Part 20

12 1 0
                                    

Maaga ako noong nagising. Kinuha ko ang cp ko at tinext ko si tristan.

"Goodmorning porebs"

Nagreply naman agad siya.

"Goodmorning sa pinaka maganda kong mahal :*"

"Wait lang porebs ligo muna ako. I love you."

"Sige i love you too :*"

Naligo na ako noon at nag prepare ng pagkain. Pagkatapos kong kumain ay nag ayos na ako at pumasok sa trabaho. Mabilis na lumipas ang mga araw. Hindi na namin namamalayan na mag iisang buwan na pala kami.

"Porebs? Nasan ka?"

Tanong ko noon habang nasa shop ako. Hindi siya nag rereply buong maghapon. Naiinis na ako sa kanya! Hindi ba niya alam na isang buwan na kami ngayon?

"Porebs?"

"Porebs busy ka ba?"

"Porebs ano ba?"

Sunod sunod kong text sa kanya. Nainis na ako at di na nagreply sa kanya. Lumipas ang mga oras at wala manlang siyang reply sa mga text ko. Alas sais na ng hapon. Maaga akong nag sara ng shop tutal wala naman costumer. Dumaan muna ako saglit sa mall para bumili sana ng ipang reregalo ko sana kay tristan. Hindi ko alam kung anong gift ibibigay ko sa kanya. Bumili nalang ako ng relo. Couple watch. Para naman tig isa kami. Pagkabili ko noon ay dumiretso na ako sa bahay. Hala teka? Bakit bukas ung gate? Nanakawan kaya ako? Nagmadali na akong pumasok sa bahay noon. Madilim na dahil pasado alas otso na ako umuwi naglakad pa ako sa mall. Dahan dahan kong binuksan ang pinto. Nakapatay ang ilaw. Sa pag kakaalam ko ay binuksan ko ito bago ako umalis kinakabahan ako noong mabuksan ko na ang pinto. Binuksan ko ang ilaw at nagulat nalang ako ng may sumigaw

"SURPRISEEEEE!"

"Ay pusang gala!"

Si tristan. Nakita ko siyang nakatayo sa may sala. Hawak ang boquet of red roses.

"HAPPY FIRST MONTHSARY porebs!"

Sabi nito sabay lapit sa akin. Inabot ang bulaklak at niyakap ako ng mahigpit.

"Happy monthsary sa mahal ko."

Bulong nito habang nakayakap sa akin.

"Ano ba?! Bakit di ka nag rereply? Naiinis na ako sayo! Nag aalala ako!"

Inis kong sabi noon. Hinalikan niya ako sa noo at sinabing..

"Sorry porebs. Gusto lang kitang sorpresahin ngayon kaya di ako nagparamdam, i love you"

Tinitigan ako nto. Inaya niya ako sa sala noon. May mga lobo pang nakasabit.

"Ikaw ba nag lettering nito?"

Tanong ko ng makita ko ang isang banner na happy monthsary.

"Oo naman. Ayos ba?"

"Bakit gumastos ka pa? Ok lng naman kahit simple lang. Yung batiin mo lng ako masaya na ako"

"Mahal kita. Kaya gusto kitang mapasaya zoe."

Inabot ko sa kanya ang regalo ko.

"Pasensya na ha. Hindi ko alam ang hilig mo eh. Kaya ayan nalang."

Sabi ko noon sa kanya at ngumiti. Inabot niya sa akin ang isang brown box.

"Buksan mo."

Sabi nito. Inabot ko iyon at binuksan. Isang kwintas na hugis puso ang laman. Kinuha nya yon sa akin at isinuot niya yon sa akin.

"I love You zoe. Pangako mas aalagaan kita at mamahalin. Hindi kita iiwan. Hindi rin ako magbabago."

Hinalikan niya ako sa labi noon. At inaya niya na ako para mag dinner. Hindi ako umiimik noon. Bakit? Kasi ung binigay niyang regalo ay kapareho ng regalong natanggap ko mula sa bestfriend ko. OO, mula sa brown box na may ribbon. At sa laman nitong kwintas na hugis puso. Parehong pareho sila. Bakit ganto? Normal ba na mag kapareho ang isang tao?

"Porebs ok lang ba?"

"H-ha? Oo naman. Ok na ok."

Sabi ko at kumain na kami. Madalas si tristan na nasa bahay. Binigay ko sa kanya ung isang duplicate ng susi. Pagkatapos kumain ay nag hugas siya ng pinggan.

"Ano ka ba? Ako ng gagawa niyan!"

"Hindi. Ako nalang. Maupo ka lang jan. Ikaw ang prinsesa ko."

"Baliw ka ba? Ako na sabi."

Pag pupumilit ko.

"Ako na.."

Sabi niya at pinisikan niya ako ng tubig sa muka.

"Loko ka talaga tristan.."

Sabi ko noon at niyakap ko siya sa likod. Hawak niya ang pinggan na hinuhugasan niya.

"Salamat porebs. Salamat kasi anjan ka. Salamat kasi palagi mo akong pinapasaya. Mahal kita. Mahal na mahal."

Inalis ko na ang pagkakayakap ko sa kanya.

"Mas mahal kita zoe. Araw araw kitang mamahalin. Promise yan."

"Oo na! Ang drama natin! Tapusin mo na nga yan"

"Hahaha! Oo na po."

Tinapos niya na ang pag huhugas ng pinggan. Ng matapos siya ay nagpaalam na siyang umuwi.

"Oh pano porebs? Mauna na ako. Mag iingat ka palagi ah. Isarado mong mabuti yung pinto."

"Oo naman. Palagi ako mag iingat para sayo i love you."

"I love you too."

Kiniss niya na ako sa lips at umalis na siya. Umakyat na ako sa kwarto para magpahinga. Pag higa ko ay hawak ko ang kwintas na bigay niya. Napapaisip ako kung normal ba na mangyari yon? Normal ba na magkapareho silang dalawa? Pero mali! Bakit kung kelan ko siya kinakalimutan, bakit ngayon pa talaga bumabalik lahat ng alaala naming dalawa ng dahil kay tristan?

You Lost MeOù les histoires vivent. Découvrez maintenant