WMBBSIH:TWENTY-SEVEN

109 3 1
                                    

Shawn's POV:









Nang makabalik ako sa bakeshop ni Yumi ay tila ba sinalubong nya ako agad at niyakap, pero tila ba tulala lang ako dahil hindi mawala sa isip ko ang babaeng yun, ang babaeng humabol sakin kanina yung babaeng tinatawag akong Hell. "Hey, Shawn are you okay? Masama ba ang pakiramdam mo? Gusto mo umuwi na tayo." Sabi saakin ni Yumi, tinignan ko naman sya at tila ba napawi ang mga pagiisip ko, nawala lahat ng agam agam ko at tila ba niyakap ko sya at hinalikan ko pa sya sa pisngi nya. Hindi, hindi dapat ako malito sa babaeng yun dahil nasa harapan ko na, yakap yakap ko lang ang babaeng mahal ko, ang babaeng nagalaga sakin, ang babaeng kailanman hindi ako iniwan.







"Yumi, mahal na mahal kita. Ikaw lang pangako, wag mo akong iiwan ha. Kahit na anong magyari ipangako mo na hindi ka mawawala sa tabi ko." Sabi ko sakanya. Naramdaman ko naman ang pagtango nya at tila ba mas humigpit ang yakap nya saakin non, nang mga oras na yun naramdaman ko na ligtas ako, na para bang nakauwi ako sa bahay ko nang maramdaman ko ang yakap ng babaeng mahal ko. "Ay sya nga pala, bumili ako nang pagkain natin. Sana kumakain ka nyan." Sabi ko pa sakanya. Napangiti naman sya at tila ba nilabas nya na lahat nang nasa plastik at masaya naming pinagsaluhan ang pagkain na binili ko sa stall kanina, nang biglang nanakit na naman ang ulo ko at may isang alaala na naman ang pumasok sa isip ko. Malabo, hindi malinaw pero dalawang tao. Isang lalaki at isang babae, masaya sila sa isang resort kumakain nang pagkain na katulad ng kinakain namin ngayon ni Yumi. Nang magmulat ako nang mata ay tila ba nasa harapan ko na si Yumi, at marahan na hinahaplos ang muka ko.







"May alaala na naman ba?" Tanong nya saakin. Saka ako tumango sakanya at tila ba napayakap ako sakanya at ipinatong ko ang ulo ko sa balikat nya at tahimik na pumikit doon, hindi ko alam kung ilang oras akong nakahiga sa balikat nya pero tila napakalma na naman nya ang buong sistema ko at unti unti na namang gumagaan ang pakiramdam ko at nawawala na muli ang sakit ng ulo ko. Kaya naman nang maging maayos na ako ay napagpasyahan nya na umuwi na kami dahil naisip nya na baka naiistress ako sa labas kaya naman naisip nya na iuwi na ako para makapagpahinga na.







Nang makarating na kami sa bahay ay tila ba agad akong dumirecho sa cr at naligo at tila ba habang nararamdaman ko ang agos ng tubig ay naalala ko na naman ang babaeng nakita ko kanina, hindi ko alam kung bakit kailangan maalala ko sya, hindi ko alam kung bakit ganito na lamang ang nararamdaman ko. Hindi naman kaya isa sya sa mga kapamilya ko na naghahanap sakin? Kaya naman nang maisip ko yun ay napatay ko ang shower at tila napaangat ang ulo ko at tinignan ko ang kisame ng banyo. Pero paano kung hindi? Paano kung isa sya sa mahalagang tao sa puso ko na maaring minahal ko noon, at nangungulila sa kin ng mawala ako? Pero bigla ko namang naiiling ang ulo ko at bumalik ako sa pagligo. Hindi, hindi mangyayari ang bagay na yun kung isa sya sa mahalaga maaring mawala sa buhay ko si Yumi, maaring mawala ang babaeng mahal ko kapag nagkataon kaya hindi pwede, hindi pwedeng magkrus ang landas naming muli, hindi pwede.







Matapos kong maligo ay nagbihis na ako saka ako lumabas ng banyo at nagpunta sa kwarto at tila ba naabutan kong nagsusuklay ng buhok si Yumi. Napangiti naman ako at tila ba tinabihan ko sya saka ko sya inamoy. Tinignan naman nya ako tapos hinampas nya pa ako. "Uminom ka muna ng gatas tapos, inumin mo na ang gamot mo. Para hindi ka na atakihin ng sakit ng ulo." Sabi saakin ni Yumi. Nagsalute naman ako sakanya tapos ngumiti saka ko sinunod ang sinabi nya, ininom ko na ang gatas at matapos non ay ininom ko na din ang gamot ko. "Shawn, tingin ko malapit ka na makabalik sa pamilya mo." Sabi nya, tila napatingin naman ako sakanya at hinintay pa ang mga susunod nyang sasabihin. "May nakita kasi akong news tungkol sayo, at alam mo bang napakayaman mo pala. Hindi rin nga ako makapaniwala kasi ang Ate mo pala ay isang sikat na model. Kaya tingin ko, ngayong alam ko na kung saan ka ibabalik bukas dadalhin na kita sakanila." Sabi nya pa. Natigilan naman ako at tila ba nalungkot napayuko ako, gusto kong umiyak kasi malalayo na ako sakanya pero tila ba napaangat ang ulo ko nang maramdaman ko na hinawakan nya ang kamay ko. "Pero nangako ako na hindi kita iiwan, kaya kahit na ibalik kita sakanila. Wag kang magalala pupuntahan pa rin kita, o kaya naman ako ang puntahan mo." Nakangiti nyang sabi saakin. At maya maya pa niyakap ko na sya at tila ba niyakap nya din ako pabalik.

WSMTBB Book 2: When Mr. Bad Boy Still Into Her (KN) √Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon