35th Chapter ♡ Baliw

345 9 1
                                    

Nagpaalam muna ako sa kanila na magc-CR ako. Naiihi na kasi ako. Pumasok ako sa isang cubicle at nag-CR na. Paglabas ko ay nagulat ako nung nandoon na si Louise.

"I told you to stay away, Sena. Bakit ba ang kulit mo?" Iritadong sabi ni Louise.

"Why would I? You can't dictate me. I have free will to decide." Akmang aalis na ako pero bigla niyang hinila ang buhok ko. I just don't want to argue. Umiiwas na ako sa gulo. 

"Malandi ka!" Hila niya ulit sa buhok ko. Napadaig naman ako sa sakit.

"Famewhore!" Nagulat ako sa sinabi niya. Nagpupumiglas ako pero lalo niya lang hinihila ng mas mahigpit ang buhok ko.

"Distansya, Sena! Maharot ka talaga!" Hinila niyang muli ang buhok ko ng mas masakit.

"A-aray! Bumitaw ka na, Louise!" Pilit ko siyang tinutulak palayo kaya natumba kami dahil nawalan na ako ng balanse. Nakadagan na siya sa akin at lalo niya akong sinaktan.

"Lumayo ka na sa kanya!" Sinampal niya ako ng isa at sinabunutan ulit.

"'Wag kang masyadong malandi, pwede? Bitch!" Hinila pa niya lalo ang buhok ko. Naiyak na ako sa sakit. Physically and emotionally.

"T-tama na, Louise..." Nanginginig kong pagmamakaawa pero bigla niya akong kinalmot.

"Ngayon, magmamakaawa ka?! Sorry, wala akong awa! Bitch ka, bitch! Malanding famewhore!" Napahagulhol na ako sa mga sinasabi niya habang siya naman ay abala sa pananakit sa akin.

"Assumera ka! Akala mo may gusto sa'yo si Brace? Dream on!" Napakagat ako sa labi ko. Bakit ba walang nadating na tao para mag-CR? Bakit ba walang nadating?

"LOUISE!" Napatayo agad siya dahil sa isang sigaw. Napansin ko ang pamumutla niya. Umupo ako at sinubukang tumayo. Sobrang gulo na ng buhok ko at napatingin ako sa braso kong nagdugo dahil sa kalmot niya.

"Sena.." Lumapit sa akin si Brace at niyakap ako. Kinulong niya ako sa bisig niya at nagsalita.

"I don't know if I can forgive you for this, Louise. Lumayo-layo ka na. I don't want you near Sena, or even from me." Aniya bago ako sinama palabas ng CR. Hindi na siya bumalik sa room at lumabas na kami ng restaurant na iyon. Sumakay na lang kami sa isang SUV habang tahimik.

"Damn!" Iritado niyang sigaw sa loob at sinundan pa ng ilang mura.

"Brace.." Pagkalma ko sa kanya.

"Pasalamat siya't babae siya kundi nabugbog ko na siya!" Napapikit ako ng naramdaman kong biglang kumirot ang braso ko.

"Shit! Anong masakit?" Nagaalala niyang tanong at hinawakan ang pisngi ko.

"I can handle this." Nakangiti kong sabi sa kanya.

"No, let me." Aniya't hinubad ang damit niya saka pinunasan ang nagdudugo kong braso.

"Brace..." Mahinahon kong sabi. Napatingin naman agad siya sa akin.

"Thank you." Dugtong ko.

"Hindi ko na alam kung anong gagawin ko sa babaeng iyon! She's so crazy!" Reklamo niya.

"Nakakabaliw ka naman talaga, eh." Natatawa kong sabi.

"Shit. Kung alam mo lang, mas nakakabaliw ka Sena." Aniya't hinalikan ako sa kamay.

I'm the Dancer's Girlfriend?! (Gimme Five)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon