Tristan's POV.
Hi! It's me again. Tristan.
Sana ok lang si zoe. Sana hindi na lumala pa yung sinat niya. Naaawa kasi ako sa kanya.(Phone ringing)
"Hello bro?"
"Oh mark?"
"San ka? Inom tayo?"
"Sige, saan ba?"
"Dito nalang sa dating tambayan."
"Orayt! I'm on my way."
Sabi ko sabay patay na ng phone. Nagpunta ako sa tambayan namin ni mark. Malapit sa dagat. Nakita ko siyang nakatayo sa kotse niya at hawak ang isang can ng beer.
"Oh bro! Kamusta!"
Tanong niya.
"Eto bro. Sobrang ok"
Sagot ko. Inabutan niya ako ng beer at uminom kami.
"Teka nga bro? Ano ba yang suot mo? Kailang ka pa nag suot ng mga ganyang damit? Ano yan uso lang?"
"Hindi bro. May pinupuntahan kasi akong kaibigan."
"Weh? Kaibigan nga lang ba? Babae yan noh?"
Tanong nito na nakangiti.
"Ano ba yan tristan. Wag na tayong mag lihiman. Daya naman oh tayo lang ang magkadikit eh."
"Oo na. Babae nga."
"Kwento mo na."
"Ano kasi eh. Nakilala ko siya sa kalsada."
"Ano??"
Masamid samid pa nitong tanong. Oo ang akala niya kasi sa kalsada lang talaga as in walker ganun.
"Ano ka ba! Hindi un gaya ng iniisip mo! Loko ka!"
"Eh ano?"
"Ano kasi ganto yan. May mga lalaki na gusto siyang manyakin. Nakita ko siyang humihingi ng tulong so aun tinulungan ko siya. Niligtas ko"
"Naks! Super hero ka na pala ngayon"
"Pero alam mo ba. Kakaiba siya."
"Anong kakaiba?"
"Napaka astig niya para sa akin. Hindi ko pa siya totally nakikilala pero alam mo un. Unang beses palang pero talagang napapa hanga niya ako. Na love at first sight ako sa kanga bro. Naniniwala ka ba na kaya kong mainlove sa loob lang ng tatlong segundo?"
"Ano? Ikaw? Maiinlove sa loob ng 3 seconds? Bro naman? Ang pihikan mo nga sa babae pano un mangyayari?"
"Seryoso ako bro. Gusto ko siya. At alam ko na balang araw magugustuhan niya din ako. I really like her so much"
"Bro baka naman gaya din siya ng iba? Baka naman estado mo lang sa buhay ang gusto niya parang ung ex ko"
"No, shes not! Eto pa bro! Ang matindi sa lahat, hindi niya alam na mayaman ako. Ang alam niya lang ay tindero ako jan sa tabi tabi."
"What?! Kaya ba ganyan ang itsura mo ngayon??"
"Oo, kaya nag papanggap akong mahirap para sa kanya. Kakaiba siya. Hindi siya tumitingin sa kung anong meron ka oh sa kung anong wala ka. Ang mahalaga sa kanya yung totoo ka. Yung totoo ka sa mga pinakikita mo. Pero ako? Hindi niya alam na mayaman ako. Hindi niya alam na balang araw ay magiging tagapagmana ako ng company"
"Nako bro, mahirap yata yan? Paano mo naman sakanya ipagtatapat na mayaman ka at hindi ka mahirap?"
"Hindi ko pa alam. Hahanap pa ako ng tsempo para ipagtapat sa kanya."
"Nako. Mahirap yan."
"Basta ako, masaya ako sa kanya, sa kakulitan niya, sa katigasan ng ulo niya, sa pagka matatag niya, iba siya"
"Naalala ko tuloy ang bestfriend ko"
Bigla ay nalungkot si mark sa tono niya.
"Bestfriend? Wait akala ko ba ako lang kadikit mo?"
Pagbibiro ko sa kanya.
"Ano ka ba? Nasa states kaya kayo noong bata pa tayo."
"Ay sabagay."
"Yun nga. May bestfriend ako, makulit siya, pasaway siya, mabait din siya at masayahin."
"Babae??"
"Oo,"
"Seryoso? Pwede magkaroon ng bestfriend na babae ang isang lalaki?"
"Oo naman, bakit hindi?"
"Oh tapos?"
"Ayon, grade 5 palang kami noong nakilala ko siya. Palagi kasi siyang binubully sa school. Lampa kasi siya eh pero malakas ang loob niya. So pinagtanggol ko siya sa umaaway sa kanya. Simula nun naging bestfriend na kami. Palagi kaming magkasama. Masaya siyang kasama"
"Ano ngyare?"
"Iniwan ko siya eh."
"Ano??! Seryoso ka??"
"Oo tristan. Nagsisisi nga ako kung bakit mas pinili ko si karen kaysa sa bestfriend ko. Akala ko kasi mahal talaga ako ni karen, pero pera lang pala habol niya. Iniwan ko ung bestfriend ko at si karen ang pinili ko. Sobrang naguilty nga ako eh. Kasi mismong birthday niya pa ako umalis. Sinabi ko sa kanya na mahalaga sakin si karen. Kaya iniwan ko siya. Alam kong nasaktan ko siya. Alam ko din na namumuhi na sakin ngayon yun. Gusto ko nga siyang puntahan sa kanila eh. Kaso natatakot ako, hindi pa ako handa bro, natatakot ako na pag nagkita kami ay magalit siya."
"Ang hirap naman ng sitwasyon bro. Kawawa naman din ung bestfriend mo. Bakit naman kasi pinagpalit mo siya? Pwede naman na mag usap parin kahit may gf ka na."
"Wala eh, ayaw kasi ni karen."
"Ang sarap siguro nun. Ung may bestfriend ka tapos babae pa."
"Oo, masarap talaga. Ung alam mo lahat ng ayaw niya. Alam mo ung di niya gustong kainin. Alam mo ung mga bagay na hindi niya magugustuhan. Lahat sa kanya alam mo."
"Nako bro, kung ako sayo, kakausapin ko ung bestfriend mo. Sayang bro"
"Sayang nga eh. Ikaw kailan mo ba ipapakilala ung babaeng nag paibig sayo sa loob ng tatlong segundo?"
"Sa tamang panahon bro. Liligawan ko muna siya para mas ok."
"Haha loko ka talaga bro."
"Oh pano, uwi na ako? Alam mo na si daddy baka mapagkamalan na nag ddrugs pa ako."
"Haha osige. Bukas nalang!"
Sabi ko noon at nag drive na ako pag uwi sa bahay.