27th Delusion ♡ Feelings

564 11 3
                                    

Nasa isang magandang hotel kami ngayon kasama ang napakaraming fangirls ni Brace. Kasama ko si Kate ngayon. Isang formal party ang hinanda ng mga naga-admin para sa third anniversary ng fandom namin.

Dahil isa itong formal party, lahat kami ay naka-dress. Ang suot ko ay isang white 2-piece long sleeve lace top dress na above the knee. Si Kate ay naka-sleeveless high neckline skater dress.

"Hi Kate!" Biglang lumapit sa amin si Louise na naka-strapless lace dress na above the knee din. Nagyakapan sila. I smiled at Louise at ni-head to foot niya ako saka inirapan. Kasama niya si Elyza. Elyza's wearing an illusion lace dress.

Madami pang lumapit sa amin. Madaming hindi ko kilala ang nagpa-picture sa akin. Hindi pa nga ako nakakaupo. Naglilibot pa kami ni Kate kahit pakiramdam ko'y hindi pa ako nakakalayo dito dahil ang daming lumalapit sa akin.

"Senaa!" Nagulat ako ng bigla akong niyakap ni Abigail na naka-bodice dress na above the knee din.

"Abigail!" Niyakap ko din siya pabalik.

"You're so pretty!" Puri niya sa akin.

"Thank you. Ikaw din." Ngumiti siya sa akin.

"Sena, this is Charlene." Ngumiti ako sa kay Charlene na naka-off shoulder lace dress.

"I know her." Natawa kami ni Charlene dahil sabay pa kaming nagsalita. Saglit lang kaming nagkwentuhan at umalis na silang dalawa.

"Hi Sena!" Nagulat ako ng biglang may lumapit sa akin. She looks familiar. She's wearing a floral high low lace dress.

"Hello!" Bati ko dahil hindi ko alam ang name niya.

"Danica Chavez! Forget me?" Napailing na lang ako sa sinabi niya.

"Not really." Natatawa kong sagot. She asked for a picture at hindi ko naman tinanggihan.

Madami pa akong nakasalamuha bago tuluyang pinaupo na lahat. Sa pinaka-harap ako pinaupo ni Kate. Round table ito. Kasama ko si Kate, Louise, Abigail, Charlene, at Elyza sa upuang ito.

Ka-close ko naman si Abi at Charlene kaya hindi ako gaano out of place. Nagkwentuhan kaming tatlo ng biglang may nagsalita sa microphone. Master of the ceremony si Kate at Louise. Si Kuya Joshua naman ang usherette. Pinabalik nila sa entrance lahat. Para sa isang mas formal entrance para sa lahat. Nandiyan na daw kasi ang Arquiza.

"Good evening! Let's formally start the party!" Nagpalakpakan naman ang mga waiter dahil nakapila kaming lahat dito sa labas.

"Yours truly, Alexandra Louise Anderson." Pakilala ni Louise sa kanyang sarili.

"And of course, Kate Jasmine Chua." Silang dalawa kasi ang una sa list, syempre sila ang MC.

"Joshua Heron Agno." Nagtaas lang ng kamay si Kuya Joshua at kumaway.

"Alice Aquino and Hazel Caroline Garcia." Nagsimula na ang pagtawag ng mga pangalan at nagtungo na sa kaniyang table. By pair kasi ang tawag nila. Dapat ay si Elyza ang partner ko pero may nahanap na siyang partner kaya ako mag-isa.

"Danica Chavez and Catherine Pitogo. Abigail Dawn Cooper and Charlene Emily Riddick. " Ilang pangalan pa ang nabanggit.

"Elyza Faith Mendoza and Jacqueline Kyla Santos." Nagulat ako ng binanggit ang pangalan ni Jacqueline. Hindi ko napansin na nandito pala siya. Siya 'yung schoolmate kong fan din ni Brace.

"Ate Sena!" Nagulat ako ng biglang may tumawag sa akin.

"Jeanne!" Niyakap ko agad si Jeanne at napansin ko ang paglingon ng ibang fans sa amin.

I'm the Dancer's Girlfriend?! (Gimme Five)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon