40th Delusion ♡ Halik

386 11 0
                                    

Maaga ako ngayon sa office. Madami pa kasi akong gagawin kasi Lunes ngayon. Inaasahan kong madaming clients kapag Lunes. Pagkadating ko agad sa office ay ilang clients agad ang sumalubong sa akin. Agad na akong nagsimula sa pagkikipag-usap sa kanila.

Tatlo pa lang ang nakakausap ko ay nangangawit na agad ako. Mayroon pa daw lima sa labas, at possibleng madagdagan pa sila. Napatingin ako sa orasan, 9 am pa lang. Kaya pa 'to hanggang lunch.

Hindi ko alam kung mabilis ba o mabagal ang oras. Alas dos na agad at hindi pa din ako nakakapag-lunch. Mahigit kumulang sampu na ang nakausap ko at buti naman ay ito na daw ang huli ngayon. Sana wala na munang dumating. Nakakapagod.

"Attorney, ito po pala 'yung case ni Mr. Cantos about sa lupa nila. Kung pwede daw pong i-rush na agad ito dahil babalik na sila sa Australia, soon." Katok agad ng sekretarya ko pagkalabas nung huling kliyente kong nakausap.

"Sige, sige. Iwan mo muna diyan. Maglu-lunch muna ako at pagkabalik ko 'yan agad ang aayusin ko." Tumayo na muna ako sa swivel chair ko para ayusin ang mga gamit ko.

"Sige po." Akmang aalis na siya pero nagsalita muna ako.

"Ikaw ba? Nag-lunch na ba kayo?" Tanong ko referring sa iba pang empleyado dito sa opisina ko.

"Nag-lunch na po kami kanina." Tumango na lang ako sa kanya.

"At nandito na din po si Sir Brace sa labas. Kanina pa nga po pala kayo iniintay." Halos malaglag ang panga ko sa sinabi ng sekretarya ko.

"Bakit 'di mo agad sinabi?" Tanong ko sa kanyang natataranta.

"Sabi po kasi niya'y 'wag muna kayong abalahin." Napamura ako't nagpaalam na sa sekretarya ko.

Lumabas na ako't bumaba na sa first floor at agad kong nakita si Brace sa reception hall. Nakaupo na para bang inip na inip na.

"Brace!" Tawag ko sa kanya kaya agad naman siyang napatayo.

"Sena!" Lumapit siya sa akin.

"Kanina ka pa?" Tanong ko agad sa kanya.

"Kani-kanina lang."

"Anong oras ka dumating?" Nagsimula na kaming maglakad palabas ng building.

"Mga lunch. 12? I think." Napakagat naman ako sa labi ko nung tinignan ko ang orasan ang nakitang alas-tres na. Shit!

"S-sorry." Napayuko kong sabi sa kanya. Tumigil siya sa paglalakad kaya tumigil din ako.

"Bakit ka naman nagso-sorry?" Natatawa niyang tanong habang inaangat ang baba ko at hinawakan ang isa kong kamay.

"I let you wait too long." Nahihiya kong sabi.

"I can wait 'til forever, Sena. Wala pa ang tatlong oras sa 12 years kong pag-iintay na ligawan ka." Nagwala naman agad ang buong sistema ko dahil sa sinabi niya. Damn, Arquiza!

"B-brace..." Naiilang kong sabi dahil sa titig niya.

"Tara na!" Hinila na niya ako patungo sa parking kung saan nandoon ang sasakyan niya.

Habang nasa byahe ay tahimik lang kaming dalawa hanggang sa narating namin ang isang restaurant.

"Ayos lang ba sa'yo dito?" Tanong niya bago itigil ang sasakyan.

"Yup." Ngiti ko sa kanya. Kahit naman saan niya ako dalhin masaya ako, basta kasama ko siya. Shet! Ang corny ko.

Pumasok na agad kami sa loob at hinatid na kami ng waiter sa isang two-chaired table. Um-order na din agad kami at nag-kwentuhan. Wala pang ilang minuto ay dumating din naman agad ang pagkain namin. Hindi na kami nagdalawang isip na simulan ang pagkain dahil na din siguro pareho kaming gutom.

"Sena." Tawag niya sa akin nang tuluyan na akong matapos kumain. "I've never felt this way before. Damn! I'm so fucking in love." Napakagat ako sa labi ko dahil sa sinabi niya. Hinawakan niya ang kamay kong nakapatong sa lamesa. "I'm so fucking in love with you. I don't know what to do if I'll lose you." Bahagya akong umiling sa sinabi niya.

"You won't lose me, Brace. Never ever." I assured him. Umangat ang gilid ng kanyang labi na nagpalabas ng kanyang dimples.

"Promise?" Napangisi na din ako sa kanya.

"Promise." Ilang sandali din kaming nanatiling ganoon habang tinititigan ang isa't isa. "I'm so fucking in love with you, too." Hindi ko na napigilan ang sarili ko at umamin na ako. Napansin ko ang panlalaki ng mata niya. Napakagat naman agad ako sa labi ko para pigilan ang pagngiti.

"W-what?"

"I said, I'm in love with you. Damn! I'm in love with you, Brace." Hindi ko na napigilan ang sarili ko sa pagngiti.

"Shit, Sena!" Nagulat ako ng bigla siyang tumayo.

"Damn! I love you, Sena Christine!" Sigaw niya sa restaurant at agad akong hinila sa pagkakaupo ko. Nakaramdam ako ng pamumula ng pisngi dahil sa ginawa niya.

"You're mine." Hinila niya akong muli upang yakapin. Tumango ako na ngiting ngiti.

"I'm all yours." Sagot ko sa kanya. Ngumisi siya at nagulat ako sa sunod niyang ginawa.

He moved closer to me. Sobrang lapit na naduduling na ako sa sobrang lapit namin sa isa't isa. At dahan dahan niyang pinaglapat ang mga labi namin. He passionately moved his lips with mine. Damn his kiss.

"I love you." Muli niyang sabi sa gitna ng mga halik namin.

"I love you, too." Ilang saglit lamang ang bumitaw na siya na halik.

"I want to kiss you, again." Napalayo ako sa kanya dahil sa sinabi niya. Doon ko lang naalala na nasa public place nga pala kami at hanggang ngayon ay nasa amin pa din ang atensyon.

"Nakakahiya!" Namumula kong sabi.

"Ikinakahiya mo ako?" Pinadausdos niya ang kanyang braso sa akin bewang.

"Hindi 'no!" Nahihiya kong sabi.

"Then, bakit ka nahihiya?" Nakangisi niyang tanong.

"We just kissed in public! That's too much PDA!" Humiwalay muli ako sa kanya at nailang sa mga titig ng mga tao. Naglakad na ako patungo sa pinto at napansin ko naman ang pagsunod niya. Inabot niya ang bayad sa guard at lumabas na kami sa restaurant na iyon. Niyakap niya akong mula sa likuran.

"You should get used to it now, Sena. I'll kiss you whenever and wherever I want." Hinarap niya agad ako sa kanya at muling hinalikan. Hindi ko na napigilan ang sarili kong tugunin ang mga halilk niya.

"Damn, I'm already addicted to your lips." Naitulak ko siyang bahagya dahil sa sinabi niya at marahang tumawa.

The dancer is officially mine.

I'm the Dancer's Girlfriend?! (Gimme Five)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon