WMBBSIH:TWENTY

119 2 0
                                    

Hell's POV:






Matapos namin makapagusap ni Ate agad kong tinext si Dylan dahil gusto ko syang makausap kaya naman nung nagreply sya ay agad na akong nagpunta sa may pool side at naabutan ko sya doon na nakatayo habang nakatingin lang sa may pool non, tila ba may iniisip sya tila ba may gumugulo sakanya kaya naman agad kong hinawakan ang balikat nya saka nya ako tinignan. "Bakit mo ako gusto makausap? May naisip ka ba na paraan?" Tanong nito saakin. Tila ba nakatingin pa din sya sa may pool habang sinasabi nya yun kaya naman pati ako ay nakatingin na lang din sa pool non at tila ba iniisip ang sasabihin ko sakanya.





"Sa totoo lang hindi ko pa din alam ang gagawin ko, pero naisip ko Dylan para na kitang kapatid at alam ko na hindi ko kakayanin kapag ikaw nawala sakin. Mawawala na sakin si Yuri sa oras na ipakasal ako kay Archery at alam ko na mawawala ka din sakin dahil alam kong mas pabor ka kay Yuri, pero pwede bang humingi ng favor." Sabi ko sakanya. Napatingin naman sya sakin at tila ba napangiti sya.





"Hihingin mo na ba samahan kitang tumakas, samahan kitang lumayo?" Sabi nya at tila ba hindi pa rin nawawala ang ngiti nya. Pero seryoso akong nakatingin sakanya at tila ba binabasa ko ang nasa isip nya.






"Hindi, gusto kong suntukin mo ako. Suntukin mo ako ng malakas, yung tipong matatauhan ako, yung tipong maalala ko kung gaano ako naging siraulo ng dahil kay Yuri. Suntukin mo ako, dahil alam ko na sa suntok mo maalala ko kung gaano ko sya pinaglaban noon." Sabi ko naman sakanya, tila napawi ang ngiti nya at tila ba ayaw nya pang gawin yun pero nabigla na lang ako at tila ba talagang tumilapon ako ng maramdaman ko ang kamao nya na lumapat sa muka ko. Napatingin ako sa kawalan at tila ba naalala ko lahat ng pinagsamahan namin ni Yuri naalala ko kung pano ko sya nakilala kung paano ko sya minahal, kung pano ko sya napasaya at kung paano nya ako binago sa isang iglap lang, biglang may tumulong luha sa mga mata ko at tila ba hindi ko na yun napigilan naramdaman ko ang dahan dahan na yakap sakin ni Dylan. "Mahal ko sya, mahal na mahal ko sya, at hindi ko matanggap na hanggang dito na lang kami." Sabi ko. Saka nya ako tinayo at hinarap sakanya.





"Bakit hindi mo subukan pakiusapan ang taong nagpasimuno nang lahat ng ito, ang babaeng may kakayahan na mapatigil ang kasal na ito. Sa madaling salita, bakit hindi si Archery ang kausapin mo?" Sabi naman nya at tila natauhan ako oo nga bat ba sa tinagal tagal ng panahon bat di ko naisipan na pakiusapan ang babaeng yun kaya naman pinalo palo ko ang balikat ni Dylan saka ako umalis sa may pool area at tila ba agad na tinext ko sya at sinabi ko na magkita kami sa lugar kung saan gaganapin ang aming kasal dahil may sasabihin ako sakanya.







Third Person's POV:






Habang sa kwarto naman ni Archery tila ba masaya syang nakikipagkwentuhan kay Yuri at tila ba nagpapatulong sya sa kaibigan na pumili kung anong magandang suotin nya pagkatapos ng kasal nila. "Sa tingin mo Yuri, anong mas maganda at bagay sakin itong green itong yellow o itong pink?" Sabi ni Archery sakanya tila napangiti naman ang dalaga sakanya.





"Sa totoo lang maganda lahat e, bat di mo isuot lahat." Pagbibiro nya at tila natawa naman silang dalawa at para bang walang bukas ang tawanan nilang yun hanggang sa may magtext kay Archery tila napangiti sya ng makita nya ang text sakanya ni Hell kaya naman magpapaalam na sana sya kay Yuri non nang mapansin nya na nakatingin ito sa puting gown na susuotin ng dalaga sa kasal dahan dahan nya itong hinahaplos at tila ba napapangiti ito, bigla syang napayuko at tila ba hindi na nagpaalam sa kaibigan umalis sya nang kwarto nya at pumunta sya sa may sea side kung saan gaganapin ang kasal nila bukas at tila ba napangiti sya nang makita nya si Hell na naghihintay sa may altar habang nakatigin talikod ito sakanya, naglakad sya at tila ba hinahum nya pa ang wedding song kaya naman napatingin si Hell at tila ba nginitian nya ang binata at dahan dahang lumalapit sya dito hanggang sa makarating ito sa dulo at hinawakan nya ang kamay ng binata. Napatingin sya binata at tila ba seryoso itong nakatingin sakanya pero hindi nya pinansin yun tila ba tinaas nya ang kanang kamay nya at ngumiti.

WSMTBB Book 2: When Mr. Bad Boy Still Into Her (KN) √Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon