Tristan's POV.
Hi ako to si tristan. Sa ngayon ay hindi ko pa alam kung paano ko sasabihin kay zoe na hindi talaga ako tindero sa tabi tabi. Pero masaya ako na magkaibigan na agad kami kahit kagabi ko palang siya nakilala. Masayang kasama si zoe, napaka normal niyang tao. Simple lang siya at walang arte sa katawan. Pero paano ko sa kanya sasabihin na hindi ako mahirap? OO, hindi talaga ako mahirap. Ang totoo niyan ay mayaman ang pamilya namin. Ang papa ko ay nagmamay ari ng ibat ibang company. Si mama naman ay fashion designer. Nag iisang anak lang ako, tumutulong ako sa company ng daddy ko at balang araw ay ako na ang papalit kay daddy bilang presidente ng company. Anong gagawin ko? Mag papanggap nalang muna akong tindero sa tabi tabi para kay zoe. Gusto ko siyang makasama ng matagal. Sa totoo lang, unang kita ko palang sa kanya, ang gaan na agad ng loob ko sa kanya. Sa loob ng tatlong segundo, pakiramdam ko ay nahulog agad ako sa kanya. Na love at first sight ako kay zoe. At ang hirap aminin na hindi ako mahirap. Natatakot ako na sabihin sa kanya. Baka magalit siya sakin at ipagtabuyan niya ako. Gusto ko munang mag panggap na mahirap lang ako para mas lalo ko siyang makilala at ng mas lalo akong mapalapit sa kanya. Sa totoo lang ay nahihirapan ako. Hindi ako sanay sa gantong gawain. Hindi ako sanay kumain ng pagkain sa kalye gaya ng isaw, kwek kwek, fish ball at kung ano ano pang paborito niya. Pero para sa kanya lahat gagawin ko. Kahit kumain pa ako ng kung ano ano para sa kanya. Kahit araw araw pa akong mag deliver ng bulaklak para sa kanya gagawin ko.