"Oh zoe, ang dami nating orders ngayon. Kaya mo paba?"
"Oo naman po mama tery! Kayang kaya. Ako pa? Haha"
Pabiro kong sagot kay mama tery. Sobrang bait sakin ni mama tery.
"Oh kaya mo ba mag overtime iha?"
"Oo naman po. Kayang kaya."
"Osige ikaw na ang bahala jan ha. Tiwala naman ako sayo eh."
"At your service po :)"
Nagsimula na akong mag ayos ng mga bulaklak. Madami akong nabenta at mas madami ang nagpa deliver. Pagod na pagod ako ng araw nayon. Pasado alas nwebe na ng gabi ng matapos ko lahat ng orders.
"Hayst sa wakas! Natapos din! Gutom na gutom na ako."
Nagligpit na ako at isinarado ko na yung shop. Kinuha ko na ang bag ko at naglakad na para umuwi. Habang naglalakad ako ay pakiramdam ko may sumusunod sa akin. Kabadong kabado ako. Baka ma holdap pa ako. Nako wala akong pera! Hirap na hirap na nga ako mag trabaho nanakawan pa nila ako! Kinuha ko sa bag ko ang pepper spray na bigay sakin ni mama tery. Just in case daw pwede kong magamit yon. So tingin ko na ito ung time nayon.
"Hi miss.."
"Ay pusang gala!"
Nagulat ako sa lalaking bumungad sa akin. Maya maya pa ay may dalawang lalaki pa ang lumapit sa akin. Takot na takot ako. Hindi ko maintindihan nanginginig na pati tuhod ko >.<
"Sino ba kayo? Wala akong pera!"
"Miss, hindi naman pera ang kailangan namin eh. Pwede bang ikaw nalang?"
amoy alak ang mga bwisit na dugyuting mga lalaking to. Hinawakan ako ng isa sa braso, nagulat ako kaya tinapakan ko siya sa paa at inispreyan ko ng pepper spray sa mata.
"Aaaahhh!!! Syetttt hawakan nyo yang babae na yan!!!!"
"Ano ba! Bitiwana nyo ako!!! TULOOOONG!!! TULUNGGAN NYO AKOOOOO! Ano baaaa!"
Sigaw ako ng sigaw noon ng may marinig akong boses ng isang lalaki.
"Bitawan nyo siya!"
Nagulat ako ng bigla niyang sinapak yung isang lalaki at napabagsak ito sa kalsada. Sinunod naman niya ang isang lalaki na nakahawak sa braso ko. INFAIRNESS gwapo siya HAHA! Para akong prinsesa na nililigtas ng isang prinsipe. Haba ng hair! Nagulat ako ng masapak din siya. Syet kinabahan na ako delikado baka pag diko siya tinulungan tegok kami pareho. Nakita ko siyang sinapak ng isang lalaki. Humanap agad ako ng kahoy na pwedeng ihampas sa kanila. Ayon pwde na un.
"Hoy ikaw letse ka! Bitawan mo siya! Bitawan mo sabi siya eh!!!"
Patuloy ako sa paghampas sa kanya habang sinisigawan ko siya. Tumigil ito sa pag sapak kay mr tagapagligtas at sakin tumingin. Itinulak niya ako at napaupo ako sa kalsada. Aray ko! Wag mo naman personalin kuya! Masakit kaya! Binalikan niya si mr. Tagapagligtas. Sinapak ulit siya ni Mr. Tagapaglitas. Napabagsak niya ito sa simento. Nagulat ako ng nilapitan ako ng tagapagligtas ko.
"Hoy. Ano bang inuupo upo mo jan? Tumayo ka na! TAKBO!!"
Nagulat ako noon ng sumigaw siyang takbo, ako naman ay napatakbo narin. Takbo lang kami ng takbo ng mga oras nayon, hingal na hingal na ako at natutuyuan na ako ng laway >.<
"Teka muna kuya. Teka napapagod na ako eh. Hanggang saan ba tayo tatakbo?"
Napahinto narin siya at hingal na hingal. Natatawa ako sa itsura niya, pagod na pagod siya at pawis na pawis pa. Nagulat ako ng biglang bumuhos ang malakas na ulan. Di namin pareho alam kung saan kami tatakbo! Napaka malas ko naman yata ngayon. Tutal malapit lang naman na kami sa bahay ay hinatak ko nalang din siya patakbo sa bahay.
