Pakiramdam ko ay bored na bored ako. Hindi ko kasi nakita si tristan eh. Feeling ko miss na miss ko na siya. Bakit ganto? Sasandali palang kaming hindi nag kikita pero miss na miss ko na agad siya. Hayst.
"Hi miss? Bakit ang lungkot mo naman yata."
Napalingon ako sa pinang gagalingan ng boses.
"Tristan??? Tristaaaan!"
Tuwang tuwa ako noong makita ko siya. Parang isang taon kaming hindi nag kita.
"Oh, anong nangyare? Na miss mo agad ako ng sobra ah?"
Sabi nito sabay abot ng bulaklak.
"May pa bulaklak ka nanaman! Bulaklak na nga hawak ko mag hapon eh bulaklak parin to?"
"Haha syempre naman. Oh dika pa ba mag sasara? Tara na kain na tayo ng dinner."
"Oo mag sasara na din. Hinintay lang kita, tagal mo kasi!"
Sabi ko sabay hampas sa braso niya. Tinulungan niya na ako magsara ng shop at nag lakad na kami. Hawak niya ako sa kamay noon habang nag lalakad.
"Baby?"
Tawag ko sa kanya.
"Bakit baby?"
Sagot niya.
"Mahal mo ba talaga ako?"
Tanong ko. Huminto siya sa paglalakad at tinitigan ako ng mabuti.
"Mahal kita zoe. Mahal na mahal kita."
Sabi nito sabay halik sa noo ko.
"Bakit mo ba natanong? Ako ba mahal mo ba ako?"
Tanong nito sa akin.
"Oo naman. Sobrang mahal kita tristan. Mahal na mahal."
Niyakap ko siya noon. Masaya akong kasama ko siya. Malungkot naman ako kapag hindi ko siya nakikita.
"Ang drama natin baby. Tara na nga."
Sabi nito at nagpatuloy na kami sa pag lalakad pauwi sa bahay. Pagdating namin ay ipinagluto niya ako ng pabirito kong sinigang.
"Wow, ang sarap talaga magluto ng baby ko oh. Kaya love kita eh."
"Sus! Binola mo pa ako!"
Sabi nito. Nag hain na siya noon at sabay kaming kumain.
"Ano palang ginawa nyo kanina?"
"Ayon. Nag buhat ng mga gulay gulay."
"Ahh. Napagod ka ba?"
"Hindi, para un sa future natin eh. Para un sa pag papakasal natin."
Tinitigan ko nalang siya. Kumain nalang kami noon. Pagkatapos namin kumain ay siya na ang nag hugas ng mga pinggan.
"Salamat baby ah."
"Wala yon. Basta ikaw kinikilig pa!"
"Haha baduy neto!"
"Sus, ikaw talaga. Oh pano? Uwi na na ako baby ah. I love you."
"I love you too baby. Ingat ka."
Umalis na ito at umakyat na ako sa kwarto. Nakahiga na ako noon ng biglang mag ring ang cp ko. Unknown number lang.
"Hello? Sino to?"
"Hello? Si zoe ba to?"
"Oo, sino ka ba?"
"Si carl to. Kamusta ka na ba?"
"Carl? Oh carl! Ok naman. Saan mo nakuha number ko."
"Ahh sa tito ko. Nag deliver ka daw kasi ng flower sa kanila eh. Kinuha ko calling card mo."