Maaga akong gumising para pumasok sa flower shop. Madami kaming orders kaya naman dapat maaga akong pumasok. Nagmamadali ako noong mag ayos. Nagmadali narin akong lumabas ng bahay. Pag bukas ko ng gate ay nakita ko si tristan nakaupo sa labas ng gate.
"Ay pusang gala! Ano ba! Ano bang ginagawa mo diyan!"
Nagulat ako ng nakita ko si tristan.
"Ah hi zoe :) sosoli ko lng sana ung tshirt mo kaya hinintay kita."
"Ano? Seryoso ka?"
"Oo. Eto oh."
Sabi niya sabay abot ng paper bag sa akin.
"Alam mo ikaw. Baliw ka din eh noh."
Sabi ko sabay takbo sa loob para ipasok ung paper bag. Paglabas ko ay isinarado ko na ang gate.
"Papasok na ako. Ikaw san ka ba nag ttrabaho?"
"Ha? Ah jan lang malapit."
"Gusto mo ba sumabay na sakin?"
"Ha? Ah wag na. Sige pasok ka na. Ingat."
"Sige. Alis na ako ah. Nagmamadali kasi talaga ako."
"Sige goodluck."
Nagpaalam na ako sa kanya at umalis na ako. Pagdating ko sa shop ay nag ayos na ako ng mga bulaklak.
"Oh zoe, ang aga mo yata ngayon."
"Opo mama tery. Kailangan natin makadami ng deliver eh. Ang dami po kasing dapat ideliver ngayon."
"Nako zoe, yun nga ung problema natin. May sakit sa mang santi. Wala tayong mag dedeliver."
"Po? Nako, pano po ung orders satin? Baka di na sila kumuha kapag nadelay ung deliver?"
"Hindi ko nga alam iha."
"Ako nalang po mag dedeliver."
"Ano? Nako nagbibiro ka ba?"
Nakita ko si tristan noon na naglalakad.
"Nako may katulong na po ako. Nakikita nyo po ba ung kaibigan ko ayun po. Matutulungan niya po tayo."
"Talaga iha? Tawagin mo, paswelduhin nalang natin."
"Saglit lang po tatawagin ko."
Mabilis kong inalis ang apron na suot ko at tumakbo palapit kay tristan.
"Tristaaaaan..."
"Oh zoe? Bakit?"
"Tristan favor naman."
"Ano un?"
"Diba sabi mo wala kang pasok ngayon? Pwede mo ba ako tulungan na mag deliver ng bulaklak? Wala kasi ung nag dedeliver eh may sakit?"
"Ha? Eh? Ano ba gagawin ko?"
"Ikaw mag drive ng van. Ako mag dedeliver."
Sabi ko. Haha feeling close ako noh. Samantalang kagabi lang kami nagkakilala. Tapos hihingan ko agad siya ng pabor.
"Ah. Eh ano kasi.."
"Bakit? Di ka ba sanay mag drive?"
"Ha? Ah sanay naman."
"Yun naman pala eh! Tara na"
Sabi ko sabay hatak sa braso niya at ipinakilala ko siya kay mama tery.
"Mama tery siya po si tristan. Kaibigan ko, tutulungan niya po ako."
"Hello iho. Ok lng ba sayo?"
"Ha? Eh opo."
Tumingin ito sa akin at nginitian nalang niya ako.
