Part 10 kulitan time

17 3 0
                                        

"Oh tristan. Kaya mo ba talaga mag drive?"

"Oo naman zoe, dati din akong driver sa mga factory."

"Haha osige ikaw na bahala mag drive. Oh eto address ng pupuntahan natin. Dapat ma dala natin to bago pa malanta."

"Okay sige. Kaya natin to."

Pagkasabi niya ay pinaandar niya na ang sasakyan at nagsimula na kaming mag deliver. Deliver dito deliver doon. Inabot na kami ng gabi sa pag dedeliver. Matapos kaming mag deliver ay bumalik na kami sa shop.

"Oh zoe? Kamusta?"

"Mama tery ok na po. Deliver na lahat."

"Nako ang galing nyong dalawa. Hindi na ako magtataka zoe kung balang araw magkaroon ka na ng sarili mong flowershop."

"Nako mama tery, imposible naman po un. Pero sana nga po haha. Para mamana ko naman po yung galing nyong pag aalaga sa mga bulaklak."

"Oh tristan eto yung sweldo mo sa pag dedeliver."

"Po? Nako wag na po, ok lang po kahit wala, basta nakatulong po ako kay zoe, masaya na po ako dun."

Seryosong sagot nito.

"Ano ka ba? Sira ka ba? Hindi mo ba kailangan ng pera?"

Nagtatakang tanong ko.

"Ha? Ah eh kailangan."

"Oh un naman pala iho, tanggapin mo na to."

Sabi ni mama tery at inabot na sa kanya ang pera.

"Oh pano po mama tery, mauna na po kami gutom na po ako eh."

"Osige zoe, mag ingat sa pag uwi. Nga pala sarado muna tayo bukas, magpahinga ka muna ng isang araw."

"Po? Pero ok lng po ako."

"Nako iha, kailangan mo ng pahinga. Basta bukas mag relax ka. Gumala kayo niyang kaibigan mo."

"Nako mama tery. Kayo talaga. Osige na po mauna na kami."

"Sige mag ingat kayo."

Pagkasabi ni mama tery ay umalis na kami.

"Gusto mo ba kumain? Libre kita."

Sabi ni tristan.

"Haha nagpapatawa ka ba? Ako pa ililibre mo?"

"Oo naman. Malaki naman ung bigay sakin ng amo mo, kaya libre nalang kita."

"Ako nalang manlilibre. Tutal tinulungan mo naman kami sa shop so dapa treat ko. May alam akong masarap na kainan tara?"

Diko na hinintay ang sagot niya at kinaladkad ko nalang siya. Pagdating namin sa karinderya ay parang ayaw niyang pumasok. Ano bang problema niya? Allergy ba siya sa karendirya? Oh nahihiya?

"Huy? Ano na? Kakain ba tayo oh tatambay?"

Tanong ko.

"Ha? Eh bakit dito pa? Pwede naman sa jollibee oh sa mcdo oh kahit saan."

"Ang arte mo! Mahirap lng tayo! Wag ka ng chossy!"

Sabi ko sakanya na may halong pag tataray.

"Ate dalawang sisig nga po tsaka sweet barbeque dalawa din po."

Sabi ko sa isang tagapag serve ng pagkain.

"Wag kang mahiya! Unli rice dito kaya dito ako kumakain. Tsaka masarap sila magluto at malinis din."

Patawa kong sabi kay tristan.

"Bakit ba di maipinta yang muka mo? Nandidiri ka ba? Hindi kaba sanay kumain sa ganto???"

"Ha? Hindi ah. Sanay naman. Hindi ako nandidiri."

"Un naman pala eh. Kain lng ng kain. Tandaan mo unli rice to."

Tumatawa kong bulong sa kanya.
Pagkatapos namin kumian ay hinatid niya ako pauwi sa bahay, habang naglalakad ay walang nagsasalita kaya ako na ang nasalita.

"Tristan thankyou ah."

"Thankyou saan?"

"Thankyou kasi kahit kagabi lng tayo nagkakilala, anjan ka parin at tinulungan mo pa ako mag deliver."

"Ok lng naman sakin."

"Ni hindi manlang nga tayo nakapag pakilala ng pormal sa isat isa eh."

Huminto ito sa paglalakad. Napahinto na rin ako. Nakita ko siyang nakatingin sa mga mata ko at naka ngiti.

"Hi? Ako nga pala si tristan. Pwede ba tayong maging magkaibigan?"

Sabi nito sabay abot ng kamay niya. Diko alam kung matatawa ba ako oh ano sa ginagawa niya.

"Alam mo ang baduy mo!"

"Diba sabi mo di manlang tayo nagkakilala ng maayos? So eto magpapakilala ako sayo"

Nakangiti ito at kumikinang pa ang mata dala ng ilaw na sumisinag sa aming dalawa. Wala na akong nagawa kaya ginaga ko nalang siya kahit baduy!

"Ako si zoe. Oo naman. Pwede tayong maging mag kaibigan. Pwedeng pwede!"

Sabi ko sabay abot sa kamay niya at nag shake hands kami.

"Ahahaha ang baduy natin noh."

"Hindi ah. Ang cute mo nga eh."

"Zoe, pwede ba na araw araw kitang makita?"

Tanong nito.

"Oo naman. Friends na nga tayo diba?"

"Salamat zoe :)"

"Osige na papasok na ako sa loob. Ingat ka sa pag uwi mo. Bukas nalang."

"Sige."

Pumasok na ako at nakita kong naglakad na siya papalayo. Hindi ko maintindihan ung nararamdaman ko. Bakit parang ang gaan ng loob ko sa kanya? Bakit parang natutuwa ako na makasama siya?

You Lost MeМесто, где живут истории. Откройте их для себя