Part 11 Goodvibes

14 3 0
                                    

Tristan's POV

Hi ako ulit ito si tristan. Grabe talaga si zoe. Ibang iba siya sa mga babaeng nakikita at nakikilala ko. Hindi man alam ni zoe ang tungkol sa pagkatao ko pero nararamdaman kong mabait siya. Masarap siyang kasama at masaya akong kasama siya. Na love at first sight kasi ako sa kanya. May sens of humor siya. Hindi siya boring. Hindi siya trying hard. Basta kakaiba siya.

(Phone ringing)

"Hello?"

"Hello bro? Nasan ka? Kanina ka pa hinahanap ng mommy at daddy mo. Akala nila kasama kita."

"Bro pauwi na ako. May pinuntahan lang akong importante."

"Ok bro, asan ka ba niyan?"

"Eto naglalakad."

"Ano? Kelan ka pa nag lakad? Sira ba ung kotse mo?"

"Ha? Hindi naman. Trip ko lang."

"Asan ka ba? Sunduin nalang kita."

"Osige bro"

Sinabi ko ang lugar kung nasaan ako at sinundo ako ng pinsan ko. Maya maya pa ay narito na siya.

"Sakay na."

Sabi niya. Sumakay narin ako dahil pagod na pagod ako sa pag dedeliver ng bulaklak kasama si zoe.

"Saan kaba galing? Tsaka ano ba yang suot mo?? Nababaliw ka na ba?"

Tanong nito. Naka tshirt ako at nakapantalon na kupas with matching tsinelas lang. Sa buong buhay ko ay ngayon lang ako nag suot ng tig iisang daang pisong damit.

"Wala to. Dont mind my outfit! Fashion to."

"Anong fashion? Alam mo ano bang tinitira mo? Nag ddroga ka na ba?"

"Haha! Ako? Hindi pa ako nababaliw! Pero may isang tao na nagpapabaliw sa akin."

Tinignan lang ako ng pinsan ko at ngumiti.

"Babae yan noh."

Sabi nito. Ngumiti nalang ako at hindi na sumagot. After non ay naihatid niya na ako sa bahay. Bumungad sa akin ang mommy at daddy ko.

"Tristan! Ano bang nangyari sayo? What the! Whats wrong with you? Look at your outfit! Where did u buy that cheap things huh!"

"Dad! I'm fine. Fashion to."

"Ano bang fashion ang pinagsasasabi mo tristan? Kanina pa nag aalala ang mommy mo sayo! Tignan mo nga yang sarili mo! Mukha kang pulubi jan sa suot mo! Hubarin mo nga yan!"

"Dad. Ano bang mali sa suot ko?"

"Tristan! Hubarin mo yan!"

"Dito? Sa labas?"

Natatawa kong biro sa mga magulang kong alalang alala sa itsura ko.

"Pumasok ka na nga sa loob at maligo ka na. Nababaliw ka na!"

"Okay! Bro thanks sa pag hatid. Tawagan kita bukas"

"Sige bro. Sige tita, tito, uwi na po ako."

"Sige iho. Salamat sa pag hatid sa pinsan mo. Thankyou talaga."

"Sige po. Bro.."

Sabi ni mark sabay senyas na aalis na siya. Sumakay na ito ng kotse niya at umalis. Si mark ay pinsan ko. Magkapatid ang papa ni mark at ang papa ko. Mas matanda ang papa niya kaya kuya ko si mark. Pero mark lang ang tawag ko sa kanya. Super close kami sa isat isa. Sa lahat ng pinsan ko, si mark ang kasundo ko, kasama ko siya sa gimikan at kahit saan. Para na kaming magkapatid.

You Lost MeWhere stories live. Discover now