Yuri's POV:
Matapos namin manggaling ni Dylan sa school gym ay akala ko ihahatid na nya ako pauwi, pero dinala na muna nya ako sa bahay nya at tila ba pinagtimpla pa ako ng hot chocolate, saka nya binigay sakin yun. Ngumiti naman ako sakanya at uminom ako ng konti non saka ko inilapag sa may mesa ang baso. Hanggang ngayon hindi pa rin talaga ako makapaniwala na hindi na ako makakapag volleyball nakakalungkot mang isipin pero kailangan ko na talagang itigil ang nakakapag pasaya saakin, well ganon naman kasi talaga hindi naman kasi habang buhay na yon ang gagawin ko, kailangan ko din umisip ng ibang career para pagdating araw ay may maipagmalaki ako. "Bata pa ako non nung mamatay ang mga magulang ko dahil sa aksidente, bonding namin non sa isang resort masaya kami non habang nasa byahe, hanggang sa bigla kong kulitin ang papa ko, sabi ko sakanya gusto ko maglaro sa dagat kaya pumayag sya, sinama nya pa si mama at nagpunta kami sa may dagat. Naisipan ko na sumakay sa bangka noon kaya naman sumakay na din ang parents ko, ayaw kasi nila akong pabayaan na magisa pero isang pangyayari ang bumago sa masayang bakasyon na yon." Kwento ni Dylan. Nakatingin lang ako sakanya at tila ba seryoso sya sa bawat pagkukwento nya. "Lumakas ang alon at tila ba tinangay kami non, tumaob ang bangka at tila ba hindi ko na nalaman pa ang sumunod na nangyari pagkatapos non, pero paggising ko non nalaman ko na patay na ang mga magulang ko. Nakita lang daw nila ako na yakap yakap ng mama ko habang wala na itong buhay, halos magwala ako ng malaman ko yun hindi ko alam ang gagawin ko non. Dahil ako lang magisa doon hanggang sa inuwi nila ako sa bahay ni lolo, akala ko non sa wakas may makakaramay na ako pero mukang ako pa ang sinisi ng lolo ko, at pagkatapos non inatake sya sa puso. Wala na naman akong nagawa non, Yuri. Wala akong nagawa para sa pamilya ko, wala akong nagawa kundi ang umiyak na lang, hanggang sa nawala ako sa katinuan sabi nila naging authistic ako non wala rin akong kinakausap non." Pagpapatuloy nya pa sa kwento nya.
"Hanggang sa iabot nya ang kamay nya, at sinabi nyang lahat ng problema natatapos, kailangan mo lang harapin lahat, kailangan mo lang tanggapin na yun na maari ang katapusan. Kung baga sa madaling salita, kailangan mo magsimula muli para naman sa panibago mong buhay na darating. Kaya naman nagpapasalamat ako kay Louise non, dahil sya ang naging dahilan ko para maging matatag at makaahon uli, para makapag simula ako uli ng bagong buhay." Sabi nya habang nakatingin sa litrato ni Katrina. "Kaya ikaw Yuri, kailangan mong magsimula uli, hindi naman porket nawala na ang volleyball sayo susuko kana sa buhay mo diba? Wag kang susuko, dahil kapag sumuko ka pinatunayan mo sakin na hindi ikaw yung amazona na si Yuri na nagpatino sa TUX4." Sabi nya habang nakangiti saakin. Unti unti namang may sumibol na ngiti sa labi ko, tapos uminom ako ng hot chocolate. Doon ko bigla naisip na siguro nga panahon na para magbagong buhay, kailangan ko ng isipin kung ano na ba ang career na tatahakin ko, saka ako napatingin sa picture ni Katrina. Nasabi ko sa isip ko na salamat sa words of wisdom mo, Katrina dahil sayo naliwanagan ako.
--
Nang makauwi ako sa bahay namin dumirecho na ako sa kwarto ko at magpapahinga na sana nang maisipan ko na maligo na muna bago matulog, kaya naman pumasok na ako sa cr at naligo tapos non ay nagbihis na ako. Saka ako humiga sa kama ko, pero biglang nawala ang antok ko dahil sa kakaisip ko kay Hell, nakakainis talaga ang siraulo na lalaking yun trespassing sya sa isip ko. Kaya naman wala na akong nagawa, binuksan ko na lang ang tv ko at nanood ng drama kung baga pampaantok lang ganon. Habang nanonood ako para bang may naaalala ako na scene na nangyari sakin yung inaarte nang dalawang artista sa tv.
"Duwag ka! Ang kapal ng muka mong sabihin na mahal mo sya pero ni hindi mo naman pala syang kayang ipaglaban! Isa kang malaking duwag." Sabi nung babae, saka nya sinampal yung lalaki tila nagulat ako doon, parang dejavu to ha. Pinanood ko pa yung mga susunod na pangyayari, nakita ko naman na imbis mainis yung lalaki ngumiti pa ito sa babae at pinakita ang passport pati ticket sakanya. Doon na nanlaki ang mata ko kaya naman agad kong napatay ang tv, jusmiyo naman ano ba yung palabas na yun ginaya ba nila yun saamin ni Dylan nung nasa airport kami? Hays, nagtakip na lang ako nang unan sa muka ko, pero biglang nag pop-out yung muka ni Hell sa isip ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/59565538-288-k654799.jpg)
BINABASA MO ANG
WSMTBB Book 2: When Mr. Bad Boy Still Into Her (KN) √
FanfictionSa paglipas ng taon, marami na ang nagbago simula ng umalis si Hell para magpunta sa ibang bansa. Habang si Yuri naman ay tila ba nangungulila parin sakanya. Pero sa paglipas ng panahon, sa halos isang taon na nawalay si Yuri kay Hell ni hindi man l...