Hi it's me! Tristan.
Hi ako nga pala ang boyfriend ni zoe. OO kami na! Sinagot niya na ako! Grabe sobrang saya ko. Sobrang saya ko na girlfriend ko na siya. Gagawin ko lahat para sa kanya. Hindi ko siya hahayaan na maging malungkot. Ipaparamdam ko sa kanya kung gaano ko siya ka mahal. At hindi ko siya iiwan gaya ng ginawa sa kanya ng bestfriend niya. Sa totoo lang ay balak ko ng aminin kay zoe na mayaman ako. Na hindi ako tindero oh kargador. Pero natatakot pa ako. Baka bigla siyang magalit. Baka iwan niya ako. Baka layuan niya ako at makipag hiwalay siya sakin. Yan ang mga bagay na kinakatakutan ko. Pero bago un. Papaligayahin ko siya. Siya lang ang babaeng minahal ko ng sobra.
