31st Delusion ♡ No

352 10 4
                                    

Busy ako ngayon sa school ko. Third quarter na at kailangan kong maging consistent na first honor. Ni hindi na nga ako nakakahabol sa updates tungkol sa Gimme 5 or kay Brace. I haven't check my social media accounts too. Masyado akong madaming pinagkakaabalahan lalo na't student council president ako ng junior high school.

Wala pa din akong ipon. Ang dami ko naman kasing ginagawa. Ang dami pang binabayaran lalo na't malapit na ang pasko. Dalawang araw na lang at pasko na pero nandito pa din ako sa school para sa preparation sa mga events after Christmas Vacation.

Hindi ko na nga alam kung paano ko nababa-balance ang oras ko kasama ang barkada. Hindi ako nakakasama sa kanila tuwing lunch or dismissal kaya kapag may gala sa weekends ay hindi ako makatanggi, lalo tuloy akong nawawalan ng ipon.

1,000 mahigit na nga lang yata ang natitira kong pera. Nahihiya akong humingi ng pera kina Mommy kasi nagta-trabaho naman na din ako. Tuwing may oras ay uma-attend ako ng mga runways sa iba't ibang lugar sa Maynila para sa extrang pera. Nung Agosto lang din ako pinayagan ng mga magulang ko na magsimula na sa pagmo-modelo.

Hindi nila ako pinapayagang mag-commercial model kaya sa mga runways na lang ako uma-attend. 'Yun nga lang, mas malaki syempre ang kinikita ng commercial model dahil hindi naman ganon kasikat ang mga pinapasukan kong runways. Simpleng parang matinong runway lang.

"Sige na, Ate Sena. Mauna ka na. Kanina ka pa dito. Sa January na lang ulit tayo magkita-kita." Nakangiting sabi sa akin ni Bella.

"Sabay sabay na tayong umalis. Malapit ko na din naman itong matapos." Nakangiti ko ding sabi kay Bella. Si Bella ang vice president ng student council namin.

Ilang linggo na agad ang nakalipas saka lumuwag ang schedule ko. Successfully naming natapos ang mga events after Christmas Vacation. Nagkaroon na din ako ng oras na i-check si Brace at Gimme 5. Pagbukas ko ng messenger ko ay laking gulat ko na meron akong isang daan mahigit na messages at halos ito puro galing sa mga Gimmesters. Kay Kate lang na message ang una kong binasa.

Kate: Sena! Pupunta ka? Sena, please attend ka!

Kate: 4, 500 ang VIP! Dali keri mo na 'yun!

Kate: Sena! May concert ang Gimme 5 sa summer at 4 slots na lang ang natitira sa VIP!!

Halos lumuwa na ang mata ko dahil sa mga messages ni Kate. Napakadami pa niyang messages sa akin pero ang huling tatlong messages ang pinaka-nagpasaya sa akin. Gimme 5's first ever concert. Tumakbo agad ako sa baba para hanapin si Mama.

"Mama!" Sigaw ko habang hinahanap siya.

"Sena, bakit?" Nagulat ako ng biglang sumagot si Mama na nasa garden kasama si Papa.

"Ayos lang po kayo?" Tanong ko't lumapit sa kanila.

"Oo naman!" Natatawang sagot ni Mama. Lumapit ako sa kanila hinaplos si Mama saka niyakap.

"Anong kailangan mo?" Natawa agad ako sa tanong ni Mama.

"Ma.. Pa.." Napakagat ako sa labi ko.

"Make it fast, anak." Good mood sila. Thank, God!

"Can I attend Gimme 5's concert sa summer?" Napansin ko agad ang pagiba ng mood nilang dalawa.

"No." Matigas na sabi ni Daddy. Ang laking gulat ko sa sagot niya. I didn't expect that one.

"D-dad.." Napakagat ulit ako sa labi ko. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko.

"Sena, we need to save money." Napapikit ako sa sinabi ni Mommy. 4, 500 ang VIP. Halos 1, 000 lang ang ipon ko ngayon.

"I have money." Sagot ko sa kanila. Kahit na lower box lang masaya na ako, basta maka-attend ako.

"Sena Christine, 'wag matigas ang ulo." Ani Daddy at umalis na kasunod si Mommy.

Napahawak ako sa mukha ko't hinayaan ang mga luhang nagpaunahang umagos sa pisngi ko.

I'm the Dancer's Girlfriend?! (Gimme Five)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon