Kinabukasan ay maaga akong gumising para pumasok na sa shop. Madami din kasing deliver ngayon at sasamahan ko pa si mang santi sa pag dedeliver.
"Oh zoe? Ang aga mo naman?"
Tanong ni mama tery.
"Opo, madami po kasing idedeliver"
"Ikaw talaga ang sipag mo. Kumain ka na ba ng agahan?"
"Opo, kumain na po ako."
"Osige ikaw na muna ang bahala dito. Pupunta lang ako sa kumare ko at mag dedesign kami duon ng bulaklak"
"Ingat po kayo"
Sabi ko at umalis na ito. Nag aayos ako ng mga bulaklak noong may tumawag sakin.
"Hi zoe?"
Si carl..
"Carl? Anong ginagawa mo dito?"
"Wala naman. Binibisita lang kita"
Nakangiting sabi nito.
"Bakit naman? Sa anong dahilan?"
"Namimiss kasi kita zoe."
"Nag papatawa ka ba? May boyfriend na ako carl."
"Alam ko, di pa naman kayo kinakasal eh. Asawa nga nag hihiwalay. Boyfriend pa kaya?"
"Alam mo.. Ewan ko sayo! Diba nililigawan mo si jana dati? Oh anyare na sa inyo ngayon?"
"Ano ka ba. Nililigawan ko lang si jana dati para kumuha ng inpormasyon tungkol kay mark at karen, para naman may maibalita ako sayo."
Pagpapatuloy pa nito.
"Ha? Bakit mo naman ginawa yon?"
"Kasi gusto kong malaman mo yung mga ngyayari nuon tungkol sa bestfriend mo"
"Tapos na yon. Hayaaan mo na."
"Pano kung ligawan kita zoe?"
"Nag papatawa ka ba? Sabi ko naman sayong may boyfriend na ako"
"Eh kahit na. Handa namn akong mag hintay zoe."
"Ayoko carl. Kaibigan lng ang tingin ko sayo. Hanggang dun nalang un."
Sabi ko noon sa kanya.
"Basta. Liligawan kita sa ayaw mo at sa gusto mo zoe."
Sabi nito sabay alis ng shop.
Nababaliw na siya! Tumunog ang phone ko at tumatawag si tristan."Hello baby?"
"Oh baby? Kamusta?"
"Baby ok naman. Nasa shop ka ba ngayon?"
"Oo baby. Ikaw nasa palengke ka ba?"
"Wala baby. May inaasikaso lang ako. Nga pala baby. Bukas ng gabi ah. Asahan kita. Tsaka may gusto din akong sabihin sayo bukas"
"Ha? Osige baby."
"Basta bukas baby ah. Sige mamaya nalang tatawag ulit ako sayo. I love you sa prinsesa ko"
"I love you too"
Sabi niya sabay off ng phone. Ano kaya yung sasabihin niya? Kinakabahan parin ako nakakainis naman! Sumama na ako noon kay mang santi at nag deliver na kami ng mga order na bulaklak. Bandang alas sais na noon makabalik kami sa shop.
"Salamat zoe. Natapos na natin ang deliver"
"Wala po un mang santi. Sige po mag sassara na po ako."
"Osige bukas nalang."
Sabi nito. Isinara ko na noon ang shop. Nag pop ang cp ko at nakita ko ang text ni tristan.