. "Oh bat parang nakakita kayo ng multo?" Sabi ko saka ako kumuha ng beer sa may ref at tila ba naglaro ako ng billiards.
"Hell, okay ka na ba talaga?" Tanong ni Isiah. Tumango lang ako saka ako naglaro ng wantusawa, hanggang sa narinig ko na dumating si Dylan. Nilapitan nya ako agad tapos nagfist bump kami.
"Nasa Nueva Ecija sya, doon sya nagiistay kasama ng magulang nya. Sasama ka ba sakin para puntahan sya." Napatigil naman ako sa paglalaro at tinignan ko sya, tila hindi ko maipinta ang inis ko naikuyom ko ang kamao ko pero pinigilan ko ang sarili ko, dahil kaibigan ko sya at ayokong magkagulo kami.
"Hindi, hindi ako interesado ayokong makita ang babaeng nangiwan sakin. Hindi ako tanga para makita sya, atsaka ano ba ang mapapala ko kung hahanapin ko sya? Kung makikita ko sya? Wala naman diba? Kaya kung gusto mo bahala ka pumunta ka--" tila nagulat ako at kahit sina Jeremy at Isiah nagulat at tila agad akong napatingin kay Dylan at galit na galit na nakatingin sakin. Maya maya pa naramdaman kong may tumulo na dugo sa bibig ko.
"Kung ayaw mong sumama sakin para makita si Yuri ayos lang, pero ang pagsalitaan sya nang kung ano ano hindi ko matatanggap yun. Hindi mo alam kung ano sinakripisyo nya para sayo. Hindi mo alam ang mga nagawa nya para sayo at para sa mga kaibigan natin, wala kang alam kaya wala kang karapatan. Hindi kita pipilitin sumama pero kung sakaling gusto mong pumunta. Eto ang address bahala ka na." Sabi nya saka sya umalis. Umalis na din sina Isiah at Jeremy sa harapan ko. Napatingin ako sa maliit na papel at tila ba napaisip ako, naalala ko naman agad ang muka nya, muka nyang nakangiti habang sinasabi na mahal na mahal nya ako. Naisip ko gusto kong makita ulit si Yuri, gusto kong makita ang ngiti nya. Kaya naman nakapagisip na ako, titignan ko lang sya tapos aalis na ako kaya naman lumabas na din ako ng tambayan at tila ba sumakay na ako agad sa kotse ko at tila ba bumyahe na ako papuntang Nueva Ecija.
BINABASA MO ANG
WSMTBB Book 2: When Mr. Bad Boy Still Into Her (KN) √
FanfictionSa paglipas ng taon, marami na ang nagbago simula ng umalis si Hell para magpunta sa ibang bansa. Habang si Yuri naman ay tila ba nangungulila parin sakanya. Pero sa paglipas ng panahon, sa halos isang taon na nawalay si Yuri kay Hell ni hindi man l...