Part 17 say yes say yes

11 1 0
                                    

"Good morning ms beautiful."

Tumunog ang cp ko at nakita ko ang text ni tristan.

"Beautiful ka jan!"

"Baba ka na ms beautiful. May dala akong pagkain para sayo."

Sabi nito. Napatayo agad ako sa higaan noon at sinilip siya sa bintana. Nakita ko itong kumakaway sa ibaba. Mabilis naman akong bumaba para puntahan siya.

"Anong ginagawa mo dito?"

"Nandito ako para mag deliver ng pagkain sa napaka gandang binibining katulad mo."

Natawa ako ng sabihin niya iyon.

"Ang baduy mo! Wag ako!"

Sabi ko sabay irap sa kanya.

"Dimo ba ako papapasukin?"

Tanong nito.

"Oo na pasok ka na."

Pumasok na kami sa loob at binuksan niya ang dala niyang pagkain.

"Bakit nagdala ka pa nito? Sayang naman ung pera mo, imbis na ibili mo ng gamit mo heto at sakin mo pa binibigay."

"Ano ka ba? Para talaga sayo yan. Tsaka wala naman ako pag gagastusan eh. Kaya sayo ko nalang ilalaan."

Nakangiti ito na para bang nagpapacute! Syet! Kinikilig ako HAHAHHAHAHA!

"Tigilan mo nga ako! Di ka nakakatawa!"

Kunyari ay naiinis ako. Sabay kaming kumain noon. Pagkatapos ay hinintay niya ako sa sala. Umakyat ako sa taas para maligo na. Pagtapos ay sabay na kaming umalis. Ihinatid niya ako sa flowershop.

"Oh pano? Wala ka bang trabaho?"

Tanong ko.

"Meron. Puntahan nalang kita mamaya zoe ah. Hahatid kita hintayin mo ako."

"Oo na wag ka lang tatakbo."

Sabi ko noon at nginitian ko siya.

"Osige na alis na ako. Mamaya nalang."

"Ingat ka"

Sabi ko at umalis na siya. Gaya ng dati ay nag ayos nalang ako ng bulaklak. Bandang hapon na noon at medyo mag didilim na. Hinihintay ko si tristan kung dadating ba siya oh hindi. Pasado alas syete na ay wala parin siya. Naiinis na ako. Pero nag aalala din ako na baka kung napano na siya, baka kaya napaaway siya sa palengke, oh baka naman napag tripan! Nalilito ako sa mga naiisip ko na pwedeng mangyari sa kanya. Maya maya pa ay nag ring ang cp ko. Si tristan.

"Hello? Tristan nasan ka na ba? Ok ka lang ba?"

Pag aalala kong tanong.

"Ok lang ako zoe. Pasensya ka na. Hindi kita mahahatid eh. May problema kasi."

"Anong nangyare? Nasaktan ka ba? Ano?? May nang trip ba sayo?"

"Walaa, ok lang ako. Uwi ka na"

Pagkasabi niya noon y ibinaba niya na ang phone. Diko alam pero bakit nag aalala ako kay tristan. Mali ba na mag alala ako para sa kanya? Hays ang gulo! Isinara ko na ang shop at naglakad na ako papauwi. Habang naglalakad ako ay bigla kong naisip si tristan. Hayst! Bakit ganon? Bakit ko ba siya iniisip? Nappraning na yata ako. Sabi ko sabay hampas ng mahina sa ulo ko. Ng malapit na ako sa bahay ay natanaw ko ang maraming tao na nakapila sa tapat ng bahay ko. Anong nangyari? Nasusunog ba ang bahay ko? Nanakawan ba ako. Bakit ang daming tao? May nagawa ba ako na ikinagalit nila???? Nagulat ako ng isa isa silang lumapit sa akin.

"Miss para daw po sayo."

Sabi ng isang lalaki sabay abot ng isang rosas na may kasamang quotes.

You Lost MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon