Kinabukasan.
"Tol gising ka na ba?"
Text ni mark sa akin. Ayoko ma badvibes kaya naman pinilit kong mag goodvibes.
"Yup! Bakit?"
"Anong bakit? Maligo ka na at mag bihis. After 40 minutes anjan na ako. Dala ko nadin yung breakfast mo. Wag ka na magluto, bilisan mo na."
Wow ha? Ano to suhol?
"Orayt,"
Naligo na ako at nagbihis. Syempre nag paganda nadin. Ayoko ma stress! Mayamaya pa ay pumarada na si mark sa labas. Mabilis na akong bumaba.
"Goodmorning!"
Sabi niya habang nakangiti. Pumasok na ako sa kotse niya, nakita kong may boquet of red roses sa backseat.
"Para kay karen?"
Tanong ko.
"Oo, pwede mo ba yan ibigay sa kanya?"
Masama man sa loob ko ay pumayag na ako. No choice!
"Oo ba, un lang pala! Asan na pagkain ko?"
Tanong ko.
"Ayan, kainin mo na agad tapos dun ka nalang bumaba sa may gate, makikita kasi ni karen na sa kotse ko yan galing"
"Oo na po..."
Naubos ko na ang pagkain ko at ayun na nga, pag tapat sa gate ng school ay bumaba na ako bitbit yung isang boquet ng rosas at ilang piraso ng chocolate. Nauna na sakin si mark. Pagpasok ko sa gate ay nakita ko si mark. Nasa second floor na agad! Tss! Talaga nga namang matinde!
Nakita ko si karen kasama yung mga bruhilda niyang kaklase! Sa totoo lang ayoko kay karen! Maarte siya! Oo! May attitude talaga siya! Lalo na ung mga friends niya! Hay! Maputi lang naman talaga siya eh! Tsss! Lumapit ako kay karen at inabot ung bulaklak at chocolate."Para daw sayo, may nagpapabigay."
Nagulat pa ito pero halatang kinikilig.
"Kanino galing?"
"Tingin ka sa taas. Kung sino yung gwapo sa taas, dun galing yan."
Lumingon nga ito. At malamang! Si mark lang ang lalaki sa taas kaya si mark lng ung nakita niyang gwapo. Ngiting ngiti ito at kilig na kilig. Ayun na di na ako napansin at nag harutan na sila ng mga kaibigan niya. Umalis na ako. Nakita ko si carl noon na nakatayo sa tapat ng hagdan. Diko nalang siya pinansin. Ngumiti nalang ako ng tipid.
"Oy! Sabay na tayo umakyat."
"Sige anjan ka na eh."
"So? Kamusta pakiramdam mo?"
"Ok lang ako. Ok na ok!"
Sabi ko sabay ngiti. Dirediretso lang ako sa loob ng room. Nag vibrate ung cp ko.
"Tol thankyou :) lunch tayo libre ko"
Text ni mark. Di ko nalang siya nireplyan. Nag start na ang klase at nag focus ako sa pag aaral. Hanggang sa nag lunch na. Nag vibrate ulit ung cp ko.
"Dito nako sa canteen. Baba ka na"
Bumaba na ako para sundan si mark. Gaya ng dati sabay kaming kumakain. Sabay bumabalik sa room. After class ay uwian na. Nag text siya sakin.
"Tol, sorry, hindi muna kita mahahatid. Kinuha ko kasi ung number ni karen sa friend niya. Gusto niya na lumabas kami ngayon."
Nainis ako sa text ni mark pero sige ok lang naman ako eh. Ok na ok lang talaga ako!
"Sige.."
Reply ko.
"Babawi ako espren promise."
Hindi na ako nag reply. Nakita ko si carl na nakatayo sa tapat ng kotse niya.
"Oy zoe! Tara hatid na kita. Nakita ko si mark kasama si karen."
"Hindi na. Mag ttrycicle nalang ako."
"Ha? Wag na. Tara hatid na kita. Pumayag ka na."
Ang kulit niya. Ang kulit kulit niya! Kaya aun. Pumayag na ako. Hinatid niya ako sa bahay at pagkauwi ko nagpaalam na ako. Pumasok ako sa bahay at nag bihis. Nagluto narin ako tutal nagugutom talaga ako. Gusto kong kumain ng kumain. 1 hour later ay tumatawag si mark sa cp ko.
"Hello?"
"Anong hello!"
Galit na toni nito mula sa kabilang linya.
"Oh? Anong problema mo? Nabasted ka ba agad?"
"Loko hindi!"
"Eh ano?"
"Bakit magkasama kayo ni carl? Bakit siya naghatid sayo?"
"Eh ala nga namang ikaw? Busy ka diba? Kaya hinatid niya ako."
"Sa susunod wag ka na magpapahatid sa kaklase mo nayun! Hindi siya mapagkakatiwalaan!"
Galit na galit ito. Nagseselos ba siya? IMPOSIBLE!!!!!!
"Ano kaba? Mabait si carl."
"Basta! Ayoko! Wag ka na magpapahatid sa kanya! At iwasan mo siya GETS!"
Sabay patay sa tawag. Nababaliw na ba siya??
