WMBBSIH:EIGHT

148 3 0
                                    

Dylan's POV:






Hanggang ngayon habang nasa sasakyan kami ni Yuri ay tila ba wala pa ding may balak na magsalita saamin, muli ko naman syang sinulyapan at tila ba binabasa ko kung ano ba ang nasa isipan nya ngayon pero tila ba maingat sya sa bawat pagiisip nya kaya naman di ko ganoon mabasa ang nasa isip nya. Binalik ko na lang ang tingin ko sa bintana. "Hanggang ngayon iniisip mo pa rin ba yung kanina sa party? Shock ka pa rin ba?" Tanong ko sakanya. Oo napagpasyahan ko na magsalita na, naisip ko kung hindi sya ang magsasalita ako na lang dahil alam ko na mahuhuli ko din naman sya. Napatingin naman sya saakin ng bahagya at tila ba hindi makapaniwala ang expression nya dahil sa tanong ko sakanya.




"Hindi ko alam ang sinasabi mo, Dylan. Wala akong iniisip, wala nang iba pa. Wala akong panahon para isipin ang kasal ni Hell sa babaeng yun." Sabi nya, huli ka. Sabi na nga ba e mabilis ko mahuhuli si yuri sa mga ganitong bagay.




"Maniwala ka man o sa hindi, naniniwala ako na walang kinalaman si Hell sa mga desisyon ng mama nya. Kilala ko si Hell, kung sakaling alam nya at agree sya sa kasalan na magaganap ay sasabihin nya agad samin yun, ganon sya sa mga ganoong bagay kaya malabo na alam nya na talaga ang tungkol doon." Sabi ko sakanya. Nasilayan ko naman ang matipid nyang ngiti.




"Dyan ka nagkakamali, alam kong kilala na nya ang babaeng yun at hindi malabo na ipagkasundo talaga sila ng mama nya at nang mama ng babae na yun. Sa Japan, nung wala pa kayo nakilala ko sya, nakasama at nakabonding ko sya. Kaya alam ko na nakilala na nya ang babaeng yun." Sabi naman nya, maya maya pa napansin ko na tumigil na ang sasakyan at napansin ko na nandito na pala kami sa mismong harap ng bahay nila Yuri.





"Yuri, pwede akong magbigay ng advice sayo?" Sabi ko. Natigilan naman sya at tila naudlot ang pagbaba nya sa sasakyan, napatingin naman sya saakin at tila ba sang ayon sya sa sinabi ko. "Gusto ko lang sabihin na hindi lahat ng nakikita mo ay totoo, minsan ang isang tao nagtatago lang sa gusto nilang maging sila para hindi makita ng iba na sila ay ganon pa rin, kung paano natin sila nakilala. Yuri, yun ang napansin ko kay Hell, kaya wag kang magpapaloko sa mga mapanuri mong mata, gamitin mo ito." Turo ko sa puso nya. "Di ba dyan ka naman magaling, sa paggamit nyan? Ngayon panahon na muli para gamitin mo yan." Sabi ko saka ako napangiti sakanya. Saka sya ngumiti ng tipid at tumango, saka sya tuluyan bumaba ng sasakyan ko.





Pagalis nya ay umandar na din ang sasakyan ko. Tila ba napahiga ako at tila ba gusto ko iuntog ang ulo ko. "Dylan Daniel Yu, ano bang ginagawa mo? Di ba may plano ka na? Aagawin mo na sya kay Hell diba? Bakit ganon pa rin, bakit ganito pa rin nababaliw na naman ako." Nasabi ko sa sarili ko at tinakpan ko na lang ang mata ko ng palad ko saka ako napabuntong hininga.






Nang makarating ako sa bahay ko ay agad na akong bumaba, umuwi na rin ang driver ko at baba na rin sana ako ng mapansin ko na may paper bag na pula sa may ibaba ng upuan ng kotse ko. Kinuha ko yun at nang silipin ko, agad akong napangiti. Saka ko nasabi sa sarili ko na.... "Siguro nga, siguro nga hindi pa ito ang panahon para agawin ko sya sayo, Hellium Shin."












Third Person's POV:

WSMTBB Book 2: When Mr. Bad Boy Still Into Her (KN) √Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon