16th Delusion ♡ Bawal

567 16 1
                                    

Sobra akong kinakabahan ngayong araw na ito. Simula na ng workshop ko. Nakipagkita ako kay Ysa sa tapat ng ABS-CBN Audience Entrance at natanaw ko na siya agad pagkababa ko ng sasakyan.

"So tagal!" Reklamo niya bago kami pumasok sa loob.

Dumiretso muna kami sa cafeteria. Ilang oras din ang tinagal namin sa cafeteria. Saktong labas namin ay dumating si Sofia Andres kasama si Diego Loyzaga. Nalaglag ang panga ko. Sa mga nakaraang linggo ay hindi naman ako tumigil sa pagkaka-crush kay Diego pero hindi ko pa din ina-accept ang offer ni Ate Elaine, pero hindi ko din naman tinanggihan.

Agad na nilapitan ni Ysa si Sofia. Nagpa-picture siya doon. Masyado akong stunned kay Diego.

"Sena, come here!" Tawag sa akin ni Ysa kaya natauhan ako.

Pinicturean ko sila ni Sofia at Diego at ganon din ako. Sobrang hindi ako makagalaw ng inakbayan ako ni Diego. Ang lakas ng tibok ng puso ko. Nakipag-selfie pa kami sa dalawa saka nagpaalam.

"Omg! Bakit inakbayan ka ni Diego tapos ako hindi?" Reklamo ni Ysa habang naglalakad kami papunta sa elevator. Hindi ako umimik. I need to be loyal.

Ilang araw na akong nagwo-workshop pero hindi ko pa din nakikita si Brace or kahit isang member man lang ng Gimme 5. Lunes na ngayon at napaaga ako. Inintay ko na lang si Ysa sa may cafeteria. Naramdaman ko ang pagkakagulo ng mga tao sa labas kaya lumabas din ako at nanlaki ang mga mata ko noong nakita ko si Nash kasama si Alexa. Tumakbo agad ako sa kanila at nagpa-picture. Buti na lang mabait sila pati 'yung kasama nila ngayon kasi pinicture-an nila ako kasama si Nash at Alexa.

Hindi na muna ako pumasok sa loob ng cafeteria at sa may mga benches na lang umupo. Manonood na lang ako ng taping ng Luv U.

Habang pinapanood ko si Nash ay hindi ko mapigilang mapangiti. Kakaibang saya ang naramdaman ko para sa kanya. Dahil sa kanya, nakilala ko si Brace. Kung hindi ko siya crush ng mga panahong iyon, hindi ko sila mapapanood. Nung nag-break sila nilapitan ko si Nash bago pa siya pumunta sa loob ng isang room doon.

"Thank you, Nash." Niyakap ko sa siya't ikinatuwa ko naman nung niyakap niya ako pabalik.

"Para saan?" Natatawa niyang tanong.

"Kung hindi dahil sa'yo, 'di ko pa makikilala si Brace." Natawa kong sagot na ikina-pout naman niya.

"Akala ko may fan na akong kasing-ganda mo. Kay Arquiza ka pala." Ramdam ko ang kabog ng dibdib ko dahil sa sinabi niya. Sino ba naman ang hindi kikiligin sa papuri ng crush mo diba?

"Ano ba name mo? Irereto kita." Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.

"'Wag ka nga, Nash!" Sinimangutan niya ako.

"Nash!" Biglang dumating si Alexa kaya napatingin kami sa kanya.

"Alexa!" Tawag ni Nash pabalik.

"Let's take a picture." Ani Alexa bago ako tinignan.

"Can you?" Inabot niya sa akin ang phone niya kaya tumango lang ako't pinicture-an sila.

"Una na ako, Nash." Paalam ko sa kanya.

"Bye.." Pabitin niyang sabi na para bang tinatanong din ang pangalan ko.

"Sena." Sagot kong natatawa sa kanya.

"Bye, Sena. See you around." Tinanguan ko lang siya't iniwan ko na sila ni Alexa doon. Sakto namang dumating si Ysa.

"Shit Sena!" Sigaw ni Ysa na nakapagtawag sa atensyon ng madami. Nahihiya siyang tumungo dahil sa atensyong nakuha.

"Ingay!" Saway ko sa kanya.

"Shit kasi! Nakita ko si Brace!" Nanlaki ang mata ko't nalaglag ang panga sa sinabi niya.

"SERIOUSLY?!" At hindi ko na din naiwasang mapasigaw dahil sa gulat.

"Oo, shit! Nasa tapat kanina ng audience entrance. Kasama si Louise!" Biglang namilit ang tiyan ko't naninikip ang dibdib. Naikwento ko na din kasi dati si Louise kay Ysa noon at naipakita ko na sa kanya ang picture ni Louise. Napansin niya ang panlalambot ko.

"A-ayy, sorry." Aniya na para bang napakalaking pagkakamaling banggitin na magkasama si Louise at Brace.

"I'm fine, Ysa. I'm okay." Nagsimula na akong maglakad at hindi na napigilan ang luhang pumatak.

Bakit ang daya na naman? Bakit ako bawal makita si Brace? Bakit hindi pwedeng makita si Brace? Bakit pinagdadamot sa akin ng pagkakatoon na makita ko si Brace? Ang damot damot damot na naman ng tadhana. Lagi na lang.

I'm the Dancer's Girlfriend?! (Gimme Five)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon