Hindi na ako pumasok pa sa eskwela, nagsabi ako sa teacher ko na may problema sa bahay kaya hindi na ako makakapasok. Pumayag naman na siya dahil nag ppractice nalang noon para sa graduation day. Sinabi ko sa teacher ko na hindi ako aattend. Pero hindi siya pumayag. March 14 201* graduation day. Pinilit kong umattend kahit na alam kong masasaktan lng ako sa makikita ko. Sinimulan ang graduation.
"Zoe? Bakit hindi ka na pumasok?"
Tanong ni carl.
"Wala, wag mokong intindihin."
Sagot ko. Ganun lang ang nangyari, nagpatuloy lang sa ganoon hanggang sa matapos na rin ang araw na yon. Nakita ko si karen at mark noon, alam kong nakita din nila ako pero hindi ko na sila pinansin pa. Umalis na ako ng school. Dumiretso na ako sa bahay. Ayoko ng masira pa ang araw ko. Gusto ko ng makalimot. Gusto kong magsimula ulit ng bago. Ayokong makulong sa masaklap na nakaraan. Hindi ko hahayaan na umikot ang buhay ko sa isang taong ipinagpalit lang ako ng basta basta. Nag hanap ako ng trabaho. Syempre 17 palang ako. High school graduate palang. Wala pang maayos na trabaho na pwede akong matanggap. Kailangan kong makaipon para sa pang kolehiyo ko. Kailangan kon magtrabaho para mabuhay ako. Si mama ay iniwan na ako, sumama siya sa ibang lalaki at kinalimutang may anak siya dito sa pilipinas. Wala na akong balita sa mama ko. At wala narin akong pakialam sa kanya. Lahat ng taong kinalimutan ako, lahat ng taong ipinagpalit ako ay hindi ko kailangan. Wala silang kwenta! Naglakad lakad ako noon sa village para mag apply ng trabaho at sakto! May nakita akong wanted flower arranger sa may tapat ng palengke.
"Excuse me po? Pwede po ba akong mag tanong?"
"Ano yun hija?"
"Uhm, pwede po ba akong mag apply bilang flower arranger? Graduate po ako ng high school, nag hahanap po kasi ako ng trabaho para po sa pang enroll ko sana."
"Ilang taon ka na ba? At nasan ang parents mo? Bakit kailangan mong pumasok ng trabaho?"
"Ano po kasi eh. Wala na po akong magulang, patay na po sila. Nag iisang anak ang po ako kaya eto po, nag hahanap ako ng trabaho para mabuhay po ako."
Alam kong mali na patayin ko ang mama ko sa puso ko, pero ganun na yun eh. Iniwan niya na ako at hindi na siya babalik pa. So mas mabuti kung patayin ko na ang alaala nila.
"Ganun ba? Hmm sige kulang din ako ng tauhan ngayon eh, tanggap ka na"
"Talaga po?? Nako! Maraming maraming salamat po ma'am, pag bubutihin ko po pangako. Wala po kayong magiging problema sa akin."
Tuwang tuwa ako noong nagpasalamat sa amo ko. Sa wakas magkakaipon narin ako.
"Ako nga pala si theresa. Mama tery nalang ang itawag mo sakin. Tutal parang anak narin naman kita sa edad mong yan eh."
"Talaga po? Maraming salamat po mama tery. Pag bubutihin ko po ang pag ttrabaho ko."
Lumipas ang mga buwan. Hindi na ako nag enroll pa para sa kolehiyo. Medyo nahirapan kasi akong makaipon ng malaking pera pang gastos kaya nag patuloy nalang ako sa pag ttrabaho sa flower shop ni mama tery. Nakuntento na ako sa kung anong meron ako.
