Part 23 Tristan's POV

11 0 0
                                    

Pag uwi ko sa bahay ay nakita ko si mommy at daddy sa sala.

"Oh tristan saan ka galing?"

Tanong ni mommy.

"Sa girlfriend ko po mom,"

"Girlfriend?"

Nagka tinginan si mommy at daddy noon.

"Kelan pa? Bakit hindi mo manlang siya samin ipinakilala?"

Tanong ni daddy.

"Dad, plano ko na po talaga siyang ipakilala sa inyo sa isang linggo. Ininvite ko siya sa birthday ko dahil gusto kong makilala nyo na siya."

"Finally! Makikilala narin namin ang babaeng dahilan ng pagbabago mo. Dati hindi ka naman ganyan. Napaka pasaway mong bata! Pero ngayon himala at sumusunod ka na sa mga sinasabi ko sayo"

"Yes that. Iba talaga pag inlove"

"Nako, binata na talaga ang anak ko. May girlfriend ka na, I'm sure na mabuting babae yang napili mo. Hindi mo siya magugustuhan kung hindi siga mabuting tao."

"Oo naman po. Napaka buti niya. Kakaiba po talaga siya."

"Napakasaya mo anak ah. Naaalala mo pa ba yung babaeng iniwan mo noon sa gitna ng kalsada?"

Sabi ni mommy. Yung babaeng tinutukoy niya ay ung anak ng kaibigan niya. Napaka arte niya kasi! Sosyalera kaya aun sa sobrang inis ko iniwan ko siya sa kalsada.

"Haha monmy naman eh. Matagal na po yon. At never kong gagawin yon sa babaeng mahal ko ngayon. Siya po ang insiprasyon ko, kaya sana po mommy, daddy. Sana matanggap nyo siya kung sino at ano man po siya."

"Anak, kung sino ang mahal mo. Mahal narin namin ng daddy mo. Mahal ka namin eh."

"I love you mom, dad. Thankyou po"

Sabi ko sabay yakap sa kanila. Umakyat na ako noon sa kwarto ko. Nag iisip ako kung paano ako magpapaliwanag kay zoe. Paano ko ba sisimulan ang lahat? Malapit niya ng malaman. Kinakabahan ako. Alas dose na ng madaling araw ay gising parin ako. Hindi ko magawang matulog. Tinext ko nalang si zoe.

"Baby? Gising ka pa? Hindi kasi ako makatulog. Namimiss na kita."

Text ko kay zoe. Tumunog kaagad ang cp ko noon at nag reply si zoe.

"Oo baby, gsing pa ako. Hindi nga din ako makatulog eh. Ewan ko ba kung bakit."

"Gusto mo ba puntahan kita?"

"Ano? Wag na. Matulog ka na. Kailangan ko din magpahinga at may pasok ako bukas. Matulog na tayo."

"Pero I cnt sleep. :("

"Isipin mo nalang na katabi mo ako. Tapos mag patugtog ka ng love songs. Sure na makakatulog ka na."

"I love you baby, mahal na mahal kita"

"I love you too baby, matulog na tayo. May bukas pa. Goodnight mwah :*"

"Goodnight :*"

Natulog na nga kami noon. Alas sais na ng magising ako. Mabilis akong bumaba para mag almusal. Nakita ko si mommy at daddy na kumakain na.

"Oh tristan, maupo ka na dito."

Sabi ni daddy. Naupo na ako at sumabay sa pagkain.

"Nag usap kami ng mommy mo about sa birthday mo. Ano bang balak mo?"

"Daddy gusto ko po sana yung simple lang eh para hindi na magastos"

"Ano? Ayoko!"

Sabi ni mommy.

"Simple? Hindi ako papayag! Nag iisang anak lang namin ikaw tapos mag bibirthday ka ng simple lang? NO NO NO! Ipapaayos ko kay marisa ang lahat. Siya na ang bahalang mag decide para dito"

"Pero mom? Ang gusto ko ay ipakilala sa inyo ang girlfriend ko. Gusto kong makilala siya ng family natin."

"Oh? Ok nga yon eh. Edi ipapaayos ko ang table para sa atin ng mga tita mo at mga pinsan mo. Ipakilala mo samin yang babaeng sinasabi mo."

"Hay ok! May magagawa pa ba ako?"

"Syempre wala na!"

Sabi ni mommy na naka ngiti. Pagkatapos kong kumain ay nag text ako kay zoe.

"Baby? Gising ka na ba? Hindi ako makakapunta jan. May trabaho kasi ako eh pasensya ka na baby ha i love you po."

"Ah ganun ba baby? Ok lang sige. I love you too. Text mo ako kapag di ka na busy ha."

"Opo baby. Mwah :*"

Di na siya nag reply noon. Nag handa na ako noon para sumama kay mommy at kay daddy sa kaibigan nilang designer. Sila daw ang mag aayos ng birthday ko. Ayoko naman talaga ng bongga eh. Mapilit kaso si mommy. Lunch na noon at andun parin kami.

"Baby? Nag lunch ka na ba? Kain ka na po, miss na miss na kita."

Text ko noon kay zoe.

"Ano ka ba baby. Ngayon lng tayo hindi nag kita miss mo agad ako? Sabagay ang ganda ko kasi diba?"

"Haha pasaway ka talaga baby ko. Kumain ka na ba?"

"Oo kumain na ako, ikaw ba?"

"Hindi pa nga eh."

"Kain ka muna, wag masyado mag pagod sa work ok. I love you baby"

"I love you too baby. Mamaya sunduin kita jan ha. Ako mag hahatid sayo."

"Opo baby. Sige wait nalang kita. Back to work na ako baby. Mwah."

Sabi nito at nagpa alam na

You Lost MeTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang