WMBBSIH:LAST CHAPTER

167 6 2
                                    

Yuri's POV:












Makalipas ang ilang araw nang makauwi kami ng syudad galing sa tagaytay ay tila ba direcho ako hinatid nila Hell sa dati naming bahay kaya naman nagtaka ako non, at pagpasok ko nabigla ako nang makita ko ang mama at papa ko, niyakap ko sila nang mahigpit atsaka nila sinabi sakin non na doon na ulit sila magiistay dahil binalik na sa trabaho si Papa, habang si Mama naman ay may sarili nang pwesto sa palengke. At ngayon nga ay masaya kaming nagsasalo salo sa hapag kainan at tila ba nagtatawanan pa kaming tatlo hindi ko akalain na makakabalik ang mama at papa ko dito, at dahil yun sa mama ni Hell, nakakagulat no? Miski ako nagulat, hindi ko akalain na tatanggapin din ako bandang huli nang mama nya pinahirapan pa kami.









Matapos namin kumain nila mama at papa ay nagpresinta na ako na maghugas ng mga pinagkainan namin saka ko napansin na pinaplantsa na ni Mama ang uniform ko, napangiti naman ako napatingin din saakin si mama at tila ba ngumiti din sya. "Alam mo, Yuri hindi ko akalain na bukas ganap ka nang makakatapos sa Aragon High, matutupad na ang mga pangarap mo makakapagcollege ka na sa wakas at makakahanap ka na nang magandang trabaho." Sabi ni Mama. Napangiti naman ako sakanya. "Sya nga pala, diba may graduation ball kayo pagkatapos nang graduation? May isusuot ka na ba? May ipon ako galing sa mga naibenta kong isda sa probinsya baka gusto mo bumili ng damit kahit sa ukay ukay lang." Sabi ni mama.








"Ma, wag na po itabi nyo na po yang ipon nyo. Atsaka wala din naman akong balak na pumunta sa ball na yun e kaya wag na kayong magalala mama ko, okay na ako kahit na walang damit na magara basta ang mahalaga nakagraduate na ako." Sabi ko kay mama. Napayakap naman saakin si mama at tila ba sumali na din si papa, nang maudlot ang family bonding namin nang magtext si Hell.









"Boyfriend alert, sige na labasin mo na." Natatawang sabi ni papa. Kahit si mama at ako natawa sa sinabi ni Papa. Kaya naman lumabas na ako at nandun nga nakita ko si Hell na nakasandal sa itim nyang sasakyan. Ngumiti sya nang makita nya ako at tila ba niyakap nya pa ako nang mahigpit.










"Congratulations, at last makakagraduate na ang bobang babae na mahal na mahal ko." Sabi nya. Napairap naman ako.









"Hindi ko alam kung matutuwa ako o maiinsulto ako sa sinasabi mo." Sabi ko saka ako bumitaw sakanya. "Sya nga pala, diba dapat napapahinga ka na ngayon? Gabi na kaya, dapat natutulog ka na kasi alam kong special chuchu ka sa gaganapin na Graduation ball bukas." Sabi ko pa sakanya.









"Hindi na ako, si Ate na. Ayoko din naman na magpunta sa walang kwentang event atsaka anong gagawin ko dun? Wala ka naman, kilala kita hindi ka pupunta sa ganong party dahil amazona ka, hindi ka mahilig sa sosyalan." Sabi nya, natawa naman ako. Kung sabagay. "Atsaka may hinanda na akong lakad para saatin dalawa bukas kaya dapat wag kang mawawala, kung hindi patay ka sakin. Sige na pumasok ka na sa loob, matulog ka na." Sabi nya saka nya ako tinulak papasok, kaya naman pumasok na ako pero bigla akong napaisip. Saan nga pala kami magkikita? Hays, Yuri bat hindi mo tinanong boba ka nga, boba ka.

WSMTBB Book 2: When Mr. Bad Boy Still Into Her (KN) √Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon