Part 12 Enough

14 3 0
                                        

Ako na to si zoe.

Alam mo yung pakiramdam na dinalahan niya ako ng breakfast? Hindi ko naman ineexpect na mag pupunta siya sa bahay ng ganoong kaaga, at may dala pang agahan. Bigla ay may kurot akong naramdaman sa puso ko. Naaalala ko si mark sa kanya. Bakit ganon? Akala ko nakalimutan ko na si mark. Pero bakit eto nanaman ang alaala niya, bakit bumabalik parin ito sa isip ko. Nagkataon lang ba na magkapareho sila ni tristan? Imposible! Baka nagkataon lang talaga. Dati si mark ang gumagawa nito, tapos ngayon naman si tristan? >.< tumunog ang cellphone ko. Number lang ang nag text.

"Hi pretty ;">"

"Hello? Sino to?"

"Uhm, ako nga pala yung lalaking nagdala sayo ng almusal kanina :)"

Loko! Si tristan pala.

"Loko ka tristan! Ikaw pala yan."

"Haha. Pinapatawa lang kita."

"Salamat sa pagkain ah. Sobrang salamat talaga."

"Wala yon basta ikaw. Kinikilig pa."

Reply nito. Natawa ako sa reply niya. Nakakatawa kasi siya.

"Alam mo mais ka ba? Ang corny mo!"

"Ok lang na maging mais ako, sweet kaya ang mais ;)"

Reply ulit nito.

"Haha! Patawa ka! Nasan ka na ba niyan?"

"Anjan sa puso mo."

Sa mga reply niya ay kinikilig na yata ako na ewan.

"Pwede ba wag ako!"

Reply ko.

"Sorry na. Basta mamaya ah. Text kita pagtapos ng work ko."

"Sige ingat :)"

"Ikaw din ingat :*"

Di na ako nag reply. Nag linis ako ng bahay. Nilinis ko din ang kwarto ko. Habang nilalampaso ko ang sahig at ilalim ng kama ko ay may natamaan akong box sa ilalim. Sinilip ko agad iyon at kinuha. Binuksan ko ang box na yon at tumambad sa akin ang mga gamit, larawan, bulaklak at mga sulat na binibigay namin ni mark sa isat isa twing sasapit ang bestfriendsary namin. Naupo ako para tignan ang mga iyon. Inilabas ko isa isa ang nasa kahon, bawat gamit na inilalabas ko ay isang alaala namin ng matalik kong kaibigan. Kinuha ko ang pulang rosas na nakaipit noon sa diary ko. Duon ay naramdaman ko na kumikirot nanaman ang puso ko, na parang tinutusok ng libo libong karayom. Ito ang unang bulaklak na ibinigay sa akin ng bestfriend ko noon araw ng mga puso. Kasama ang pinagawa niyang larawan naming dalawa sa kaibigan niya. kinuha ko ang picture naming dalawa na naka frame. Ipinatong ko doon ang nalalanta ng pulang rosas sa katagalan. Sunod naman ay ang maliit na stuffedtoys. Ibinigay niya sakin ito noon lumabas kaming dalawa. Nanuod kami ng sine at nag laro siya sa toysworld. Duon niya nakuha ang cute na stuffed toys na to at ibinigay niya sa akin. Sunod naman ay ang mga balat ng chocolates, bigay daw iyon sa akin ng mama niya. Kaya naman itinabi ko pa ang balat para maalala ko na sa mama niya iyon galing. Kinuha ko din ang mga sulat na naipon ko. Ibinibigay niya iyon sa akin twing araw ng pagkakaibigan namin. Hindi siya pumapalya sa pag bibigay sa akin ng sulat kahit uso naman na ang text noon. Mas naaappreciate ko pa ang mga sulat na binibigay niya kaysa sa text. Inipon kong lahat ang mga sulat na iyon. Binuksan ko ang diary ko at duon ay napaiyak na ako ng tuluyan. Sa unang pahina ay nakasulat ang lyrics ng kanta ng Best Friend By: Jason Chen.

Do you remember when I said I'd always be there.
Ever since we were ten, baby.
When we were out on the playground playing pretend.
I didn't know it back then.

You Lost MeStories to obsess over. Discover now