Mabilis ang oras. Nandito na agad ako sa harap ng ABS-CBN Audience Entrance para mag-enroll. Malakas na kumalabog ang dibdib ko. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko 'dun. Hindi ko alam kung paano.
"Ysa, sure ka ba na ito lang requirements?" Kanina ko pa tinititigan ang hawak kong birth certificate at 2x2 picture.
"Oo naman. Tapos syempre, dapat may dala ka ding talent." Natatawa niyang sagot.
"'Wag ka nga kabahan, Sena! Kainis 'to!" Kanina pa siyang nagre-reklamo habang ako ay sobrang kabado. Sanay na kasi siya sa mga ganito. Pinapasok na kami sa loob at pinapunta sa may tabi nung chapel. Kailangan na ba naming magdasal para makapasok kami?
"Anong ginagawa natin dito?" Kabado ko pa ding tanong.
"Papalapitin tayo mamaya 'dun sa may front desk para kumuha ng information sheet. Tapos may control number na din dun. 'Yun ang sunod sunod ng mga maga-audition kung magi-intro voice or advance voice." Explain niya habang nagpupulbo.
"May audition?" Pinanlakihan ko siya ng mata dahil hindi ako handa. Hindi naman niya nabanggit na may audition pala!
"'Wag OA, 'te! Magaganda boses natin kaya 'wag ka na diyang kabahan." Napa-pout naman ako sa sinabi niya. Sanay na talaga itong si Ysa sa mga ganito. Nakakainis 'yung mga kasanayan niya! Nai-insecure ako kasi ang taas ng self confidence niya.
Napatingin ako sa cellphone ko. Naalala ko agad si Dieter. Usually, 'pag bukas ko agad ng phone ko, pangalan niya ang makikita ko dahil araw-araw siyang may message. I don't know he'll change. Sabagay, kasalanan ko na din iyon. Siguro ay naging masyado akong busy these past few days. At aaminin ko, nami-miss ko na siya. But not as romantic as before. 3 months pa lang, nagsasawa na agad ako. He's too sweet. Too clingy. Tama nga sila, nakakaumay ang masyadong matamis.
Busy ako sa pagka-kalkal ng messenger ko. Kausap ko kasi si Sacha ngayon. Hindi ko inasahan na makakapasok ako sa advance voice nung nag-audition ako.
Sacha: Ate, may sasabihin ako sa'yong secret.
Bigla akong kinabahan sa sinabi ni Sacha. May mga secrets naman siyang alam ko at may secrets din akong alam niya. Ganun talaga kami ka-close. Hindi ko alam ang ire-reply ko pero nireplyan ko pa din siya ng maayos.
Sacha: Gusto mo po bang malaman ang facebook account ni Kuya Brace?
Nalaglag ang panga ko sa sinabi niya. Lalong hindi ako makakapa ng tamang ire-reply kay Sacha.
Sena: Sino ba namang fan ang ayaw diba? Hahaha.
Hindi ko alam kung tama ba ang ni-reply ko.
Sacha: Sige! Ate, promise mo secret lang natin ito ha!
Nangako ako sa kanya at natawa naman siya pero sinabi din niya. Kinikilig akong sinearch siya sa facebook. Hindi ko alam na possible ko palang malaman ang facebook account ng idol ko. Friend niya si Louise. Siguro dito sila nagu-usap. Nakaramdam naman ako ng selos.
Ilang linggo na lang ay magsisimula na ang workshops ko kaya lumabas na agad kaming Carenas at nagtungo sa La Recta. Dito ang pinakamalamig na lugar sa buong Pilipinas. Maganda dito at likas na madaming dayuhan ang pumaparito. Ngayon lang ako nakarating dito at totoong malamig at maganda nga dito. Kahit summer ay malamig pa din. Mayroon ditong lugar na madaming artista dahil doon malimit ginaganap ang shooting sa mga teleserye. Naisipan naming pumunta doon ngayon. Sobrang nae-excite ako dahil makakakita ako ng madaming artista.
Pababa pa lang kami ng sasakyan ay tanaw ko na ang napakadaming taong nanonood ng shooting doon. Mabilis kaming pumunta doon. Mahaba ang pila. Pwede ka kasing magpa-picture sa venue. Napansin kong wala pang shooting o artista na nandoon kaya konting ingay lang ang nabubuo ng mga tao.
Pumila agad kami at tiniis ang pagi-intay. Ilang tao na lang ay kami na ang magpapapicture ng biglang naglabasan ang mga artista. Napakadaming gwapo at magaganda. Malapit na sigurong magshooting. Hindi naman hinayaan ng mga guards na makalapit ang iilang tao sa mga artista, baka kasi magkagulo. Kami na ang sunod. Sobrang nae-excite ako.
"Hanggang dito na daw muna." Sunod na sana kami ng biglang pinatigil ng director ang pagpi-picture na nagaganap dahil magsisimula na ang shooting nila.
Lalo akong naexcite. Handa akong mag-intay ulit mapanood lamang ang mga artistang nasa harapan ko ngayon.
Madaming artista ang nandito. Timing nga naman! Nanood muna kami ng shooting at doon ko napagtantong hindi ganon kababait ang mga director pagdating na sa mismong shooting. Napakatataray nila! Talagang kahit artista ay sinusuway at pinapagalitan nila.
Abala kaming lahat sa panonood ng biglang may lumabas na isang artisa sa isang tent. Nalaglag ang panga ko ng nakita ko kung sino ito. Diego Loyzaga. Halos mapasigaw na ako nung nakita ko siya. Jusmiyo! Ang gwapo. Kung wala lang harang at walang guards ay nakatakbo na ako sa kanya. Napansin ng pamilya ko ang kilig na nararamdaman ko kaya inasar nila ako kay Diego.
Kaya naman, pagkabalik namin sa hotel ay agad kong ini-stalk muli si Diego. Kinikilig ako habang nagse-save ng pictures niya. Napaka-gwapo!
Agad akong nag-dm sa ilan kong kilalang admins ng kaniyang fanpage. Gusto kong sumali sa fansclub niya.
Sena: Hi, Ate Elaine!
Agad naman akong nakatanggap ng reply kay Ate Elaine. Tinanong ko siya kung pwede pang sumali sa fansclub nila at binigyan niya ako ng online google form para fill-up-an. Napansin kong madaming requirements. Nag-kwentuhan muna kami ni Ate Elaine bago ko fill-up-an ang form. Bigla siyang nag-send sa akin ng picture ng ilang babae't lalaki kasama si Diego. Bigla akong nakaramdam ng inggit.
Elaine: Monthly kaming merong meet-up kasama si Diego. Ganyan siya kalapit sa fans niya, lalo na sa admins.
Nireplyan ko agad siya.
Sena: Talaga po? Nakakainggit naman po.
Mabilis din siyang nagreply sa akin.
Elaine: Actually kulang pa kami ng admin. At pansin kong wala pang nagbabalak na mag-admin galing diyan sa Carenas.
Napaupo ako ng ayos. Nakaramdam ako ng kilig at saya sa sinabi ni Ate Elaine.
Sena: Talaga po? Paano po ba mag-admin?
Elaine: Meron ka lang kailangang fill-up-an. Iba kasi ang form ng admin.
May sinend siya sa aking link na google form din para naman sa mga admin.
Elaine: Gusto kita, Sena. Sana makapag-admin ka. You seem nice.
Kinikilig ako sa sinabi ni Ate Elaine. Nag-kwentuhan ulit kami ng biglang may sinabi na naman siya sa akin.
Elaine: Nasabi ko na sa ibang admins na nag-offer ako sa'yo. They also wanted you to be one of us.
Buong gabi'y pinagisipan ko lang ang offer sa akin ni Ate Elaine. Napaka-gandang offer ang binigay niya sa akin. Matagal na naman akong may crush kay Diego. Kahit kailan, wala pang nag-offer sa akin na mag-admin sa fandom ko kay Brace. Ito namang kay Diego, wala pang isang araw na nakita ko siya, niyayaya na agad akong mag-admin. Napakagandang opportunity ito. Maaaring ang laking pagaaksaya kung papalagpasin ko ito.
Naisip ko si Brace. Inisip ko siya. Inisip kong mabuti kung kaya ko bang mapalapit sa ibang artista samantalang hindi pa ako malapit sa bias ko. Maybe I have a crush on Diego and I wanted to be a part of his fandom, but I can't give up my life in Brace's fandom because there's greater opportunity.
Kahit pa hindi ako admin sa fandom ni Brace, napamahal na ako sa kanila. Lalo na sa bias ko. I love them and I can't choose other fandom over them.
BINABASA MO ANG
I'm the Dancer's Girlfriend?! (Gimme Five)
Teen FictionSena Christine Piege, a simple girl. Oh, not just a girl, a fangirl. A girl with a lot of dreams in her thoughts, completing those dreams with her idol, Brace Henry Arquiza, a famous dimple guy dancer who's included in the boy group--Gimme Five. All...