"Baby? Gising ka na?"
Text ni tristan noong magising ako. Nagtaka ako, baby? Wrong send ba siya? Ang alam ko porebs ang tawag niya sakin eh.
"Hoy! Sinong baby ha! Madami ba kami? Aminin mo nga sakib!"
Reply ko.
"Ano ka ba? Baby kita, ikaw lang ang mahal ko. Naisip ko kasing baby nalang ang itawag ko sayo kasi ikaw ang baby ko. Ako mag aalaga sayo."
"Sira ulo ka talaga! Kelan ka pa nagka matris? Patawa ka!"
"Ano ka ba? Wag ka naman na magalit. Baby nalang tawagan natin para cute."
"Ang jeje mo! Oo na baby!"
"Haha! I love you baby. Punta ako jan pag luluto kita."
"Osige bilisan mo."
Bumangon na ako noon at dumiretso na sa cr, naligo na ako noon, after 30 minutes ay dumating na si tristan may dalang kung ano ano.
"Oh? Ano yan?"
Tanong ko.
"Syempre pagkain. Lulutuin ko para sayo."
"Ahaha baliw! Gumastos ka nanaman!"
"Wag kang mag alala baby, may iniipon na ako pang pakasal natin."
"Kasal? Ahaha nag bibiro ka ba?"
Tinitigan ako nito ng masama. Hala grabe siya sakin. Joke lng naman un eh.
"Ayaw mo ba akong pakasalan?"
Tanong nito.
"Joke lang un baby galit ka agad?"
"No baby, sa ayaw mo at sa gusto mo, ako ang mapapangasawa mo. Ayaw mo ba non? Bukod sa gwapo na eh mabango pa ang magiging mister mo"
Sabi nito na naka ngiti.
"HAHAHAHA! Ang baduy mo! Tigilan mo nga ako tristan!"
"Pero baby promise, pakakasalan kita. Ayokong mawalay kapa sakin. Mahal na mahal kasi kita."
"Ang drama mo! Aga aga eh!"
"Baby ang sweet mo!"
"Hahahaha! Talaga ba?"
"Oo sobrang sweet mo! Nakakainis ka!"
Napipikon na sabi nito. Ang cute niyang magtampo. Parang baby na inagawan ng candy.
"Haha biro lang naman eh. Ikaw talaga oh. I love you baby.."
Sabi ko sabay yakap sa kanya.
"Hay! Ang hirap magtampo lalo na kapag nakayakap sayo ang taong mahal mo."
Sabi nito at kiniss ako sa noo.
"Osige na mag luto muna ako. Simba tayo mamaya baby."
Sabi nito.
"Osige :)"
Nagluto na siya at ako naman ay nag linis na ng bahay. Pagkatapos noon ay sabay na kaming kumain. Pagtapos naming kumain ay nag simba kaming dalawa. Nagpasalamat kami kay God na pinakilala niya samin ang isat isa. Nagpasalamat din kami dahil kahit papano ay masaya kaming magkasama.
Mabilis na lumipas ang araw at buwan. Ngayon ay apat na buwan na kami ni tristan. Mas lalo naming minahal ang isat isa. Palagi kaming magkasama. Lalo na sa araw ng monthsary naming dalawa."Baby?"
Tawag sa akin ni tristan noong nasa flower shop kaming dalawa.
"Bakit?"
Tanong ko.
"Baby, next week birthday ko na. Gusto na sana kitang ipakilala sa pamilya ko. Apat na buwan narin tayo baby, gusto kong makilala ka na nila."
Sa sinabing iyon ni tristan ay parang nanlamig ako na hindi ko maintindihan.
"Ok ka lang ba zoe?"
"H-ha? Ah ou ok lang ako."
"Weh? Hindi halata eh."
Sabi niya.
"Pero baby? Paano kung hindi nila ako magustuhan? Paano kung ayaw nila sa akin? Paano kung hindi nila ako gusto para sayo?"
Nilapitan niya ako noon at niyakap.
"Wag kang mag alala baby, mabait ka, maganda ka din, mabuti kang tao, kaya alam kong matatanggap ka nila. At tsaka kahit ano pang mangyari, hindi kita iiwanan. Mahal kita eh at ikaw ang gusto kong makasama sa harap ng altar."
Sabi nito at hinalikan ako sa noo.
"I love you zoe, mahal na mahal kita."
"Mahal na mahal din naman kita tristan. Hindi ko kaya na mawala ka sakin. Natatakot ako."
"Wag kang matakot. Hindi kita iiwan promise ko yan sayo."
Niyakap niya ako. Tinulungan niya nalang ako noon mag trabaho. Pagkatapos noon ay ihinatid niya na ako sa bahay.
"Oh pano baby? Uwi na ako ha. Isara mong mabuti yung pinto. I love you zoe, mahal na mahal kita."
"I love you too tristan. Mas mahal kita kahit na ang drama mo!"
Sabi ko sabay halik sa pisngi niya. Umalis na siya noon at pumasok na ako sa bahay. Umakyat na ako noon sa kwarto ko, napahiga nalang ako sa sobrang pagod sa trabaho. Habang nakahiga ako ay napapaisip ako kung ano bang gagawin ko? Ipapakilala niya na ako sa pamilya niya. Natatakot ako na hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Isang linggo nalang at makikilala ko na ang pamilya niya. Mabait kaya sila? Matanggap kaya nila ako? Pano kung ayaw nila sakin? Anong gagawin ko? Hayyy! Ang hirap naman nito.
