*Ping Pong*
1 message recieve"Goodmorning betplen."
Nagising ako ng tumunog ang cellphone ko. Si mark nag text.
*Ping Pong*
1 message recieve"Gising ka na ba? Prepare kna. After 1 hour sunduin na kita jan."
Text niya ulit. Nag reply na din ako para sabihing gising na ako.
"Morning betplen. Ou gising na ako. Sige prepare na ako :)"
Sinend ko na yun at mabilis na akong bumangon para maligo, kumain at mag palit ng pang aral. After 1 hour ay narinig kong may pumaradang sasakyan sa tapat ng bahay. Si mark.
*Ping Pong*
1 message recieve"Hoy! Bata. Labas ka na."
Sabi nito. Grabe maka bata naman to. Kinuha ko na ang bag ko at lumabas na din ako.
"Good morning miss beautiful"
"Tse! Pwede ba wag ako!"
"Haha sunget. Di paba tapos red flag?"
"Tse! Mag drive ka na nga."
"Oh teka muna! San ka uupo?? Dito ka sa harap maupo! Mamaya mapagkamalan pang driver mo ako noh. Sa gwapo kong to!"
"Alam mo ikaw. May lahi ka bang mais? Kasi ang corny mo talaga."
Sabi ko at naupo na nga ako. Nag drive na siya at nakarating na kami sa school. Nakatingin ang ibang studyante doon. Ang sweet daw namin. Akala nga nila kami. Pero ang totoo mag best friend kami.
"Oh pano. Maya nalang lunch. Sabay na tayong kumain?"
"Sige. Text mo nalang ako."
Sabi ko sabay senyas ng ok at umalis na ako. Pareho kaming graduating na ng high school. Hindi kami magkaklase. Sweet talaga si mark kahit kelan. Hindi pa niya ako nasakta oh kung ano man na makakapag palungkot sa akin. Sabi ng mga kaklase ko na ang swerte ko daw kasi may kaibigan akong kagaya ni mark.
"Uy zoe! Kayo na ba?"
Tanong ni carl ng makapasok na ako sa room.
"Ha? Ano bang sinasabi mo?"
"Sus! Kunwari ka pa eh. Kayo na ba ni mark?"
"Ano ba. Best friend kami noh. Tsaka hanggang dun lang un"
"Alam mo kung ako si mark, hindi ko na itatanong sayo kung pwede kitang maging bestfriend. Itatanong ko agad sayo kung pwede ba kitang ligawan."
"Alam mo, ang OA mo! Pwede ba wag ako ha!"
"Pero totoo ung sinasabi ko. Tanga ung best friend mo."
"Alam mo isa pa! UUPAKAN NA KITA! Wag mong ginaganyan ung bestfriend ko ha! Isa pa makita mo! Sasapakin talaga kita!"
"Oh easy. Oo na sorry na. Pero may tanong nalang ako."
"Ano nanaman?"
"Tutal mag bestfriend kayo ni mark diba? What if may nagustuhan siyang ibang babae. Take note! IBANG BABAE hindi ikaw. Anong mararamdaman mo? Yung tipong hindi nalang ikaw ung magiging priority niya?"
Tinitigan akong mabuti ni carl. Mata sa mata. Duon palang ay natahimik ako. Napaisip ako. What if? What if?? What if magkaroon ng girl friend ang bestfriend ko? What if na iwanan niya na nga ako? What if.....
Hindi pa ako tapos sa pag iisip ng naramdaman kong may humawak sa mukha ko.
"See? Sabi na eh. Malulungkot ka."
Inabot ni carl ang panyo na mula sa bulsa niya at sinabing..
"Punasan mo nga yang luha mo. Baka may makakita, isipin pa nila na inaway kita kaya umiiyak ka."
Nagulat ako ng sinabi niya yon. Kinapa ko ang mukha ko at oo. Umiiyak pala ako. Tumulo pala ung luha ko ng di ko nararamdaman. Agad kong kinuha ang panyo ni carl at pinunasan ang luha ko. Naglakad ako papunta sa upuan ko at doon ay natahimik nalang ako. Natapos ang mga subject na nakatulala lang ako. Naramdaman kong nag vibrate ang cp mula sa bulsa ko kaya kinuha ko un. Nag text si mark.
"Huy betplen. Kanina pa ako dito sa labas ng room nyo. Ok ka lang ba?"
Lumingon ako at nakita ko siya sa labas ng room. Tumayo ako at pinuntahan ko siya.
"Ok ka lang ba?"
Sabi niya sabay hawak sa noo ko. Kinapa kung nilalagnat ba ako.
"Ha? Ok lng ako ano ka ba. Wala akong lagnat. Alam mo na.."
Ngumiti nalang ako sa kanya. Inaya niya na akong kumain sa canteen. Napalingon ako sa upuan ko bago umalis at nakita kong nakatingin sa akin si carl. Mas lalo lang akong nawawala sa mood ngayong araw na to. Kumain kami sa canteen. Sabay kaming kumain gaya ng palagi naming ginagawa noon. Pagkatapos noon ay bumalik na kami sa room. Nakalipas ang oras at uwian na. Hindi ko na hinintay si mark. Nauna na akong umuwi.
