Part 26

15 0 0
                                    

Maaga akong nagising noon. Nag luto ako ng agahan para sa aming dalawa ni sandra. Pagkatapos noon ay nagpasama ako kay sandra para bilhan si tristan ng regalo.

"Be ano bang bibilin ko? Hindi ko alam kung anong ireregalo ko sa boyfriend ko eh."

"Eh ikot muna tayo baka may makita tayong maganda."

"Ano ka ba! Tayo lang naman ang maganda dito."

Nag tinginan kaming dalawa sabay tawa.

"Ikw talaga ate! Palabiro ka talaga"

"Haha alam mo yan."

Nakakita kami ng bilihan ng relo. Pumasok kami noon at naghanap ng pwedeng iregalo.

"Wow! Ang gaganda naman ng mga to! Siguro ang mahal nito."

Sabi ni sandra. Tinignan ko ang isang relo na gold ang kulay.

"Miss? Magkano to?"

Tanong ko sa babaeng nasa harapan namin.

"4,500 pesos po ma'am."

"Ha? Ang mahal naman."

Gulat na sabi ni sandra.

"Original po kasi yan ma'am."

Sagot ng babae kay sandra. Nakatingin sakin si sanda noon.

"Haha. Loka ka talaga bebe! Sige miss bibilhin ko yan."

Kinuha ng babae ang relong itinuro ko at inilagay sa box.

"Ate swerte naman ng boyfriend mo."

"Ano ka ba, gamit lang yan. Ang mahalaga talaga ung mahal ko siya"

"Kaya nga ang swerte niya eh. Kasi mahal na mahal mo siya"

Nakangiting sabi nito. Umuwi na kami noon sa bahay. Bandang alas tres ng hapon ay may kumakatok sa gate.

"Ate may tao sa labas."

Sabi ni sandra. Lumabas ako noon at sumunod naman si sandra. Nakita namin ang isang lalaking naka suit na itim.

"Ikaw po ba si miss zoe de castro?"

"Opo, ako nga po. Bakit?"

Tanong ko.

"Ipinapa biga po ito sa inyo. Paki pirmahan nalang po."

Sabi nito sabay abot ng box sa akin. Umalis na agad ang nag bigay nito at pumasok na kami ni sandra sa loob.

"Ate ano yan. Patingin dali."

Excited na sabi ni sandra. Tumog ang phone ko at tumatawag si tristan.

"Hello? Baby?"

"Hi baby. Nandyan na ba ung pinadala ko para sayo?"

"Alin? Ung box?"

"Oo, buksan mo na. Sunduin kita mamayang 7pm. May sasabihin tuloy ako sayo."

"H-ha? Ah osige."

"I love you baby."

"I love you too."

Sabi ko sabay off ng phone.

"Ate sino un? Bf mo? Siya ba ung nag bigay niyan?"

Tanong ni sandra.

"Oo siya nga."

Sabi ko. Binuksan ko na ang box noon. Nakita ko ang isang puting dress at puting heels noon. May kasama din itong kwintas at purselas.

"WOW! Ang ganda naman niyan ate"

Manghang mangha si sandra sa nakita niya. Ako din ay di makapaniwala. Saan kinuha ni tristan ang pinang bili niya nito? At ano ba ung sasabihin niya? Halo halong emosyon na ang nararamdaman ko.

Has llegado al final de las partes publicadas.

⏰ Última actualización: Feb 05, 2016 ⏰

¡Añade esta historia a tu biblioteca para recibir notificaciones sobre nuevas partes!

You Lost MeDonde viven las historias. Descúbrelo ahora