Naglalakad ako noon papalabas sa school ng makita ko si mark.
"Huy! Bat ang tahimik mo? May problema ka ba?"
Tanong ni mark.
"Ha? Wala ah."
Sagot ko.
"Eh bakit ang lungkot mo?"
"Hindi ako malungkot. Hindi lang ako nakatulog ng maayos kagabi?"
"Bakit naman?"
"Eh bakit ba ang dami mong tanong?"
Naiirita kong sagot.
"Hala! Nako zoe! Alam ko na! Red flag ka noh? HAHAHAHAHA!"
Sabi nito sabay tawa ng malakas.
"Alam mo ikaw! Ang kulit mo."
"Alam mo ako? Ang gwapo ko noh. Hahahaha!"
Pag bibiro pa nito. Ang lakas talaga ng toyo nitong bestfriend kong to. Kaya nga mahal na mahal ko si mark.
"Pano? Mauna na ako? Masama kasi talaga pakiramdam ko ngayon."
"Ganun ba? Uhm cho! Di muna kita mahahatid ngayon. May inuutos kasi sakin si mama."
"Ok lng. Kaya ko naman umuwi. Mag ingat ka nalang ah. Text mo nalang ako."
"Sige, ikaw ang mag ingat. Baka madapa ka pa haha."
"Haha ang corny mo! Sige na!"
Sabi ko sabay sakay sa trycicle at aun nga umuwi na ako sa bahay. Pag uwi ko ay latang lata ako na hindi ko maintindihan.
"Urrgghhh! Sana lalaki nalang ang nagkakaroon! Napaka unfair naman! Kami nalang ba palagi ang dapat mahirapan? Pano naman ung mga lalaki! >.<"
Asar na asar akong kinakausap ko ang sarili ko hawak ang puson ko paakyat sa kwarto. Nahiga nalang ako para magpahinga.
*Ping pong*
1message recieve"Cho? Labas ka saglit dito sa gate nyo?"
Nagulat ako ng nabasa ko ung text niya. Agad akong bumangon at sinilip ko siya sa bintana ng kwarto ko mula sa taas. Nakita ko siya at tumingin siya. Kumakaway kaway pa. Nagmadali na akong bumaba noon kahit ang sakit ng puson ko. Pagbukas ko nag pinto ay nakita ko agad siya, nagmadali naman akong buksan ang gate.
"Anong ginagawa mo dito? Akala ko ba inutusan ka ng mama mo?"
"Haha! I'm just kidding! Bumili lang talaga ako ng pagkain para sa bestfriend ko. Alam ko kasing mahirap ang sitwasyon nyo kapag red flag kayo"
Nakatingin lang ako sa kanya. Natatameme ako na kinikilig.
"Huy! Natulala ka na jan? Tsk! Alam ko namang gwapo talaga ako. Ano ka ba!"
"Ang kapal mo! Tara na nga pumasok ka na muna sa loob!"
Pumasok nga kami. Nilapag niya ang isang box sa table.
"Ano bang laman nito?"
Binuksan ko ang box na dala niya. Chocolates, fries, pizza etc.
"Ang dami naman?"
"Oo. Alam ko ng magugutumin kayong mga babae kaya ayan. Nag dala nalang ako ng pwede mong kainin."
Ngumiti ako sa kanya. Ang sweet talaga ng bestfriend ko.
"Thankyou cho. Thankyou talaga kasi naisip mo talaga to? Haha!"
"Oo naman. Sige na kainin mo nalang yan. Kailangan ko ng umuwi at ipag ddrive ko pa si mama kila tita."
"Osige. Ingat ka ah. Salamat ulit sa pagkain."
"No problem, basta ikaw!"
Sabay kindat. Nagpaalam na ito at tuluyan ng umalis. Sinarado ko na ang gate at pinto. Kinuha ko ang bigay niyang pagkain at umakyat na ako sa kwarto ko. Kinuha ko ang cp ko at nag text ako sa kanya.
"Cho. Thankyou sa foods :) ingats :*"