Yuri's POV:
Kinagabihan.
Matapos ang isang araw na pahinga ko ay bumalik na ako sa bahay nila Hell at tila ba padirecho na sana ako sa kwarto na tinutulugan ko nag bigla na lang akong hinila ni Hell tila ba nagulat ako kaya naman wala akong nagawa at tila hindi man lang ako nakapalag non. Nang makapasok na kami sa loob saka ko sya tinignan at napansin ko naman na tila ba may nilalagay sya sa dvd player non. "Ano bang gusto mo ha?" Tanong ko. Tinakpan nya naman ang bibig ko kaya medyo naubusan ako ng hangin non kaya naman agad kong tinignan sya at napa "tumahimik sign lang sya." Kaya nairapan ko na lang sya at tinuon ko ang mata ko sa tv at tila ba napansin ko na nakakatakot ang pinapanood nya.
"Natatakot akong magisa manood kaya gusto kong samahan mo ako, hangga't hindi pa tapos ang movie dito ka lang sa tabi ko hindi ka pwede umalis naintindihan mo?" Sabi nya kaya naman napatingin sakanya pero seryoso sya na nanonood ng bigla syang napasigaw at napahawak sa unan. Tila napangiti naman ko non, naisip ko akalain mo ang lalaking walang kinakatakutan ng nakilala mo e duwag pala sa mga multo. Nakakatawa talagang isipin. Kaya naman imbis na mapansin nya pa na tinatawanan ko sya ay tila ba nanood na lang din ako at aaminin ko na kahit ako natatakot at tila ba nagugulat sa mga nangyayari sa palabas hanggang sa mapadpad ang lugar na yun sa isang bahay na parang nasunog, pumasok ang tatlong babaeng estudyante saka nila pinasok ang isang kwarto, tila ba pinagtripan nila ang isa at pinapasok sa kwarto na yun sinarhan nila at para bang kinulong nila, pero tila ba ang babae ay natatakot na kaya sigaw na ito ng sigaw pati ang dalawang babae ay nagulat dahil hindi na naman nila hawak ang pinto pero nanatili yung nakasara, nagkatinginan sila at maya maya pa nakarinig sila ng kakaibang sound at ang babae sa loob ay tila ba napasigaw ng matindi ng makakita sya ng isang bata na para bang pusa ang boses non kaya pati kami ni Hell ay napasigaw at tila ba napayakap pa kami sa isa't isa. Kaya naman nagkatinginan kami at tila ba narealize namin na medyo awkward na ang itsura namin kaya naman lumayo na ako at tila ba tumayo na.
"Ayoko na manood, kung gusto mo ikaw na lang. Bahala ka na dyan, aalis na ako at matutulog na ako." Sabi ko saka ako lumakad paalis may sinabi pa sya non pero hindi ko na inintindi. Paglabas ko ay papalakad na sana ako papunta sa kwarto ko ng may marinig akong mga yabag na papunta sa direksyon ko.
"Shin! Hey, let's watch horror movies." Sigaw ni Archery, nataranta ako at tila ba hindi ko alam ang gagawin kaya naman natakot ako kaya napabalik ako sa kwarto ni Hell at tila nabigla din sya dahil nga nagpapanic na ako.
"Si Archery papunta na dito, ayoko na mabuko tayo. Magtatago ako, saan ako pwede?" Sabi ko tapos naghahanap na ako nang pagtataguan pero si Hell tila ba chill lang sya doon na parang walang problema kaya naman binatukan ko sya at napalingon sya sakin. "Naiintindihan mo ba ako? Andyan na sya, bahala ka kung ayaw mo makinig basta ako magtatago." Sabi ko saka ako naglibot at tila ba nakakita ako ng malaking closet at doon ko naisipan na isuksok ang katawan ko at maya maya pa narinig ko na ang boses ni Archery sa loob.
"Hey Shin, nagsisigaw na ako sa labas hindi mo parin ako naririnig. Bored ako sa bahay kaya manood tayo ng horror movie uuwi din ako tapos ng movie tara na, wag ka na maarte dyan." Sabi ni Archery. Pero hindi ko naman narinig na nagreklamo pa si Hell kaya naman napahinga ako ng maluwag, kaya naman naghintay nalang ako na matapos sila manood sa tantya ko siguro naman hindi aabot ng 2 hours yun ay bahala na maghihintay na lang ako. At sa paghihintay ko sa loob ng closet ni Hell hindi ko namalayan na napasandal na ako at maya maya ay napapikit na ako at tila ba nagdirecho na ang pagpikit na yun sa pagtulog ko.

BINABASA MO ANG
WSMTBB Book 2: When Mr. Bad Boy Still Into Her (KN) √
FanfictionSa paglipas ng taon, marami na ang nagbago simula ng umalis si Hell para magpunta sa ibang bansa. Habang si Yuri naman ay tila ba nangungulila parin sakanya. Pero sa paglipas ng panahon, sa halos isang taon na nawalay si Yuri kay Hell ni hindi man l...