30th Delusion ♡ Distance

489 11 0
                                    

Kakatapos lang ng recital ko ngayon sa Star Magic Workshops ko. Kasama ko ngayon si Mama sa canteen para bumili ng tubig.

"Saan ba daw natin tatagpuin sina Alma?" Tanong ni Mommy bago uminom sa tubig niya.

"Susunod na lang daw sila sa Megamall. Mauna na lang daw tayo. I'll just text them where exactly we'll have dinner." Sagot ko kay Mommy at lumabas na kami ng cafeteria.

Nanood ang mga Arquiza kanina ng recital ko. Triple triple nga ang kaba kong naramdaman dahil nandoon sila. We actually planned a dinner with them at si Daddy pa mismo ang nagyaya ng dinner na iyon. He wanted to know more. I don't know kung bakit sobrang lapit ko sa mga Arquiza ngayong mga nakaraang linggo. Hindi nila pinaramdam sa akin na fan lang ako, kahit kailan. Gusto ko na tuloy umasa. Gusto ko na tuloy mag-take ng risks.

Wala pang kalahating oras ay nakarating agad ang mga Arquiza sa megamall at nandito na kami ngayon sa iisang restaurant upang mag-dinner. Katabi ko si Brace sa kanan at si Lyca sa kaliwa.

"You're so good a while ago." Ngisi ni Brace sa akin.

"Thank you." Naramdaman ko ang pamumula ng pisngi ko.

"Malapit na naman magpasukan." Malungkot niyang sabi.

"Oo nga." Napabuntong hininga na lang ako.

"Hindi na naman kita makikita ng ilang buwan. Damn it. I'm going to miss you so much." Uminit na naman ang pisngi ko dahil sa sinabi niya.

"I'm going to miss you too."

"Mag-ipon ka na for next summer ha?" Nanliit ang mata ko dahil sa sinabi niya.

"Anong meron?" Nakataas kilay kong tanong.

"You'll see. Wait for it." Ngisi niya.

Madami sa kanila ang nakapansin ng kakaibang relasyon na meron sa amin ni Brace. They all noticed the sweetness and the closeness. At sa bawat pagpuna nila, hindi ko maiwasan ang mamula at mahiya. Masaya naman ako sa mga nangyayari, I'm just afraid of what will happen next.

"Sena." Nagulat ako ng tinawag ako ni Mama sa tabi niya bago ako umakyat sa kwarto ko.

"Ma?" Lumapit ako sa kanya. Pinatay niya ang TV. Bago niya ako pinalapit ay nanonood siya ng ETC dito sa living room namin.

"Ano na bang meron sa inyo ni Brace?" Namula ako bigla sa tanong ni Mama. I don't know what to say!

"W-wala naman po." Nagaalinlangan kong sagot, because I know there's something going on.

"Sena, don't forget that you're still his fan no matter what." Napatungo ako sa sinabi ni Mama.

"I know, Ma." Nakayuko kong sagot.

"Distance, anak. You're too young for relationship, okay? Grade 10 ka pa lang. I'm afraid you'll experience heartaches." Napabuntong hininga si Mommy.

"Ma, I'm responsible for my decisions. I know what to do." Napakagat ako ng labi ko.

Alam ko kung anong tama. Alam ko kung anong dapat gawin. But I can't control if I'll fall hard. Napakahirap pigilan nitong nararamdaman ko. It's like a gravity pulling me down. It's like I'm in the end of a cliff and it's a choice if I'll go up or let myself fall. And in my case, I let myself fall already. Hanggang ngayon hindi ko pa din nararating ang babagsakan ko. Hindi ko alam kung may sasalo pa sa akin sa baba o bigla akong malaglag at masasaktan.

Alam ko din na kapag nagmahal ka, impossible ka ng hindi masaktan. But you can actually do something to lessen the pain. Pero hindi ko na alam kung paano, nasa ere na ako. I can't hold on to someone. I'm just flying alone and thinking if someone will catch me or I'll just fall and get hurt.

Brace, wait for me down there. Brace, please, catch me.

I'm the Dancer's Girlfriend?! (Gimme Five)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon