Part 15 first move ni tristan

18 1 0
                                    

"Good morning zoe."

Pag gising ko ay text agad ni tristan ang nabasa ko.

"Oh goodmorning din. Aga mo naman magising."

Text ko.

"Oo naman. Nga pala wala kang pasok ngayon diba? Ayain sana kita sa park."

"Sige ba, wala naman akong gagawin eh, anong oras ba?"

"Kahit mamayang 11am. Sunduin nalang kita jan."

"Osige."

Bumangon na ako para maligo at mag handa ng pagkain. Kumain ako at pagkatapos ay nag linis ng bahay. Pagkatapos noon ay naglaba narin ako. Ang dami kong labahin eh. Ng matapos ako ay nanuod nalang ako ng tv. Puro kabaduyan naman ung palabas. Wala bang maganda? Lipat dito lipat doon hanggang sa mapunta ako sa cartoon network. Edi ayun. Un nalang pinanuod ko. Mga siguro ay 10am na, naligo na ulit ako at nag prepare para sa bonding namin ni tristan. Pasado alas onse ng itext niya ako.

"Zoe? Dito na ako sa labas nyo."

Sinilip ko siya at oo nga, andun na siya ng eksaktong oras na sinabi niya. Lumabas narin ako noon para puntahan siya.

"Ang ganda mo ngayon ah."

Pabiri pa nitong pang bobola.

"Alam mo ikaw basket ball player ka ba?"

Tanong ko

"Bakit?"

"Kasi bolero ka!"

Sabi ko sabay batok sa kanya. Sumakay na kami ng trycicle at nagpunta kami sa park. Pagdating namin doon ay maraming bata ang nagtatakbuhan. Hayyysssttt! Ang sarap sa pakiramdam. Alam mo yung tipo na parang ngayon lang ako nakalaya?

"Zoe ok ka lang?"

"H-ha? Ako? Oo naman! Ok na ok!"

Sabi ko sabay ngiti. Nakakita ako ng nag titinda ng ice cream kaya naman inaya ko siyang bumili kami.

"Tara ice cream tayo?"

Sabi ko sabay hatak sa braso niya. Bumili kami ng tig isa. Para kaming mga bata. Picture dito, picture doon. Ang saya naming dalawa. Parang napaka comportable namin sa isat isa. Namasyal pa kami. Nag bike din kami. Inagkas niya ako at inikot namin ang buong park. Sobrang saya naming dalawa. Parang wala kaming pakialam sa mga tao sa paligid namin. Inabot na kami ng hapon. Naglakad lakad naman kami sa park. May isang bata ang lumapit sa amin.

"Kuya kuya, bili ka na oh. Sampo lang ang isa, sige na po kuya."

Pulang rosas ang tinutukoy ng bata na bilhin ni tristan. Kumuha ito ng 50 pesos at ibinigay sa bata.

"Tatlo lang."

Sabi ni tristan sa bata. Hindi niya na kinuha ang sukli. Umalis ba ung bata at tumingin sa akin si tristan.

"Zoe? Para sayo."

Nagulat ako sa sinabi ni tristan.

"H-ha? Ako? Para sakin?"

Nagtataka kong tanong noon. Inabot ko ang tatlong piraso ng rosas na galing kay tristan.

"S-salamat ah."

Ngumiti lang ito at nagpatuloy na kami sa paglalakad. Madilim na noon at naglalakad na kami pauwi ng bigla namang kumidlat at kumulog ng ubod ng lakas, dahilan para mapadikit ako noon kay tristan sa sobrang takot. Takot ako sa kulog at kidlat kaya naman diko sinasadyang mapayakap sa kanya ng biglang umugong ng malakas

"Ay pusang gala!"

Sigaw ko noon ng bigla akong yumakap sa kanya. Ng mawala na ang kulog at kidlat ay nagulat ako sa itsura ko. Agad kong inalis ang pagkakayakap ko kay tristan. Hiyang hiya ako sa kanya.

"S-sorry? Natakot kasi ako eh"

"Ang cute mo pala kapag natatakot ka"

Nakangiting sagot nito. Hinampas ko siya at tsaka naglakad na papalayo.

"Ang baduy mo!"

Sigaw ko sa kanya. Tunatawa nalang ito habang sumusunod sa mga lakad ko. Ng makarating na kami sa bahay ay nagpaalam na siyang uuwi. Baka daw kasi abutan pa siya ng ulan.

"Salamat tristan ah. Thankyou din sa flowers na bigay mo."

Sabi ko sa kanya ng naka ngiti.

"Walang anuman basta ikaw."

Umalis na ito at isinarado ko na ang gate. Pumasok na rin ako sa bahay at nilocked ng mabuti ang pinto. Umakyat na ako noon sa kwarto. Pagpasok ko ay nilapag ko ang bag ko at nahiga ako sa kama. Tumingin ako sa hawak kong bulaklak habang nakahiga ako. Inamoy ko ang mga ito. At napangiti ako sa diko maintindihang dahilan. Bakit ganto? Bakit parang kinikilig ako? Bakit parang masaya akong binigyan niya ako ng bulaklak? Tanong ko noon sa sarili ko. Inilagay ko sa vase ang tatlong piraso ng rosas at nilagyan ko iyon ng tubig. Naligo na ako noon at nag bihis na para matulog.

You Lost MeDonde viven las historias. Descúbrelo ahora