Hi si zoe na ulit ito.
Medyo ok na ang pakiramdam ko kaya naman gumising ako ng maaga at pumasok na sa trabaho. Pagdating ko doon ay nakita ko si mama tery na nag didilig ng ibang bulaklak."Oh zoe? Ang aga mo naman?"
"Para po marami tayong order mama tery."
"Alam mo zoe, simula ng nag trabaho ka sakin. Lumago ang negosyo kong ito. May swerte kang dala iha"
"Nako mama tery, hindi po. Sadyang maganda lang po talaga yung mga bulaklak natin."
"Iha, maswerte ka :) at hindi ako mag tataka kung balang araw ay ikaw na ang magpapatakbo nitong flowershop"
"Ano po ba sinasabi nyo?"
"Zoe kasi matanda na rin ako. At isa pa wala din akong anak. So naisip ko na kapag nawala na ako, sayo ko na ipapamana itong flowershop ko"
"Nako mana tery, wag naman po kayong ganyan oh. Wag ny po isipin na matanda na kayo. Wag naman po kayong ganyan sakin."
Nalulungkot na ako noon.
"Osiya na sige. Mag ayos na tayo ng bulaklak."
Umalis na ito at pumasok na sa loob. Maya maya pa ay dumating si tristan sa shop.
"Goodmorning zoe"
"Oh tristan. Ang aga mo ah? Wala ka bang ititinda?"
"Wala eh, gusto mo tulungan kita?"
"Sige ba, tamang tama."
Tinulungan ako ni tristan na mag ayos ng mga bulaklak. Nag gugupit siya ng ribbon at itinatali niya iyon sa rosas.
"Zoe? Pwede bang magtanong?"
"Ano yun?"
"Tulungan mo naman ako oh. Bigyan mo naman ako tips kung paano manligaw sa babae? Ok lang?"
Napatingin ako sa kanya. Seryoso ang mukha niya at halatang hindi siya nag bibiro.
"Ano? Bakit ako? Wala akong alam."
"May alam ka. Babae ka syempre alam mo kung paano."
Napaisip ako. Sabagay may point naman siya eh.
"Wait? Taga saan ba yung liligawan mo? Wag mo sabihin na sa palengke lang yan?"
"Ano ka ba basta tulungan mo nalang ako. Kahit anong idea"
"Hmm sige! Paano manligaw ang isang lalaki sa babae? Uhmm pano nga ba?!"
Nag isip muna ako ng pwedeng makatulong sa kanya. Para naman kahit paano magawa niya ng maayos diba?
"Ah alam ko na! NUMBER ONE!"
Natatawa ako sa itsura ko. Feeling expert ako eh. Ahaha yung tipong para akong mananapak sa tayo ko ^.^
"Anong number one?"
"Edi unang paraan!"
Pangbabara ko kay tristan.
"Alam mo nag jjoke ka pa eh. Ano nga?"
"Ok number one! Dapat ganto. Dapat wag padalos dalos! Dapat ano muna! Konting lambing sa taong liligawan mo. Alamin mo muna kung ano ba ung mga ayaw niya. Kunyare ayaw nyang pagkain. Ayaw niyang gawin. Basta lahat ng ayaw niya dapat alam mo."
"Oh tapos?"
"Pangalawa! Dapat sweet ka! Ipakita mong karapat dapat ka para ligawan siya. Ipakita mong seryoso ka sa kanya. Yung palagi mo siyang kakamustahin. Palagi mo siyang itetext ganun. Pero mas maganda kung hingin mo muna yung number niya diba? Hingin mo sa maayos na paraan. Kasi kaming mga babae, para sa kaalaman nyo, ayaw namin ng lare reply! Ayaw namin ng pinag hihintay kami. Kasi alam mo un? Ikaw ang nang liligaw, hindi naman kami! So iyon nga yon!"